Chapter 4: Kiss & Sweets

3.1K 114 33
                                    

Heartbeat: Chapter 4

~So I'm that girl I'm that jealous girl...

***

Zooey's PoV

Bumangon ako sa kinahihigaan ko. Sinilip ko ang cellphone ko. 5:04 A.M na. Tumayo ako at nagpunta sa banyo. Nag-toothbrush na ako at tinirintas ang buhok ka ng side braid. Nag-ayos na ako ng sarili at saka bumaba na. Nakita ko si Alicia na naghahanda ng almusal.

"Good morning!" masaya kong bati. Nginitian niya ako saka inilapag niya ang plato ng almusal sa lamesa.

"Kanina ka pa gising?" tinanong niya ako.

"Ahh, hindi. Kagigising ko lang. Ikaw ba?" binalik ko ang tanong sa kanya.

"Oo, kanina pa ako gising." sagot niya. Tumango ako at saka umupo na sa upuan sa dining table.

"Nasaan ang iba?" tanong ko.

"Si Christian at Kyle nasa labas." sagot niya habang hindi ako nililingon.

"Nakapag-hunt na ba sila?"

Umiling siya.

Niyaya pa naman ako ni Kyle kagabi na mag-hunting. Nakita ko na ring bumaba ng hagdan si Dorothy. Nginitian ko siya habang siya naman ay ngumiti rin habang kinukusot ang kanyang mga mata.

"Morning ma. Nasan sila kuya?" tanong niya kay Alicia.

"Ah, nandoon baby (turo sa labas). Tawagin niyo na sila ng ate Zooey mo." utos ni Alicia.

"Tara Dorothy." sabi ko at hinawakan ang kanyang malambot at maliit na kamay. Habang papalabas na kami ay bigla kong nakasalubong si Lucy. Nagkatitigan kami. Tumibok nang mabilis ang puso ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung nangyari kagabi. Sariwa pa rin yun sa isip ko at parang ganoon din si Lucy.

Sinamaan niya ako nang tingin at saka inirapan. Umalis na lang siyang bigla at pumasok na sa kwarto niya. Narinig ko hanggang dito kung paano niya ibalibag ang pintuan ng kwarto niya. Lumabas na kami ni Dorothy at natagpuan namin si Christian at Kyle na sumasaksak ng mga walkers.

"Daddy, Kuya! Tara na! Kakain na daw tayo!" sigaw ni Dorothy. Sinaksak muna nila ang mga konting walkers na natira saka pumunta sa amin.

"Good morning baby girl!" sabi ni Christian habang pinipisil ang pisngi ni Dorothy.

"Good morning din sayo, Zooey." Masigla niya rin akong binati.

Napatingin ako kay Kyle na noo'y nakangiti sa akin.

"Good morning, Kyle." nginitian ko rin siya.

Nagpunta na kami sa dining area at pinagsaluhan ang pagkaing hinain ni Alicia.

-----

UMAKYAT ulit ako sa kwarto ko upang kuhain ang dagger ko at ang baril ko. Bumaba na ulit ako. Narinig kong nagsalita si Christian kaya tumayo na kami.

"Okay guys. Dating gawi.. Lucy, Dorothy at Alicia, maiiwan kayo dito sa bahay. Si Trevor, Kyle, Margo at ako ay magha-hunting. Ayy Zooey, gusto mo bang sumama, o dito ka na lang sa bahay?" tinanong ako ni Christian.

"Sasama ako." sagot ko. Mukhang may tiwala naman sa akin si Christian. Ngumiti naman si Kyle.

"Kayo na muna ang bahala dito. Babalik kami bago mag-tanghalian." sabi ni Christian. Lumuhod siya upang mapantayan ang height ni Dorothy at saka hinalikan ito sa noo. Pagtayo niya ay nag-kiss naman sila ng asawa niya.

"Ingat kayo, papa!" sabi ni Dorothy habang nakaway.

Nakita ko namang lumapit si Lucy kay Kyle at saka niyakap ito.

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon