Chapter 40
Lumabas na kami ng grocery. Ang dami kayang patay na mga walkers sa loob. Ang baho. Hindi na kami mag-i-i-stay dun siyempre. Paglabas namin ay nakakita kami ng maraming walkers.
"May mga karne ka pa dyan, Rin?" tanong ko kay Rin. Tumango siya. "Oo, pero kaunti na lang eh." Nako patay. Sana umabot.
"Magbato ka ng isa." utos ko na agad naman niyang ginawa. Nagkumpulan ang mga walkers kaya naman lumapit ako sa kanila at sinamantalang muli ang panahon para saksakin sila. Kada babangon muli sila ay lumalayo ako at hinihintay si Rin na maghagis muli ng mga karne. "Malapit na maubos, Zoe!" mga salitang nagpagulat sa akin. Paano na ito? Masyado pa silang marami!
"Takbo!" sagiaw ko at tumakbo na kami palayo sa mga walkers. Takbo lang kami ng takbo dahil alam naming nariyan pa rin sila at hinahabol kami. "Zoe! Ano na gagawin natin?" nag-aalala na natatakot na wika ni Rin. "Ang kulit mo kasi eh, sabi mo sa saglit lang tayo eh!" paninisi niya.
"Oo na! Ako na may kasalanan, eh bakit ka sumama?" natatawa kong sagot sa kanya. Hindi na lang siya nagsalita. Tumakbo kami hangga't kaya namin. Lumusot kami sa mga pasikut-sikot para lang makalayo sa mga walkers. Sinusubukan namin silang iligaw pero hindi kaya. Pilit pa rin nila kami nahahanap at nasusundan. Ano nang gagawin namin?
"Napapagod na ako!" alam ko ganoon din si Rin. Nakikita ko na hinihingal na rin siya at parang mauubusan na ng hangin. Mga nasa 13 kasing mga walkers ang patuloy na nahabol sa amin. Besides, napakabilis pa nila. Subukan mong huminto o magpahinga, panigurado mahuhuli ka kaagad nila.
Napahinto kami sa pagtakbo nang nakarating kami sa harap ng isang pader. Wala nang mapupuntahan! Patuloy pa rin sa pagtakbo ang mga walkers sa amin. Hindi na kami makatakbo dahil wala na ngang matatakbuhan! Saan na kami pupunta? Corner na ito!
Naghawakan kami ng kamay ni Rin. "BFF pa rin kita hanggang sa langit!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Rin sa akin at saka niyakap ako. Wala na akong ginawa kundi yakapin siya pabalik. Mamimiss ko siya. Siguro'y katapusan na talaga ng mga buhay namin ngayon.
Napapikit ko. Inintay ang pagkagat at pag-piyesta ng mga walkers sa katawan ko. Pero wala akong naramaman. Ni hindi manlang ako nahawakan o nahipo manlang. Napamul;at ako ng mata nang marinig ang mga putok ng baril na nanggagaling sa kawalan. Sino 'yun?
Napatingin ako kay Rin na noo'y mayroon ding magtataka sa mukha. Unti-unting natumba ang mga walkers na nahabol sa amin kanina. Nang matumba sila ay tumambad sa akin ang isang figure ng lalaking may hawak ng baril. May kasama siyang dalawang batang babae.
Teka...
"Ethan! Sophie, Dothy!" sigaw ko. Ngumiti sa akin si Ethan. Niyakap ko silang lahat. "Akala namin patay na kayo!" sabi ko habang nakangiti. Halos mapaiyak na nga ako nang nakita ko siya. Hindi ako makapaniwalang buhay pa rin sila sa kabila nung nangyari. Akala ko nga nakulong sila dun sa bahay at nasunog. Pero nandito sila! Buhay na buhay! Pero teka. bakit parang may kulang?
"Si Alicia?" tanong ko. Kung buhay sila Ethan, Sophie at Dothy, dapat buhay rin si Alicia. Sialng apat ang magkakasama diba? Nasaan na sila?
"W-wala na." nanlumo ang mukha ni Ethan at saka napayuko. "Sinubukan namin siyang iligtas, pero sabi niya sa amin, iligtas na daw namin ang mga sarili namin. Tumabko na kami. Hindi na namin alam kung ano na ngyari sa kanya. Pero ang huling pagkakataon na nakita namin siya ay ang paglapit na ng mga walkers sa kanya. W-wala na siya." nakayuko niyang sabi. Kinomfort ko. Niyakap at hinimas ang kanyang likod.
"Psst." narinig kong may sumutsot malapit sa tenga ko. Nakita ko si Rin na sinusundot ang tagiliran ko. "Ano?" sabi ko.
"Sino sila?" bulong niya. Ay, hindi niya pa pala sila kilala.
"Ito si Ethan, si Sophie, kapatid niya. At si Dothy, kapatid ni-- K-Kyle." sabi ko. Tae bakit ngayon pa nautal!
Tumango naman siya at nginitian yung tatlo.
"Saan kayo nanunuluyan ngayon?" tanong ko. "Wala lang, pagala-gala lang kami at palipat-lipat ng tahanan. Kasi yung mga bahay na pinapasukan namin minsan puro walkers o kung minsan naman pinapasok ng walkers.
"Ah ganun ba? Sama ka nalang sa amin!" masigla kong sabi na ikinatuwa naman ni Ethan. Sumama na siya sa amin ni Rin at bumalik na kami sa kuta namin.
Ngayon, nakita ko na ulit sila. Napakasaya. Ang akala mong patay na, naririto pa pala.
••
HAPPY 14K!!! ♥
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
AçãoSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...