"Ang cute naman ni Zeena." Yumie. Habang nilalaro si Zeena.
"Oo nga. Mukhang matalino pa." Heshin. "Zeena, kain ka lang ha. Sayo lahat yang cookies at cake na yan."
"Siyempre kanino pa ba magmamana?" Lizhen.
"Sa tatay?" Sabay na sagot nina Heshin at Yumie.
"Tse! Hindi noh! Siyempre saken noh." Sabay irap ni Lizhen sa dalawa.
"Haha! Oo nalang. Mabuti hindi naging stage 4 yung dengue nya." Heshin.
"Thank God hindi nangyari yon. Mabuti nalang inasikaso agad sya dun sa ospital na pinagdalhan namin sa kanya. Infairness magaling yung doktor don. Kahit antipatiko." Lizhen.
"Bakit pakiramdam ko may something?" Heshin.
"Oo! May something talaga ang doktor na yon noh. Sabihan ba naman ako na, wala naman daw syang nakita at naramdaman saken! Eh, hindi naman ako flat chested ah." Lizhen.
Pareho namang nanlaki ang mata ng dalawa sa narinig.
"Wait lang ha. Bakit nya nasabi yun sayo?" Yumie.
"Oo nga. Anong nangyare?" Heshin.
"Hehe.... Ganito kase yon..... Nagising ako that day na sobrang taas ng lagnat ni Zeena. Kaya ayon dinala namin sya sa pinakamalapit na ospital ng walang hila-hilamos at walang palit-palit ng damit. Imagine that? Tapos niyakap ko pa yung doktor sa sobrang tuwa ko sa pag-asikaso nya sa anak ko. Late ko ng narealize kung ano ang itsura ko." Kwento ni Lizhen sa dalawa na attentive namang nakikinig.
"So, right after that sinabi nya yun sayo? Na wala syang naramdaman?" Nangingiti ng tanong ni Heshin.
"Hindi. The other day i feel awkward na humarap sakanya nung pina-check up ko si Zeena. And there! He told me na wag akong mag-alala kase wala naman daw syang nakita at naramdaman." Nakasimangot na kwento pa ni Lizhen.
"Hahaha! He insulted you?" Di na napigilang tumawa ni Yumie. "Ano bang itsura ng doktor na yan ha?"
"G-Gwapo." Alanganing sagot ni Lizhen.
"Haha! Gwapo naman pala eh. Hayaan mo na." Hindi na rin napigilang tumawa ni Heshin.
"Kainis kayo! Pinagtatawanan nyo ko." Nakasimangot na reklamo ni Lizhen.
"You know what, the fact na he said that. It means he is aware sa itsura mo that time. Kaya hindi totoong wala syang nakita at naramdaman." Yumie.
"Tama! Sinabi nya lang yon para hindi ka na mailang sakanya. Lalo nat sya ang attending physician ng anak mo." Heshin.
"Waaahhh!!!! Mas lalo yata akong maiilang." Lizhen.
"Next time kase wag kalimutang magsuot ng bra." Yumie.
"At maghilamos at magsuklay." Heshin.
"Ano ba kayo rush kase yun noh." Lizhen.
"Hayaan mo na. Move on na." Yumie.
"Tama! Atleast everytime na makikita ka ni doc makikilala ka nya." Heshin.
"Tse! Inaasar nyo ko eh." Lizhen.
"Haha! Hindi ah. Huh?" Napatigil sa pagtawa si Yumie ng may mapansin ito.
"Bakit?" Heshin.
"Feeling ko lang ba? O, ako talaga o tayo ang pinagtitinginan ng mga tao dito kanina pa?" Sabi ni Yumie habang nakamasid sya sa paligid.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...