"Ano pong ibig sabihin nito, Head nurse?" Di makapinawalang tanong ni Dewey Pagkabasa nya sa schedule na ibinigay sakanya.
"Obviously wala kang schedule sa ospital this week dahil maaassign ka sa bahay ng pasyente mo." Paliwanag sakanya ng head nurse.
"A-Ano po?!? Headnurse naman!" Maktol ni Dewey.
"What's the matter? Eh, ikaw ang private nurse nya hindi ba? Kaya dapat lang na ikaw ang mag-alaga sakanya. Hindi pa sya masyadong magaling. Pero dahil gusto nya ng lumabas ng ospital pinayagan sya ng doktor nya pero kaylangan parin syang maminitor. Kaya you have to be with him." Mahabang paliwanag ng headnurse nya kay Dewey.
"Hindi po ba ako pwedeng makipagpalit sa iba?" Dewey.
"Hindi. Naayos ko na ang schedule. Walang pwedeng makipagpalit sayo. Pumunta ka na kay Dr. Cruz after mong magpapirma sa kanya, pumunta ka na sa pasyente mo. Parating na ang sundo nyo." Headnurse.
"Wait! Kaylangan kong sumama na sakanila ngayon?" Dewey.
"Oo. Kayo na ang bahalang mag-usap kung stay in ka o stay out. Sige na marame pa kong gagawin. Im warning you. Umayos ka ha." Pahabol pang babala ng headnurse bago umalis.
"Hah! Hindi man lang nila ko binigyan ng choice? Humanda saken ang lalakeng yon. Sisiguraduhin ko na hindi sya makakaalis dito sa ospital." Saka inis na nag-martsa sya papunta sa kwarto ng pasyente nya.
Naabutan ni Dewey na nakabihis na si Russel habang nasa kama na ang mga gamit nito. Nang humarap sakanya ang binata, handa na sana syang tarayan ito pero nabitin sa ere ang sasabihin nya ng mula sa banyo ay may lumabas na isang Ginang.
"Hijo, wala ka na bang nakalimutan?" Tanong nito kay Russel.
Kahawig ito ng binata kaya naisip ni Dewey na baka nanay ito ng binata.
"Oh, hi! Ikaw ba ang nurse ng anak ko? Im glad to finally meet you, hija." Lumapit ito kay Dewey at hinawakan ang kamay ng dalaga."Thank you for taking care of my son. Mabuti napagtyagaan mo sya." Nakangiti pa nitong sabi.
Napangiti nalang si Dewey sa ginang. Hindi nya alam kung anong isasagot dito. Binabawi nya na ang naisip nyang idea kanina na ina ito ng binata. Kase how come na mukhang sobrang bait ng nanay nito? Yung balak nya tuloy na pagkompronta sa binata ay hindi nya na naituloy.
"Wala na kong nakalimutan, Mom. Let's go. Sasabay ka ba samen o ipapasundo nalang kita sa driver ko?" Tanong kay Dewey ni Russel na bitbit na ang bag nito.
Gusto sana itong sungitan ni Dewey pero hindi nya magawa dahil sa ina nito na all smile parin sakanya.
"Susunod nalang po ako, Sir. Kase as you can see hindi pa po ako ready." Pilit ang ngiting sagot ni Dewey dito.
"We can wait for you, hija." Sabi ng Mommy ni Russel na ikinakunot ng noo ng binata.
"Mom, you know that i hate waiting." Russel.
Pasimple namang napangiti si Dewey sa naisip na idea.
"Sige po sasabay nalang ako sa inyo. Dont worry hindi po ako magtatagal." Dewey.
"Sige hija. Go ahead." Russel's Mom.
"Mom!" Palag ni Russel. Pero hindi ito pinansin ng ginang.
"We will wait for you in the parking lot, hija. Let's go, hijo." Aya nito sa anak saka nauna ng maglakad.
"Dont you dare na paghintayin ako." Bulong ni Russel kay Dewey.
"Pag-iisipan ko." Pang-asar ang ngiting tinalikuran na rin ito ng dalaga.
Dahil sa mommy ni Russel hindi sya nakapalag kaya wala syang choice kundi sumama sa bahay ng mga ito. Pero dahil din sa mommy ni Russel wala itong palag sa mga binabalak nya laban dito. Kaya as long as Russel's mom is around, naisip ni Dewey na magagawa nya ang mga gusto nyang gawin para makaganti sa binata. At sisimulan nya na ngayon.
"Ugh! Where is she? Kanina pa tayo naghihintay dito ah!" Reklamo ni Russel na kanina pa hindi maipinta ang mukha.
"Son, relax. Hindi pwede sayo ang mastress sabi ng doktor di ba? Baka nagka-emergency lang kaya sya natagalan." Pagpapakalma ng ina nito na nasa loob ng kotse.
"Im sure sinasadya nyang paghintayin ako." Russel na nakasandal sa labas ng kotse.
"Ano ka ba naman anak. Be nice to her okay. I like her." Nakangiting sabi ng mommy ni Russel.
"What?!? You like her? Hah! Kung alam nyo lang. She is not nice as you think." Russel.
"Pasensya na po medyo natagalan ako." Kunwari ay nahihiyang sabi ni Dewey. Pero sa loob-loob nya nagdiriwang sya lalo na ng makita ang nakasimangot na mukha ni Russel although hindi nakabawas ito Sa kagwapuhan nito. Erase! Hindi sya gwapo. Bawi ni Dewey sa naisip nya.
"Medyo? Hindi yun medyo. We've been waiting for almost an hour." Russel.
"An hour? Grabe ka naman, Sir! Ang alam ko minutes lang akong natagalan eh. Palabiro po pala itong anak nyo." Kunwari natatawang bumaling si Dewey sa mommy ni Russel.
"Pagpasensyahan mo na yang anak ko hija. Let's go?" Aya nito kay Dewey.
"Okay po." Abot tenga ang ngiting nilampasan ni Dewey si Russel saka pumasok sa kotse. Sa tabi ng mommy ni Russel sya pwumesto.
Sa tabi naman ng driver si Russel. Pabagsak nitong isinara ang pinto ng kotse.
"Hijo, dahan-dahan naman." Reklamo ng mommy nito.
"Sorry, Mom." Sabi ni Russel. Pero tinignan nito ng masama si Dewey mula sa rearview mirror.
Pero binigyan lang sya ng pang-asar na ngiti ni Dewey.
Habang nasa biyahe magiliw na nagkukwento at nagtatanong kay Dewey ang Mommy ni Russel habang si Russel naman ay panay ang kontra.
Hindi namalayan ni Dewey na nakaparada na pala ang kotse na sinasakyan nila.
"Nandito na pala tayo. I'll stay for a while bago ako magpahatid sa bahay." Sabi ng Mommy ni Russel na ipinagtaka ni Dewey.
"Hindi po kayo dito nakatira?" Nagtatakang tanong ni Dewey.
"Yes, hija. We are here sa building kung nasaan ang unit ni Russel." Nakangiting sagot nito.
"P-Po?!? S-Sa condo sya nakatira?" Dewey.
"Oo, hija. May problema ba?" Tanong ng ginang kay Dewey. Nagtataka ito sa reaksyon nya.
Nakangisi namang tumingin si Russel kay Dewey. "Welcome to my place. Feel at home, Nurse Dewey." Saka ito bumaba ng kotse.
Isa lang ang nasabi ni Dewey sa isip nya.
Lagot!
Mukhang sira ang plano nya. At mukhang sya pa ang madedehado.
A.N: Vote and comment. Thanks!
Josahannbercasio.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...