Chapter 39
Zooey's PoV
"Promise mo saglit lang tayo ha?" paglilinaw ulit sa akin ni Rin. Naglalakad na kami ngayon sa kakahuyan. Alam ko medyo makulit ako, pero hindi ko na talaga kaya eh. Baka mamaya maging emo na ako sa bahay 'pag hindi ko nagawa ang mga gusto ko. Ngayon, gusto kong kalimutan ang lahat-lahat. Lahat ng sa amin ni Kyle.
"Hui!, bakit malungkot ka parin?" kinalabit ako ni Rin. Napansin niya sigurong nakayuko ako. Na-sense niyang nalulungkot na naman ako.
"Te, nandito tayo para mag-saya, ikaw na rin nagsabi diba? Kaya mo ito gagawin dahil gusto mong makalimot?" nginitian ko na lang siya.
Lakad na lang kami ng lakad. Pailan-ilan lang ang mga walkers na nakakasalubong namin. Dumaan kami ni Rin sa isang grocery. Nagkukuha kami ng mga pagkaing gusto namin. Buti na lang hindi pa naeexpire pa ang iba. Siyempre as usual, kinuha ko ulit yung chocolate syrup na lagi kong pinapapak. Si Rin naman kumuha ng ketchup.
"Really, Rin?" tanong ko sa kanya. Nag-smirk siya. "Favorite ko ketchup eh." sabi niya at binuksan ang ketchup at tinungga ito.
"Cheers!" sigaw ko raising mga bottle of chocolate syrup while she's raising her bottle of ketchup. Haha.
Nagtawanan kami nang malakas. Maya-maya ay nakarinig kami ng ma ungol. We know what they are. Walkers.
Hinanda ko ang dagger ko. Si Rin naman nagtago sa likuran ko dahil wala siyang armas na dala.
"Iyan kasi Zooey eh! Baka mamatay pa tayo niyan!" nag-o-overwhlem na sabi ni Rin. "Shhh!" pagpapatahimik ko. Pumasok ang mga walkers sa loob ng grocery.
"Sino ba naman kasi ang nagyayang mag cheers?" paninisi ni Rin sa akin. Tss. Hindi ko na lang siya pinansin. Nasa 5 mga walkers ang lumalapit sa amin. Sinugod ko sila at pinagsasaksak sa noo. Nakita kong biglang tumakbo palayo si Rin. Saan 'yun pupunta? Iiwanan ako dito?
"Rin, tulong!" tumakbo na lang siya at iniwanan ako. Piit kong pinapatay ang mga walkers. May isang walker na malapit nang kainin ang leeg ko. Tinutulak ko ito pero hindi ito lumalayo. Rin! Asan ka na? Bakit mo ako iniwan dito?!
Maya-maya pa ay nakita ko si Rin na may dalang basket. Anong-?!
"Rin! Tulong!" sigaw ko. May binato siyang kung ano. Nung makita ng mga walkers yung binato niya ay biglaang lumuhod ang mga walkers at kinain yung binato ni Rin sa labas.
"Dito ka! Dali!" sigaw ni Rin. Iniwanan ko na rin yng mga walers na pinag-pi-pyestahan yung kung ano man iyon.
"Akala ko iniwanan mo na ako!" sabi ko habang hinihingal.
"No way!" sabi niya at ngumiti. "Teka, ano 'yan?" sabi ko sabay turo doon sa basket na may laman.
"Ito? Karne!" sabi niya. "Ito ang ginamit ko para ito ang pagtuunan ng mga walkers ng pansin!" sabi niya. Nakita ulit naming papalapit na ulit yung mga walkers. Hiagisan ulit ni Rin ng karne yung ma walkers at naging busy na naman sila.
"Patayin mo na." ngumiti sa akin si Rin. Maganda nga ito. Madali naming mapapatay ang mga walkers kapag busy sila. Hindi nila kami aanuhin basta't may kinakain sila. Nilapitan ko isa-isa ang mga walkers na kumakain at sinaksak ang ulo nila. They're gone.
"Talino ko no?" sabi ni Rin. Tumawa na lang ako. Totoo naman.
••
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
ActionSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...