Heartbeat: Chapter 5
~The thing is...there's a stranger in this place...
***
Zooey's PoV
Umuwi na kami sa aming bahay. Hindi ko pa rin gaanong nakakausap si Kyle.
"Nandito na kami!" sigaw ni Christian habang papasok sa pintuan. Sinalubong agad nila Dorothy at Alicia si Christian. Lumapit naman agad si Lucy kay Kyle. Sinamaan ako ng tingin ni Lucy at saka naman siya tumingin kay Kyle at ngumiti.
"Gutom ka na ba?" rinig ko ang malanding pagkakasabini Lucy kay Kyle habang nakapatong ang dalawa niyang kamay sa mga balikat ni Kyle.
Nakita kong lumapit si Margo kay Kyle at hinila ito.
"Kyle, kakain na tayo. Papatayin ako ng nanay mo kapag hindi kita pinakain!" sabi niya habang hinihila si Kyle papunta sa kusina.
Nakita ko namang nag-crossed arms si Lucy.
"Tita naman! Hindi pa nga nakahain ih!" sabi ni Kyle habang nagkakamot ng ulo.
"Nakahanda na! Tara!"
Tumingin sa akin si Margo at kinindatan ako.
Nagulat naman ako. May nahalata ba siya? Teka ha? Oo aaminin ko, medyo may gusto ako kay Kyle kasi gwapo siya at mabait. Pero medyo lang naman yun eh, at alam kong mawawala rin ito agad. Napansin ba agad ni Margo yun? Para kasing nilalayo niya si Kyle kay Lucy.
-----
NATAPOS na kaming kumain. Pumunta ako sa kwarto ko upang mag-ayos ng sarili. Naligo na rin ako. Kinuha ko ang ibang mga damit na kinuha ko sa mall at hiniwalay ang kay Margo, Dorothy at Lucy.
Lumabas na ako dala-dala ang mga damit. Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Margo. Maya-maya pa ay binuksan na niya ang pinto.
Nginitian ko siya at inabot sa kanya ang mga damit.
"Gaya nga ng sinabi ko, hindi kita kinalimutan."
"Salamat! Masyado na rin kasi kaming naging busy kaya hindi na rin kami nagkakaroon ng time para kumuha ng mga damit."
Nginitian ko na lang siya at saka umalis na.
Ngayon, pupunta naman ako sa kwarto nila Lucy para ibigay itong damit sa kanya.
Kumatok ako sa pintuan at agad naman itong nabuksan. Si Dorothy ang nagbukas. Alam kong magkasama sila ni Dorothy at Lucy sa iisang kwarto ngunit nasaan si Lucy?
"Ang ate Lucy mo nasaan?" tanong ko.
"Hindi ko alam eh." tumango ako.
"Alam mo, pumunta kaming mall kanina at kinuha kita ng mga damit. Ito oh!" sabay pakita sa kanya ng mga damit.
"Wow! Ang ganda! Kinuha niyo po ba talaga ito para sa akin?!" tuwang-tuwang sabi niya.
Tumango ako at ngumiti, "Alam kong magugustuhan mo."
Niyakap niya ako.
"Salamat ate Zooey!"
"Kinuhanan ko rin ng damit ang ate Lucy mo. Ito, pakilagay nalang dyan." inabot ko sa kanya ang ilan pang mga damit.
"Ge, alis na ako." sabi ko.
"Sige ate! Susukatin ko ang mga ito!" ngumiti siya.
Iniwanan ko na si Dorothy. Pagkatapos ay bumaba na ako.
Pagkababa ko ay may bigla akong narinig.
"AAAHHHH!!"
Nakarinig ako ng isang sigaw. Teka, sigaw ni Lucy yun ah!
Lumabas ako upang usisain ang nasa labas.
"HELP! HELPPPP!!"
Nakita ko si Lucy na nakahiga sa sahig habang ang walker ay patuloy sa pagtatangkang kumain sa kanya.
"KYLE! KYLE TULUNGAN MO AKO!" sigaw ni Lucy.
Nasaan ba si Kyle? Since wala siya dito, ako nalang ang magliligtas kay Lucy.
Kinuha ko ang dagger ko at tumakbo papunta sa walker. Sinaksak ko ang ulo nito. Napatalsik ang itim na dugo ng walker sa mukha ni Lucy at unti-unting bumagsak ang katawan ng walker sa tiyan niya.
Hinila ko kaagad ang bangkay na walker para makaalis si Lucy.
"Lucy ayos ka lang ba?" sabi ko habang inaalalayan siyang tumayo.
Tiningnan niya ako ng masama, "Do I look okay to you?" Tumaas ang isa niyang kilay. Napatahimik ako. Tiningnan ko na lang siya, wala naman siyang kagat. Ginabayan ko na lang siyang tumayo.
"Huwag mo nga akong patayuin! Can't you see, I can't stand! Stupid." inalis niya ang kamay ko sa balikat niya.
Nakita ko na lang na may tama siya sa binti. Tama ng bala.
"S-sinong gumawa niyan sayo?" sabi ko habang tinuturo ang tama niya sa paa.
"Stop acting like you care, Zooey!" Bakit ako titigil? Concern naman talaga ako sa kanya.
"Pero-"
"I need Kyle now! CALL HIM!" Sigaw niya. Alam kong kailangan niya si Kyle. Sugatan siya kaya kailangan niya ng magcocomfort sa kanya kaya naman tumakbo ako kaagad papasok ng bahay.
Nakasalubong ko si Kyle na noo'y nasa kusina.
"Sugatan si Lucy! Kailangan niya ng tulong!" sigaw ko. Halatang nagulat siya. Tumango na lang siya at tumakbo palabas.
"Christian! Margo! Alicia! NABARIL SI LUCY!" agad nila akong narinig kaya nagsilabasan na sila. Tumakbo kami papunta sa lugar nila Lucy.
"Anong nangyari, Lucy?" nag-aalalang tanong ni Kyle.
"There's someone! May bumaril sa--shi-- tapos may walker!" Hindi siya kalmado. Nanginginig siya habang nagsasalita dahilan para hindi namin maintindihan ang sinasabi niya. Kanina hindi naman siya ganyan nung kinausap ko ah? Pero ang alam ko, nabaril siya. Pero sino? Lumingon-lingon ako sa paligid pero walang nahagip ang mata ko ng hindi pamilyar na mukha o figure.
"Kailangan madala siya sa loob!" sabi ni Kyle habang naghahanda na para buhatin si Lucy.
"Stop! Hindi mo kaya, Kyle." pinigilan siya ni Margo.
Lumapit naman agad si Christian kay Lucy upang buhatin ito.
Agad naming dinala si Lucy sa loob. Pinaupo namin siya sa sofa.
"Kailangan ng first aid kit, ngayon na! Dorothy, kuhain mo ang mga gamit ko sa kwarto." utos ni Alicia.
Agad namang bumalik si Dorothy nang may dalang mga gamit panggamot.
Habang ginagamot ni Alicia si Lucy ay biglang nagsalita si Christian.
"Tell us what happened, bakit ka may tama ng baril sa binti?!"
"Someone shot me, hindi ko siya nakita, basta naramdaman ko na lang na may tumama sa binti ko, natumba ako sa sahig then a shit walker attacked me!" explain niya. Medyo kumalma na rin siya.
Mukhang may kakaiba. Alam kong walang magtatangkang bumaril kay Lucy sa grupo namin.
Isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi lang kami ang naririto.
••
![](https://img.wattpad.com/cover/13144847-288-k157655.jpg)
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
AçãoSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...