Chapter 3: Lucy

3.2K 112 24
                                    

Chapter 3

ZOEY

Umakyat na ako sa kwarto ko. Napahiga ako sa higaan ko at napatitig sa kisame. Napakabuti naman nila. Pinatuloy nila ako dito sa bahay, binigyan ng kwarto at binigyan din ng pagkain. Gaano na kaya sila katagal na nagiistay dito? Kumuha ako ng dalawang chocolate bars mula sa bag ko.

Maya-maya ay napag-isip-isip ko na lumabas muna ng kwarto. Kinuha ko ang pistol at ang kutsilyo ko at ibinulsa ito.

Nakarating ako sa isang malawak na terrace. Pailan-ilan lang ang mga hali--walkers na dumarating. Sa banda dulo ng terrace ay nakita ko si Kyle na sumasaksak ng walkers.

Nilapitan ko siya at tinulungan. Sinaksak ko ang walkers gamit ang kutsilyo ko. Maya-maya pa ay naubos na rin sila.

Nagkatinginan kami ni Kyle. Napatahimik lang kami. Maya-maya ay nagsalita na rin ako.

"Iniisip mo pa rin ba yung nangyari kanina?" tanong ko. Hindi siya umimik.

"Huwag mo nang alalahanin yun." nginitian ko siya.

"Sorry talaga. Hindi ko naman talaga alam." napayuko siya.

"Oo na, ayos lang nga yun."

"Ilang taon ka na?" tanong ko.

"18."

Tumango ako, mas matanda siya sa akin ng two years.

"So, anong buhay mo bago magka-apocalypse?" tanong ko ulit.

"Simple lang. Naglalaro lang ng video games at nanonood ng anime."

"Mahilig ka pala sa anime?" sabi ko.

"Oo, lalo na yung Bleach."

Ahh. Kaya pala ang daming posters ng Bleach kanina sa kwarto niya.

Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita si Lucy na nakatingin sa amin. Agad akong umiwas ng tingin. Mukhang kakaiba kasi yung mga titig niya eh.

"Ikaw ba at si Lucy ay mayroong ano--?" bigla ko naitanong.

"Mayroong ano?"

"Relasyon." bulong ko.Umiling siya agad.

Akala ko kasi mag-syota silang dalawa. Sila lang kasi ang mukhang magka-edad dito. At saka bago ko sila makilala, magkasama sila lagi. Hindi na rin ako magtataka kung sila ba.

"Di ah." Natawa siya. Napatango na lang ako.

Napatingin ako sa relo ko. 5:57 na. Malapit na dumilim. Dinukot ko ang dalawang chocolate bars sa bulsa ko at inalok sa kanya ang isa.

"You want?" sabi ko habang inaalok siya ng chocolate bar.

"Sure!" agad niya itong kinuha nang may ngiti sa mga labi.

Napalingon ako sa kanya at bigla akong natawa.

"Mahilig ka rin pala sa Hershey?" sabi ko habang natawa. Pano ba naman, kitang-kita sa kanya kung paano niya lantakan yung chocolate.

"Simula kasi nung nagka-apocalypse, hindi na ako nakakain ng chocolates." sabi niya sa gitna ng pagkain niya ng tsokolate.

"Huwag kang mag-alala, kung gusto mo pa, sabihin mo lang sa akin. Marami pa ako niyan sa bag ko." nginitian ko siya.

-----

Noong dumilim na ay pumasok na rin kami sa loob. Nagtitinginan sila sa amin na parang nagtataka. Yung iba nakangiti.

"Finally, nagkaroon na rin ng partner si Kyle." Narinig kong nagsalita si Margo. Nag-blush ako. Anong partner ba yung ibig niyang sabihin. Kinilig naman ako nang konti.

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon