"Anong follow up check-up? Di ba okay na naman si Zeena?" Kunot ang noong tanong ni Lizhen sa kapatid.
"Isinaggest kasi ni doc na magkaroon ng regular check si Zeena, ate." Sagot ng kapatid nito na si Lyn.
"Bakit?" Lizhen.
"Anong bakit? Siyempre para ma-monitor nila ang kalusugan ng anak mo, ate." Lyn.
"Pero di ba may check up na naman sya monthly sa health center?" Lizhen.
"Oo, ate. Pero iba parin yung may permanent peditrician sya. Tsaka mura lang naman don kaya kayang-kaya mo yon." Lyn.
"Ayoko." Lizhen.
"Ha? Ayaw mong ipa-check dun ang anak mo? Bakit naman? Balita ko pa naman magaling daw yung doktor na yon ate." Lyn.
"Basta ayoko. Sa iba nalang." Lizhen said with finality in her voice. Panu ba naman ayaw nya ng makaharap pa si Doc Bryle.
"Alam ko na. Nahihiya ka parin until now kay doc noh?" Sabi ni Lyn na may halong pang-aasar ang tono.
"Hindi ako nahihiya sakanya. Naiinis ako sakanya." Lizhen.
"Haha! Bakit ate? Kase sinabi nya na flatchested ka?" Lyn.
"Hindi nya sinabi ng diretso. Pero alam ko ayun ang ibig nyang sabihin. Ang yabang nya." Napa-irap si Lizhen ng maalala ito.
"Haha! Ate naman. Wag mo namang gawing big deal yon noh. Isipin mo nalang para to sa ikabubuti ng anak mo, okay? Bibihisan ko na si Zeena ha. Tapos sasabay na ko sainyo papunta sa sakayan. Wala ka namang pasok today kaya gogora muna ako." Lyn.
"Teka nga! Mas matanda ako sayo ha. Bakit ikaw ang nag-dedecide?" Lizhen.
"May point naman ako di ba? Kaya go ka nalang ate. Kalimutan mo na kase yung insidente na pagyakap mo kay doc ng walang bra.haha!" Sabay takbo ni Lyn papunta sa kwarto kung nasaan ang pamangkin.
"Lynnnn!!!! Humanda ka saken mamaya!" Sigaw ni Lizhen sa kapatid. "Nakakainis!" Ipinagpatuloy nya nalangang paghahanda ng almusal nila. Alam nya naman na may point ang kapatid. Ayaw nya na ring maulit yung nangyari sa anak nya kaya mas maganda kung mamomonitor ito. Pero bakit sa doktor na yon pa?
Wala ng choice si Lizhen kaya naman pagkatapos nilang mag-almusal nagpunta na sila sa ospital kung saan nandoon ang clinic ni Doc Bryle.
"Baby, behave ka lang ha." Bilin ni Lizhen sa anak.
"Yes, Mommy." Sagot naman ni Zeena na naglalaro ng dalang barbie doll.
"Mam, pwede na po kayong pumasok sa loob." Sabi ng nurse na lumabas mula sa opisina ng doktor.
"Okay. Baby, let's go." Aya ni Lizhen sa anak.
"Saan tayo punta, Mommy?" Medyo bulol pang tanong ni Zeena.
"Sa doktor baby. Papacheck natin kung healthy ka." Nakangiting sagot ni Lizhen sa anak.
Pinagbuksan sila ng nurse ng pinto. Nginitian nya ito at nagpasalamat sya saka pumasok sa loob.
Pagkapasok nila ng anak, nakita nyang nakaupo sa swivel chair nito ang doktor habang nakayuko at may binabasa.
"Ahm... Excuse me... Doc..." Agaw nya sa atensyon nito na mukhang hindi namalayan ang pagpasok nila ng anak.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...