Chapter 3: Serendifity

25 2 1
                                    

            "Until now hindi parin ako maka-move on sa lalake na yon. Pagkamalan ba kong stalker? Gwapo sana eh. Mukha lang may tama sa utak." Talak ni Dewey. Nasa nurse station sila ng mga kasama nya ng oras na iyon.

      "Baka naman type ka." Tess isa sa mga kasamahan nyang nurse.

      "Mabuti nga sana kung ganun eh. Kaso parang lalamunin nya ko ng buhay eh." Naiimagine nya pa ang magkasalubong na kilay ng lalake.

     "Paano kung makita mo sya ulit?" Charm isa pang nurse na kaibigan ni Dewey.

     "Naku! Instead na sapakin ko sya hahalikan ko nalang sya para matahimik sya." Dewey said habang abala sa pag-aayos sa mga gamot ng pasyente nila sa children's ward.

    "So, that's prove that you are a stalker." Napa-angat ang tingin nya at nanlake ang mga mata nya ng makilala nya ang boses ng lalakeng iyon. Nakatayo ito sa harapan nya. At as usual salubong na naman ang mga kilay nito.

      "Oh moh! Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ko? Ikaw yata ang stalker eh." Natuptop ni Dewey ang bibig nya.

    "Tsk! Wag mong ipasa saken ang gawain mo, Miss. Buko ka na. Kaya kung ako sayo tigilan mo na ang pag-stalk saken. Kung ayaw mong idemanda kita." Seryosong sabi ng lalake.

    "Ano?!?" Di makapaniwala si Dewey sa narinig.

     "Saan ang kwarto ni Luke Collins?" Tanong ng lalake sa co-nurse ni Dewey.

    "Sa room 305, Sir." Sagot ni Charm na pigil ang kilig.

    "Thanks. Keep that in mind, Miss Stalker." Bumaling ito kay Dewey bago umalis.

      "Hah! Ang kapal ng mukha nya! Hoy! Kahit gwapo ka hindi ako magkakagusto sayo noh! Hindi ako stalker!" Umakyat ang dugo nya sa ulo nya kaya hindi nya napigilang sumigaw.

      Which is wrong move.

       "Dewey..." Worried na tawag sakanya ni Tess.

      "Bakit?" Tanong nya dito.

       Inginuso ni Tess ang harapan nito sa left side.

       At nanlake ang mata nya ng makita ang headnurse nila na nakatayo doon. Eyeing her.

      "Miss Dewey, in my office." Mataray na sabi nito bago tumalikod paalis.

      Napaface palm nalang sya. Pagtingin nya sa lalake nakatingin ito sakanya. Then smirk at her bago tuluyang umalis.

      "May araw ka rin saken." Inis na bulong nya saka sumunod sa head nurse nila. Paniguradong masasabon sya nito dahil sa pagsigaw nya.

*****

        "Thanks talaga sis sa pagsama mo ngayon sa photoshoot ko ha." Kishy.

       "Okay lang ate. Wala naman akong pasok ngayon eh. Tsaka mahihirapan ka kase hindi ka masasamahan ni mamita." Lyhmie.

       Nasa isang photoshoot ang mag-ate.

      "Ate, feeling ko lang ba? O, may kumukuha talaga saken ng litrato. Kanina ko pa nararamdaman yung flash ng camera eh. Pero paglingon ko wala naman akong nakikita." Lyhmie.

     "Baka imagination mo lang sis." Kishy.

     "Baka nga. Mag-retouch ka na. Baka tawaging ka na." Lyhmie.

     "Oo nga. Wait. I need to pee. Restroom lang ako, sis." Paalam ni Kishy sa kapatid.

     "Sige, Ate." Lyhmie.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon