Zoe's PoV
3 days later...
"We're running out of food and supplies..." nag-aalalang sambit ni Tyler na noo'y kakagaling lang sa basement.
"Edi maghahanap tayo." sabi naman ni Christian.
"Sasama ako..." sabi ko naman.
"Ako rin.." napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Kyle na nakataas ang kamay. Nakatingin siya sa akin pero bigla niya ring inalis ang tingin niya sa akin. Napansin kong parang nahiya siya.
"Kyle, Zoey... It's not safe out there. Ayoko nang mapahamak ulit kayo." tugon naman ni Christian.
Actually may point siya. Matapos nung nangyari parang natatakot na rin akong lumaban at harapin ang mga nasa labas.
"Margo, Alicia, Bob.. Sasama kayo sa akin... Tyler, maaari bang ikaw na muna ang magbantay sa mga bata?" sabi ni Christian. Tumango naman si Tyler sa sinabi ni Christian.
"Sasama ako." napalingon kami si nagsalita. Si Violet?
"Violet, no teenagers for hunting today." sabi ni Tyler.
"Anong pake ko? I want to come! Ayoko nung nagiistay lang ako dito sa base and doing nothing!" naiinis na sabi niya.
"Violet, 'wag ka nang makulit.." sabi ng iba.
"I will come, sa ayaw at sa gusto niyo." mataray na sabi nito. Ano bang gusto niyang iparating? Sinabi nang bawal ang mga teenagers diba?
Tumingin siya sa akin at bumulong.
"I can prove myself na mas matapang ako kaysa sa iyo. I can prove to Kyle na mas deserving ako.." mapanindak niyang sabi. Magsasalita pa sana ako upang pigilan siya sa pagsama pero 'di ko na nagawa dahil umalis na siya.
Maya-maya pa ay nadatnan ko na lang na palabas na sila ng base. Narito pamang ako sa loob at nakatanaw sa bintana habang umaalis sila Christian. Sana mag-ingat sila. Ayoko nang dumating sa punto na mababawasan ulit kami.
Dahil wala na sila ay umalis na lang ako sa salas at pumunta sa kwarto namin ni Rin. Pagkapasok ko sa kwarto ay wala doon si Rin. Namimiss ko na rin kakwentuhan 'yung babaeng 'yon. Magmula nang lumusob kami kilap Howard, hindi ko na siya gaanong nakausap. Pero ngayong payapa na ang lahat, gusto ko na ulit bumalik sa dati. 'Yung kwentuhan namin ni Rin, 'yung kulitan namin nila Trev, tsaka 'yung- hay...
Binuksan ko ang bag ko at nakita ko ang isang bar ng tsokolate. Hershey bar. Pero hindi na siya totally bar, tunaw na ito dahilan upang mawala ang tamang korte nito. Nakakamiss naman.Kahit tunaw na ang tsokolate ay binuksan ko pa rin ito at kinain. Napangiti ako.
Maya-maya ay napagdesisyunan ko nang maligo. Pagkahubad ko ng damit ko ay napukaw ng atensyon ko ang kwintas ko na ngayon ay sira na. Tinanggal ko ito at tiningnan. Tila nagbara ang bala ng baril sa mismong pendant ng kwintas. Naaalala ko pa noon, sabi ni Kyle 'wag ko 'daw bubuksan ang pendant na ito hangga't hindi pa kami 20 years old. Pero sa tingin ko kahit 20 years old man kami o hindi, hindi ko na magagawa pang bukasab ang pendant na ito dahil nga nasira na ng bala ng baril.
Binasa ko ang kintas at hinugasan. Matapos iyon ay nilagay ko muna ito sa isang tabi.
Habang ako ay naliligo, napatingin ako sa sugat ko sa dibdib na ngayon ay medyo naghihilom na. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nakasurvive ako.
Matapos kong maligo ay hindi ko kinalimutan na kuhain muli ang kwintas.
Pagkabihis ko ay tinuyo ko ng tuwalya ang buhok ko. Kinuha ko ang kwintas at sinuot iyon muli.
Christian's PoV
Gumala-gala kami sa iba't-ibang lugar upang makahanap ng supplies. Napadaan kami sa isang convenience store ngunit nakalock ang pintuan nitong glass. Sinilip muna namin ang loob ngunit maalikabok sa loob ang mga glass kaya hindi namin magawang makita kung ano ang nasa loob ng convenience store na ito.
"Eh kung 'wag na lang kaya dyan. Ang creepy oh." mataray na sambit ni Violet.
"Hindi mukhang looted ang loob nito. For sure may mga supplies dito.
Wala nang nagawa si Violet kaya naman nag-balak na kaming buksan ang pintuan.
Nanguna na ako sa pagbukas ng pintuan pero sa kasamaang palad, nakasarado ito.
Nagdecide na lang ako na kumuha ng bato at ihampas iyon nang malakas sa glass na pintuan ng convenience store. Nagkaroon ito nang kaunting crack pero hindi lubusang nabasag.
Kaya naman inulit ko ang aking ginawa. Hinampas ko ulit ang bato at nabasag na ang glass. Bumungad sa aming harapan ang madilim at maalikabok na convenience store.
Habang sinilip ko ang convenience ay hindi ko maaninag ang mga supplies sa loob sa kadahilanang maalikabok ang loob.
Nakita ko si Bob na tumabo sa akin. Nakita kong nakatingin rin siya sa loob ng convenience store.
Sunod niyang ginawa ay isinuout niya ang kamay niya sa may pintuan at pilit niyang inabot ang door knob, umaasang mabubuksan ang pintuan.
"Naabot ko na... Teka.. Ayaw mapihit..." sabi niya. Siguro ay nastuck na ang door knob dahil matagal na itong hindi napipihit.
"Bob, mag-ingat ka." sabi ko. Tumango naman siya. Narinig kong unti-unti na niyang napipihit ang door knob mula sa loob.
Parang kinakabahan ako...
"Bob.. 'Wag mo nalang kaya pihitin.. Basagin--!"
"Okay na." sabi ni Bob at nakita kong nabuksan na niya ang pintuan. Akala ko... Hay siguro paranoid lang talaga ako.
Matapos iyon ay agad na kaming pumasok sa loob. Tumingin muna ako sa paligid. Walang ibang naririto kundi kami lamang. Walang ibang tao... Walang walkers.
Nagsimula na kaming gumala sa loob ng maliit na convenience store.
Tiningnan ko ang mga shelves at nakakita ko ng maraming mga de latang pagkain. Natatakot ako knowing na baka expired na ito at hindi na makain. Pero siguro pwede pa naman.
May nakita rin akong nga tsokolate. Ang tsokolateng ito ang laging kinakain ni Zoe ah? Walang anu-ano'y kinuha ko rin uto at isinilid sa loob ng bag ko.
Nakikita ko rin ang mga kasamahan ko na kumukuha na rin ng mga pagkain.
Maya-maya pa ay naramdaman kong parang may tao sa likod ko. Bago ko pa man iyon lingunin ay naamoy ko na siya. Napangiti ako. Pagkalingon ko ay nakita ko si Alicia na nakangiti rin sa akin. That smile...
"Namiss talaga kita, Chris..." sabi niya sa akin sabay yakap sa likod ko.
Hinarap ko naman siya. I still love her after all.
I leaned in and kissed her in her forehead.
Nakita kong tumingkayad siya para maabot ako. Tinitigan ko siya at tinitigan niya rin ako. Until she reached in for a kiss. I kissed her back. Oh God, I missed this. Suddenly, the kiss became torrid.
"Umuwi na tayo, bago pa tayo madagdagan ng isa." napahinto naman kami at napalingon sa nagsalita. Alam ko ang ibig sabihin niya. Napatawa naman ako pero pagkatingin ko kay Alicia, ang sama ng tingin niya sa kapatid niya.
"Papansin ka talaga, Margo." naiinis na sabi niya.
"'Haha 'wag kasi dito ate. Sa bahay na." natatawa niyang sambit
Maya-maya pa ay umalis na siya. Kami ring dalawa ni Alicia ay napagdesisyunan na ring umalis.
Sabay-sabay na kaming lumabas at nilisan ang convenience store na iyon. Sa kabutihabg palad ay marami kaming nakuhang pagkain.
Ang lahat ay umaayon sa plano namin these past few days matapos ang matinding nangyari sa amin. Talaga nga bang ligtas na kami?
***
Walang forever. 😂 Last 5 chapters. 😕😭
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
ActionSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...