Chapter 16
Zooey's PoV
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam muna ako kay Ethan saglit at naligo. Suot ko ang black sando at pinatungan ko ito ng long sleeve na parang jacket at tinupi ang manggas hanggang sa siko ko. Sa pang-ibaba naman ay suot ko ang brown cargo pants at combat boots ko. Tinali ko ang buhok ko ng side braid. Hinanda ko na ang mga gamit ko.
Bumaba na ako at nadatnan ko si Christian na nagbibilin na kay Alicia kung ano ang gagawin at para maging ligtas.
Napabaling ang atensyon ko sa gilid ko at nakita ko si Kyle. Nagkatiginan kami pero iniwas ko rin agad ang tingin ko.
Paglabas namin ay agad akong sinalubong ni Ethan.
"Sup?" sabi ko at nakipag-high five.
-----
NASA forest kami ngayon. As usual, dito naman kasi kami lagi naghahanap ng mga makakain namin.
-----
PAGKATAPOS naming mag-hunt ay nag-pahinga muna kami. Umupo kami sa lupa at kumain.
"Guys. Wait lang ha?" sabi ko sa kanila at tumayo na ako.
"Teka, saan ka pupunta?" sabi ni Ethan.
"Basta. Saglit lang ako." sabi ko.
"Sasama ako sayo." tumayo rin siya.
"Huwag na, Ethan. Saglit lang ako." sabi ko.
"Pero--"
"Ethan. Kaya ko sarili ko." sabi ko at saka minasdan siyang umupo ulit sa kinauupuan niya. Nagsimula na akong maglakad palayo.
Bakit nga ba ako aalis? Ang totoo niyan ay naiihi na talaga ako. Kailangan kong lumayo sa kanila, siyempre alam niyo na?
---
HABANG naglalakad ako ay parang nararamdaman kong may nasunod sa akin?. Hinugot ko ang dagger ko at naghanda na kung sakaling may aatake sa akin..
Maya-maya pa ay naramdaman kong nahulog ang katawan ko sa isang malalim na kung ano. Nanghina ako dahilan para mawalan ako ng lakas. Suddenly, all went black.
---
Kyle's PoV
Ilang minuto na rin ang nakalilipas pero hindi pa rin nakakabalik si Zooey. Nasaan na kaya siya? Ligtas kaya siya?
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nag-paalam kina tita Margo. Nag-aalala na ako kay Zooey...
Habang naglalakad ako ay napansin kong parang may butas na malaki banda roon. Nilapitan ko iyon. Sinilip ko ang butas at nagulat ako sa nakita ko.
Nakita ko si Zooey na nasa butas at walang malay.
"Zooey!" sigaw ko pero hindi siya nagigising.
Umalis ako at pinuntahan sina Margo upang humingi ng tulong.
"Margo! Dad! Si Zooey!" nakita kong nangunang tumayo si Ethan. "Nahulog siya!" tatakbo na sana si Ethan pero inunahan ko siya. Kasunod ko si dad at si Margo, nasa hulihan naman si Ethan.
Tinuro ko si Zooey na noo'y walang malay na nakahiga sa baba.
Napansin kong may kinuha si Ethan sa bag niya. Mga tali.
"Ito, bababa ako upang tingnan ang kalagayan ni Zooey. Maaari niyong hawakan ang tali at bababa ako doon." sabi niya habang tinatali ang lubid sa bewang niya.
"No. Ako na lang ang bababa." sabi ko habang kinukuha yung tali.
"Ako na!" nilayo niya sa akin yung tali.
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
ActionSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...