"Mam, ito na po yung pinapatapos nyong article. I have to go kaya bukas ko nalang po ipapasa sainyo yung pinapa-edit nyo." Natatarantang paalam ni Yumie sa editor in chief nila pagkapasa sa article nya para sa magazine.
"Fine. I understand. Pupunta ka na sa promotion ng movie ni Yvan Castillo i mean ng boyfriend mo. Sige na umalis ka na." Nanunuksong sabi nito kay Yumie.
"Hehehe... Sige po Mam aalis na po ako." alanganin ang ngiting paalam dito ni Yumie.
"Okay. You may go." Natatawa pang sabi nito.
Nagmamadali namang lumabas ng opisina nito si Yumie at halos takbuhin nya na ang elevator para makababa sa lobby ng building kung saan naghihintay ang sundo nya.
"Manager Sam! Pasensya na kung pinaghintay kita ha." Hinihingal pang sabi ni Yumie dito.
"Its okay, Yumie. I understand na may trabaho ka rin na dapat asikasuhin. Mabuti nalang pinasundo ka saken ni Yvan para isabay kita papunta don sa press conference." Manager Sam.
"Nakakahiya nga inutusan ka pa nya na sunduin ako eh. Pwede naman akong mag-commute eh." Yumie.
"Hay naku! Hindi pwede noh! Malelate ka kapag nag-commute ka. Tsaka dont worry okay lang naman saken eh. Along the way lang naman itong opisina nyo eh. Let's go?" Manager Sam.
"Hehe... Sige alis na tayo. Salamat ha." Yumie.
"Its nothing." Nakangiting sabi ni Manager Sam saka inaya ng umalis si Yumie.
Mabuti nalang at sinundo sya nito kaya nakaiwas sila sa traffic at nakarating ng maaga sa venue ng press conference ng movie ni Yvan.
"Finally! Akala ko hindi na kayo darating eh." Sinalubong agad sila ni Yvan pagkapasok nila sa kwartong magsisilbing dressing room ng mga artista.
"Excuse me? We are just in time anoh! Hi, Direk! Hi, Yvonne!" Nakipag-beso si Manager Sam sa dalawa.
"Hi, po!" Bati rin ni Yumie sa mga ito.
"Hi, Yumie! Finally. Ipalalabas na ang isinulat mong kwento. Congratulations!" Nakangiting sabi ni Yvonne.
"Salamat. Hindi parin nga ako makapaniwala until now na isa ng pelikula na ang isinulat ko eh. Salamat sainyo." Sincere na sabi ni Yumie.
"Well, kame dapat ang magpasalamat sayo dahil binigyan mo kame ng magandang kwento." Yvan said na inakbyan pa si Yumie.
"Hah! Hindi yata yan ang sinabi mo nung unang inalok sayo ang movie na to. Kaya nga tayo nakunan ng litrato at nagawan ng issue di ba?" Paalala ni Yumie dito.
"Haha! That's already a part of our past babe." Yvan.
"Sya, tama na yan. We have to get ready na. Magsisimula na ang conference maya-maya lang." Manager Sam.
"Are you ready to face them, Ms. Yumie?" Direk.
"Medyo kinakabahan nga po ako eh. Pero i'll try my best po na wag magkamali ng isasagot sakanila." Yumie.
"Dont worry mukhang hindi ka naman pababayaan ni Yvan eh." Nakangiting sabi ni Direk.
"Ofcourse! Im just here by your side, babe." Yvan.
"Hehe... Whatever." Inirapan ito ni Yumie.
"Kayo talaga. Paki-make-up-an na si Ms. Yumie." Utos ni Manager Sam sa make up artist.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...