Chapter 20: Bob

1.7K 52 14
                                    

Chapter 20

Zooey's PoV

Niyaya ko si Kyle na bumaba upang kausapin ang dad niya.

"Tanggapin mo na lang ang sorry niya Kyle." kinausap ko na si Kyle kanina kaya sana naman medyo gumaan ang pakiramdam niya sa dad niya.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto nila Christian at natagpuan siya doong nakayuko.

"Go." bulong ko kay Kyle. Dahan-dahan naman siyang pumasok at sinara ko na ang pinto. Sana naman mag-kaayos na sila.

Kyle's PoV

Naririto ako ngayon sa kwarto ni dad. Kinausap ako ni Zoe kanina at feeling ko, medyo gumaan ang pakiramdam ko, pero hindi ganoon kagaan.

Umalis sa pagkakatungo si dad at tiningnan ako. Namaaaga na ang mata niya sa kakaiyak at namumula na rin ang mukha niya.

"Kyle." lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Anak, patawarin mo si daddy, pangako, iingatan ko na kayong lahat. Lalo na ang kapatid mo at si Zooey. Patawarin mo ako, Kyle." unti-unti akong napaiyak at niyakap ko na rin si dad pabalik.

"Iingatan ko kayo." Hinawakan niya ang balikat ko at hunarap sa akin.

"Pangako." hinalikan niya ang noo ko at niyakap ulit.

"Sorry." nahihiya kong sabi.

"Saan?"

"Dahil nagalit ako sa inyo." sabi ko nang nakayuko. Hinawakan niya ang baba ko raising my head up.

"Wala na yun. Ang mahalaga, ligtas kayo at si Dothy."

Napatahimik kami bigla hanggang sa nagsalita ulit si dad. Inakbayan niya ako.

"Binatang-binata ka na talaga, anak." Napatingin ako sa kanya na noo'y nakangiti.

"Ha?" sabi ko.

"Bagay kayo ni Zooey. Alam mo, nagulat nga ako noong natagpuan ko kayo ni Zooey na naghahalikan sa kwarto. Ang cute niyong tingnan and I'm feeling so proud of you!"

"Tsss." nahihiya kong sambit.

"Sorry kung naistorbo ko kayo ha? You can continue it naman mamayang gabi eh."

"Dad naman!" nahiya naman ako doon.

Pero masaya na ako, dahil maayos na kami ni dad, maayos na ang lahat.

"So, ano na gagawin natin?" sabi ko sa kanya.

"Ihanda mo ang baril mo, papatayin natin ang bumaril sa kapatid mo."

Ipaghihiganti namin ang kapatid ko. Hahanapin namin ang walangyang damuho na nabaril sa mga kasamahan namin.

Lumabas na ako ng kwarto at agad pinuntahan si Zoe.

"Babe, hahanapin natin ang bumaril kay Dothy." sabi ko wearing my determined eyes!

Tumango naman siya kaagad at naghanda na rin.

"Ethan, maiwan ka muna dito kasama sina Alicia at ang mga bata. Mas maigi nang may lalaki dito." bilin ni dad kay Ethan na agad namang sinang-ayunan nito.

Magkakasama na kami dito sa labas with dad, tita Margo, Zooey, and Trev. Sabi ni Trev maayos na daw ang lagay niya at handa na siyang lumaban muli. Gusto niya rin daw ipaghiganti ang sarili niya sa bumaril.

Naiwan naman sa bahay sina mama Ethan, Dothy at Soph. 'Yang Ethan na yan, subukan niya lang ipahamak ang mga kasama niyang babae sa bahay mapapatay ko siya.

Nasa forest kami ngayon at naka-aim ang mga armas namin sa kahit ano. Baka kasi mamaya ay may bigla na lang lumitaw na walker o baka naman yung nabaril na. Handang-handa na akong durugin ang pagmumukha niya.

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon