Christian's PoV
"Nagkita na naman tayo, Christian..." ang boses na iyon.. Ang mukhang ito..
Pakiramdam ko'y napako ako sa pagkakaluhod ko dito sa sahig.
"Howard... Kapatid." tangi kong nasabi.
"Ako nga, Christian. Buhay ka pa pala."
"Hayup ka! Pinapatay mo kami! Anong kasalanan namin sayo?!" galit na galit kong saad. At this point, kung kami lang dalawa ni Howard ang naririto, kanina ko pa siguro siya pinagsususuntok.
"Actually, Christian. Ikaw lang. Ikaw lang ang may kasalanan." tumawa siya.
"Baliw ka na! Ako na lang patayin mo kung ako rin naman pala ang may kasalanan!" wala akong pakealam kung namumula na ako sa galit. Wala rin akong pakialam kung mapiyok-piyok na ko kakasigaw dito. Ang mortal kong kaaway, kaharap ko na!
"Oo. Baliw na baliw sa kanya." what the fuck is he saying?!
"Siraulo!"
"Alam mo, walang mangyayari kung sisigaw ka." sinamaan ko siya ng tingin.
Maya-maya pa ay isa-isa niya kaming tiningnan. At ganoon na lamang ang kabang naramdaman ko nang hinintuan niya ang anak ko.
"Kyle, tama?" sabi ni Howard kay Kyle. Subukan lang niyang pakelaman ang anak ko, humanda siya.
"Ang panganay... Nasaan ang bunso? Si Dorothy. Where's my daughter?"
WTF?!
"HINDI MO SIYA ANAK!" sumigaw na ako.
"Oh, of course she is. Tingin mo ba sayo 'yun? Eh wala ngang bahid ng mukha mo ang batang iyon. Kamukhang kamukha lang siya ni Alicia.."
"WAG MONG IDADAMAY ANG ASAWA KO DITO! PINATAY MO SIYA, HAYUP KA!"
Walangyang hayop siya! Matapos niya sabihin na anak niya si Dorothy, iaasama niya naman ngayon sa usapan ang asawa ko?! Utang na loob, pigilan niyo ko! Makakapatay ako!"I killed her? Hell no!" bigla siyang tumawa nang napakalakas. Maya-maya pa'y nagsalita siyang muli.
"I didn't killed her. In fact, I have her with me. Safe and sound." kampante niyang saad.
Teka.. Si Alicia? Nandito?!
"Alicia..." kalmadong pagtawag ni Howard at ganoon na lamang ang kalabog ng damdamin na nadama ko nang makita ko ang aling asawa na pumasok ng silid. Alicia.
"ALICIA! ALICIA ASAWA KO!" Sigaw ko.
"MOOOM! MOM!" napalingon ako kay Kyle na noo'y may halong gulat, saya, at takot ang nasa mukha.
"ATE! ATE ALICIAAA!" Sigaw naman ni Margi matapos makita ang kanyang kapatid sa mahabang panahon.
Nagulat ako nang tingnan lang kami ni Alicia na animo'y wala siyang pakealam sa amin. Tinabihan niya si Howard at napatigil ako nang hinayaan niyang akbayan siya ni Howard.
"Akin naman talaga si Alicia eh. Pero naging peste ka! Umepal ka lang sa relasyon namin!"
"HAYUUP KAAA!!!!!" tatayona sana ako nang biglang hinawakan ako ng dalawang tauhan ni Howard.
"Turuan ng leksyon 'yan." utos ni Howard at nagulat ako nang pumunta si Carver sa harapan ko at pinagsisipa ang sikmura ko.
"DAAAAAAD!!!!" rinig kong palahaw ni Kyle. Ayos lang ito, anak. As long as alam kong hindi ka masasaktan..
"NOOOO!!!" naririnig ko sila. Nagiiyakan sila.
Mga ilang segundo palang akong binubugbog at sinisipa ay hinang hina na ko. Ang sakit na ng buong katawan ko. Hindi ko na napigilang mapahilata sa sahig.
"DAAAAAAD!!!" nakita kong mula sa pagkakaluhod ay tumakbo nang mabilis si Kyle at kinagat ang braso ni Carver. Napasigaw si Carver sa sakit at bigla niya na lang sinuntok si Kyke dahilan oara mapahiga siya sa sahig.
"KYLE!!!" sigaw ko nang mapansing nagdurugo na ang pisngi ng anak ko.
"GAGO!!!" sigaw ko at pinilit na bumangon pero hindi ko talaga kinaya ang sakit na nararamdaman ko. Hindi na ako nakatayo at ang mas masaklap pa ay hindi na ako makagalaw. Tanging tingin na lamang ang naibigay ko sa kanila.
Nahagip ng mata ko si Alicia. Nakatitig siya sa akin ngunit walang bahid ng awa at oag-aalala ang mukha niya. Lalo na ang mata niya. Anong nangyari satin, Alicia...?
Unti-unti nalang na nagdilim ang paningin ko.
Zoe's PoV
Magkahalong takot, gulat, at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Mukhang nahanap na nga namin sila. Ang nga taong balak kaming isa-isahin. Ngayon, walang masisisi sa grupo namin. Ang may kasalanan, walabg iba kundi itong Howard na ito.
Si Christian. Nakakaawa siya. Si Alicia.. Ano nang nangyari sa kanya? Ngayon ko lang siya nakita nang ganyan. Nakakapanibago. Ano nang nangyayari...
"Everything will be alright..." napalingon ako sa bumulong sa akin. Si Ethan. Halata ko rin sa mukha niya na natatakot rin siya pero hindi niya gaanong pinapakita. Tumango na lang ako sa sinabi niya.
"Pagsama-samahin ang mga 'yan." utos nung Howard kaya nilapitan kami ng mga tauhan niya at pinatayo kami. Tinutulak tulak rin nila kami. Hindi namin alam kung saan nila kami dadalhin pero hinding hindi nawawala ang takot sa puso ko. Si Christian naman nakahiga parin sa sahig.
Maya-maya pa ay dinala kami sa secured na room. Pagpasok namin doon ay nakita ko si Lucy na nakaupo sa sahig, nakayuko at nakagapos ang mga kamay.
"Lucy!" pagtawag ko. Agad naman siyang umalis sa pagkakatungon at tiningnan ako."Zoe!" Sigaw niya. Tumayo siya upang salubungin kami.
Maya-maya pa ay wala na kaming nagawa kundi magpatianod na lang sa gusto nilang gawin. Kinandado na nila ang pintuan na naiwan na kami dito sa loob. Kasama ko ngayon sila Lucy, Ethan, Kyle, Trevor, Rin at Margo. Saan na kaya nila dinala si Christian?
"Anong gagawin natin..." tila nawawalang pag-asa na sambit ni Lucy.
"Shh..." pagpapatahimik ko sa kanya. Alam ko na mahirap ang sitwasyon namin ngayon pero pinipilit ko parin maging kalma kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang sumigaw.
Tyler's PoV
Kung nasaan man sila Christian ngayon, sana ligtas sila. May mga mahal pa siya sa buhay na natitira dito sa tahanan na ito...
"DAAAAAAD!!!" naalarma ako nang may marinig ako sigaw ng batang babae sa taas. Agad agad akong umakyat at sinundan ang sigaw na narinig.
Nanggagaling ang sigaw na ito sa isang kwarto. Pagbukas ko ng pintuan sa kwartong ito ay nakita ko ang kawawang bata na si Dorothy. Umiiyak siya habang nakapikit. Katabi niya rin si Sophie na noo'y ginigising siya.
"Dorothy. Gumising kaaaa!" sigaw ng batang si Sophie sa kanyang kaibigan.
Nananaginip siya. Agad ko siyang nilapitan. "Dorothy, Dorothy..." paggising ko.
Maya-maya pa ay nagising siya. Agad siyang gumapang sa akin at niyakap ako. Lalong lumakas ang pag-iyak niya. Hinimas ko ang kanyang likuran upang mapakalma siya.
"Kuya Tyler... Si Daddy...." malungkot niyang saad.
"Shh.. It's just a bad dream.." saad ko at niyakap siya pabalik. Naaawa ako sa batang ito. Sana ay ligtas ang mga kapamilya niya sa paglalakbay..
"Nandito lang ako. Babantayan kayo ni kuya Tyler.." pagkakalma ko. Niyakap ko na rin ang batang si Sophie upang mapakalma rin ito. Oo, babantayan ko sila.. Tutuparin ko ang ipinangako ko kay Christian.
****
Howard on the multimedia.
![](https://img.wattpad.com/cover/13144847-288-k157655.jpg)
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
ActionSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...