Chapter 67: Feast

881 24 11
                                    

Christian's PoV

"We have to cut her leg." sabi ni Bob sa akin. Hindi ako sigurado kung dapat pa ba naming gawin 'yon.

"Hindi talaga natin 'yan matatanggal kung hindi natin puputulin ang paa niya. Magdamag na nakakabit ang mga ngipin ng bakal sa binti niya."

"Ano? Puputulin niyo ang paa ko?" natatakot na sambit ni Violet.

"Violet, we have to do it. If you want to live." mahinahon kong sabi.

"Nooo...'Wag.." pagmamakaawa niya. Umiiyak na siya.

"Hawakan niyo siya. Ako na ang gagawa." sambit ni Bob. Hinawakan naman namin ni Margo si Violet samantalang si Alicia ay naghahanda na ng mga panyo. Si Bob naman ay may hawak na itak. Naghanda na si Bob na ihataw ang itak sa paa ni Violet.

"Waaaag!!!" sigaw ni Violet. Malakas na inihataw ni Bob ang itak sa binti ni violet at ganoon na lamang ang sigaw ni Violet nang maramdamang nahihiwa na ang binti niya.

"AAAAHHHHH!!!" napakalakas na sigaw ni Violet.

"Shhh.." pilit na pinapakalma ni Margo si Violet. Napansin kong hindi pa tuluyang naputol ang paa ni Violet at alam kong alam rin ni Bob iyon. Bumwelong muli si Bob upang hatawin ulit ang paa ni Violet at sa ikalawang pagkakataon ay tuluyan nang naputol ang paa ni Violet. Agh shit!

"She passed out!" sigaw ni Margo. Nakita ko si Alicia na kinuha ang nga panyo at ibinalot ito sa paa ni Violet upang matigil ang pag-agos ng dugo.

"Humihinga pa siya." sabi ko naman. Maybe she just passed out. I feel bad. Bakit pa kasi kailangang sumama ni Violet sa amin? Sinabihan na namin siya na 'wag nang sumama.

"She'll survive." sabi ni Bob. I know he had to do it. Malabo nang matanggal ang trap na iyon sa binti niya. Kapit na kapit na iyon at bumaon na sa paa niya. Mas masakit kung dadahan-dahanin mo ang pagtanggal nito. Kasi kahit saang anggulo mo tingnan ay mas masakit ito.

Maya-maya pa ay kumilos na kami. Binuhat ko si Violet at umalis na kami sa woods. Ipinagpatuloy namin ang aming lakbayin papunta sa siyudad. Matagumpay namin itong narating. Nakakita kami ng kakaunting mga walkers na gumagala-gala. Naghanda na ang mga kasamahan kong patayin ang nga halimaw.

Matagumpay namin iyong nagawa. May nakita kaming isang building na sa tantiya ko'y isang kumpanya o isang mall. Pinasok namin ito. Napakadilim ng paligid. Walang kahit anong ilaw. Sira-sira na rin ang mga gamit na naririto sa loob. Tama nga ako, mall ito.

Kinuha ng bawat isa ang kani-kanilang flashlight upang maliwanagan.

Pinuntahan namin ang isang room doon na sa tingin ko ay isang seksyon ng mga damit. Pinasok namin iyon. Mag-gagabi na, hindi ligtas kung lalaban kami sa gabi. Matapos ang buong araw ng paghahanap ay napagdesisyonan na naming magpahinga muna sa lugar na ito.

Zoe's PoV

Kinabukasan...

Pagkagising ko ay agad akong nagpunta ng banyo upang umihi at maghilamos. Paglabas ko ng banyo ay natanaw ko ang wall clock sa kwarto namin. Alas siyete na.

Napatingin ako sa roommate kong si Rin na noo'y tulog na tulog pa. Tulog mantika talaga 'tong babaeng 'to.

Humarap ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko. As usual ay sinide braid ko ang pagkakatali ko dito. Sinuot ko ang combat boots ko at bumaba na.

Pagkababa ko ay may naamoy ako sa kusina. Napakabango naman nun!

"Christian? Margo?" masayang pagtawag ko sa kanila. Binilisan ko ang pagpunta sa kusina, umaasang nandito na sila Margo.

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon