"Bakit parang pagod na pagod ka ate Lizhen?" Tanong ni Lyhmie dito ng pabagsak itong naupo sa couch.
Nasa coffee shop sila na paborito nilang tambayan.
"Nakakapagod kaseng kabahan at umiwas maghapon." Pagod na sagot ni Lizhen.
"Kabahan? Bakit? At sinong iniiwasan mo?" Cons.
"Yung mukhang vampire na doktor na bagong client ng company namin." Lizhen.
"What's with that vampire doctor? Bakit ka kinakabahan at umiiwas sakanya?" Yumie.
"Dont tell us pinagbalakan nyang sipsipin ang dugo mo ate?" Lyhmie joked.
"Haha! Oo nga noh? Bakit mukha syang bampira?" Heshin.
"Kase sobrang puti nya. Tapos ang tangkad at ang pula ng labi nya." Lizhen.
"Ah. Kaya naman pala kinakabahan. Gwapo si doc." Cons.
"Eh, bakit ka umiiwas?" Yumie.
"Kase nga lagi akong kinakabahan kapag malapit sya. Kaya ayon pumapalpak ako sa trabaho because of that." Lizhen.
"So, it means attracted ka sa kanya, ate?" Lyhmie.
"Of course not!" Mabilis pa sa alas kwatrong sagot ni Lizhen.
"Haha! Ang bilis ng sagot ah." Heshin.
"Makatawa ka parang walang lq? Hindi ka ba naawa kay Kerko? Kanina pa sya nakatayo sa labas oh." Yumie said habang itinuturo ang binatang nakatayo sa labad ng coffee shop.
Mula kase ng araw na nagselos si Heshin sa assistant ng manager ni Kerko ay hindi nya na ito kinausap kahit na nakabuntot si Kerko sakanya kahit saan sya magpunta.
"Hayaan mo sya. He deserve that." Nakairap pang sabi ni Heshin.
"Wow! Ang taray ni Maam oh. Patawarin mo na kase." Cons.
"Oo nga. Imagine? Hanggang matapos ang klase mo hinintay ka nya. Kahit wala ka naman talagang ipapasang lesson plan nagpahuli ka ng out sa school." Yumie.
"I didn't ask him to do that naman eh. Sabi ko ayoko syang makita." Heshin.
"Wow lang ha. Pabebe si teacher heshin?" Lizhen.
"Hindi kaya. Nakakainis kase sya eh." Heshin.
"Ate heshin, isipin mo nalang yung ilang taon na hindi kayo nagkita. Tapos nabigyan kayo ng second chance. Sasayangin mo ba yun ng dahil lang sa selos?" Lyhmie.
"May point ang bunso natin. Sige ka baka maagaw sya sayo ng maxine na yon." Cons.
"No way! Baka makalbo ko muna ang babaeng yon!" Heshin.
"See? Ayaw mong maagaw sya di ba? Instead na nagmamatigas ka dyan give him a chance na magpaliwanag and to prove himself to you." Yumie.
"Take ate yumie's advice before its too late, ate heshin." Lyhmie.
Napapaisip tuloy na napatingin si Heshin sa nasa labas na si kerko. Sakto namang may mga lumapit ditong tatlong babaeng parang kinikilig.
"Teka ang kapal nilang tignan at lapitan ang kerko ko ah. Humanda sila saken." With that salubong ang kilay na lumabas ng coffee shop si Heshin para lapitan si Kerko. Nakita nilang kumapit ito sa braso ng nabiglang si Kerko. Saka tinaasan ng kilay ang mga babaeng lalapit sana sa binata.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...