Chapter 49: Stranger?

978 27 4
                                    

Chapter 49

Zooey's PoV

"Magha-hunt kaming dalawa ni Tyler. Sinong sasama?" nagsalita bigla si Christian habang kumakain kami.

"Ako." pagkasabi ko noon ay bigla akong napatahimik. Sabay pa kaming nagsabi ng "ako". Hindi ba parang awkward iyon? Nagkatinginan kaming dalawa.

"Wag ka na lang sumama, Kyle." malandanding sabi ni Violet sa kanyang tabi.

"Pero--" Magsasalita pa sana si Kyle nang unahan na naman sya ni Violet.

"Dito na lang tayo. Delikado sa labas. Hayaan mo na lamang na sila ang mag-hunt. Huwag ka nang magpagod." sabi ni Violet. Sinusubukan nya yata ang lahat ng kanyang makakaya para lang hindi sumama si Kyle sa pag-hunt. Gusto nya kasi ay laging nakadikit sa kanyang tabi ang nobyo niyang si Kyle. Oo, sila na. Mahal na mahal ni Violet si Kyle kahit na sinaktan sya nun dati.

Napatango nalang si Kyle. Halatang napipilitan.

"Ako, sasama rin." ani Trevor.

"Hindi pwedeng hindi ako kasama." nagsalita si Ethan sa tabi ko habang nakangiti. Napangiti ako sa kanya.

"Ikaw, Rin. Sasama ka ba?" tanong ko kay Rin habang tumutusok ng mushrooms.

"Sure." nakangiting sagot ni Rin sa amin. Yes! Kumpleto kaming magbebest friend!

Nag-agree naman si Christian sa amin. Buti ay ayos lang sa kanya na makipaglaban kami ulit sa mga walkers!

"Maiiwan na lang kami dito. Babantayan ko ang mga bata." sabi ni Margo.

Maya-maya pa ay naghanda na rin kami para sa aming pag-alis. Pumunta muna kami dito ni Rin sa aming kwarto upang maghanda.

"O, wag ka na magpapakagat sa walker ulet ha?" pabirong sabi ni Rin sa akin habang sya ay nagsusuklay ng kanyang brown na buhok.

"Baliw, di naman ako nagpakagat. Kusa na lang na nahawakan ng walker yung kamay ko." Sabi ko habang natawa.

"Eh kung hindi ka patanga-tanga, hindi ka makakagat."

Tiningnan ko sya.

"Hehe, joke lang po." sabay peace sign.

"Basta, mag-ingat ka pa ren." Natawa nalang kaming dalawa.

Sinuot ko ang leather coat ko dahil medyo maulan sa labas, sinuot ko rin ang boots at gun holster ko. Si Rin naman ay naghanda na rin. Isinukbit nya ang kanyang crossbow sa kanyang balikat. Tinali nya naman ng messy bun ang hanyang buhok. Gaya ko, mayroon din siyang leather coat at boots.

Maya-maya pa ay may kumatok sa kwarto namin. "Hoy, pambihira kayo! Bilisan niyo, may oras tayo!" boses ni Trev. Haha! Halatang naiinip.

Binuksan ko na ang pinto at sumalubong sa amin si Trev at si Ethan na naka-crossed arms.

"Excited masyado?!" pang-aasar ko sa kanilang dalawa. Natawa lang naman sila.

Bumaba na kami at lumabas. Kasama na namin ngayon sina Tyler at Christian. Si Tyler may bitbit na shotgun, si Christian may pistol, si Trev may katana, si Ethan may pistol, si Rin may crossbow at ako naman, mayroong pistol. Sana ay hindi ako maubusan ng bala ngayon sa hunting namin.

Normal naman ang lahat. Kagaya ng dati, pinatay pa rin namin ang bawat walker na makakasalubong namin. Nakakamiss din pumatay ng walkers. Although alam kong nakakadiri ang gawaing ito pero namimiss ko pa rin kasi hindi ko ito nagagawa dati noong maayos pa ang mundo. Kahit papaano may libangan ako at kung minsan ay may mapagbubuntunan ako ng galit kapag masama ang loob ko.

Habang naglalakad kami ay may napansin kaming naglalakad. Figure ng isang babae na naglalakad sa kakahuyan.

Sa figure nya, parang hindi sya isang walker o kung ano man. Parang isang ordinaryong tao lang at survivor na gaya namin.

Pero agad na nawala na panigin ko yung taong yon. Baka guni-guni ko lang iyon kaya naman hindi ko na lang ito binigyang pansin. Pagtutuunan ko ngayon ng pansin ang paghahunt namin at kailangan naming maging alerto dahil anytime pwedeng may umatakeng halimaw sa harapan namin.


HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon