Chapter 48
Zooey's PoV
Kinagabihan, kasama ko pa rin si Ethan.
Simula nung nag-break kami ni Kyle, si Ethan na ang lagi kong kasama. Napaka-bait nya sa akin lagi. Parati nya akong sinasamahan. Sabay din kaming pumapatay ng mga walkers sa labas.
Everything's fine now. Bumalik na sa dati si Christian. Nagjojoke na rin ulit sya sa amin kapag magkakasama kami. Kaming dalawa ni Kyle, ayos naman kami pero di na katulad nung dati. Medyo awkward paren pero humupa na ang mga masasamang alaala sa utak ko. Kinalimutan ko na ang mga iyon. Dahil iyon sa tulong ni Ethan. Si Rin at Trevor naman, pansin ko laging magkasama. Minsan nga inaasar lang namin sila. Pero dinedeny nila at pilit na ipinapamukha sa amin na mag-kumpare lang daw sila.
Kinabukasan...
Bumangon ako sa kinahihigaan ko at naghilamos. Sinuklay ko rin ang buhok ko at itinali ito ng ponytail. Pansin kong wala na si Rin sa kanyang higaan. Siguro ay kanina pa sya bumangon.
Bumaba ako upang makisalamuha sa iba. Nakita ko si Margo at Tyler na naghahanda ng almusal namin. Sila Sophie at Dothy naman ay naglalaro lang. Namiss ko rin tong dalawang batang to. Naiimagine ko na ganyan na ganyan din ako dati. Haay, kung buhay pa si Zac, malamang kasama na rin nila Sophie at Dothy yun.
Habang naglalakad ako upang hanapin ang mga kaibigan ko ay bigla akong tinawag ni Dothy.
"Hi ate!" bati nya sa akin nang may ngiti sa nga labi.
"Hello, nasaan yung iba?" Tanong ko.
"Nasa labas." sagot nya habang sinusuklay ang buhok ng kanyang manika.
"Ah, salamat." sabi ko.
Aalis na sana ako nang bigla niya ulit akong tawagin.
"Ay ate!" napalingon ako sa kanya. Napansin kong may makinang na bagay siyang hawak.
Nilapitan ko ito. "Sayo ba to? Nakita ko kasi sa kwarto ni kuya eh."
Nang makita ko ang hawak niya ay bigla akong napatahimik. Ang kwintas. Ang kwintas na ibinigay sa akin ni Kyle nung first date namin. Ang kwintas na hinagis ko sa sahig matapos kaming mag-break.
Dahan-dahan kong inilahad ang kamay ko at kinuha ang kwintas.
"Don't open until we're 20."
Naalala ko ang bilin sa akin ni Kyle nang isuot nya sa akin ang kwintas na ito. Isang locket. Magpahanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang loob ng locket na ito.
"Ah. Salamat at nakita mo." napangiti ako nang bahagya. Bumalik na naman ang mga alaala sa akin. Parang laging may nagpapaalala sa akin ng lahat ng mga bagay na ito kahitbpilit ko itong kinakalimutan.
Ibinulsa ko na lamang ang kwintas at lumabas na ng bahay.
Nakita ko sa labas sina Ethan at Rin. Nagtatanim sila. Nakita ko rin si Trevor na sumasaksak ng mga walkers sa may gate.
Kinawayan ko sila.
"Oii gising ka na pala! Samahan mo kami dito!" sigaw ni Rin habang naghuhukay ng butas para sa kanyang itatanim. Napalingon naman sa direksyon ko sina Trevor at Ethan.
Pinuntahan ko sila Rin at nagtanim na rin ako. Since wala pang almusal, nakisama muna ako sa kanila.
Maya-maya pa ay naglakad papunta sa direksyon namin si Trevor. Nakangiti ito.
"Yucks! You stinks!" nandidiring saad ni Rin. Paano ba naman itong si Trevor, mukhang kanina pa sumasaksak ng nga walkers sa gate dahil puro dugo na ang kanyang damit.
"Sige na nga liligo muna ako." sabi ni Trev at saka pumasok na sa loob.
"Iba talagang yong ugok na yon. Paggising ko kaning madaling araw, nandun na siya kaagad at sumasaksak ng mga walkers. Parang ewan. Daily routine nya na nga ata yung pagpatay ng mga walkers eh!" Sabi ni Rin.
"Nakow, updated ang bruha!" sabi ko nang may napangasar na boses.
"Tumahimik ka dyan. Alam ko ibig mong sabihin." naiinis nyang sabi.
"Oh ano?" tanong ko.
Hindi sya nakasagot. Halatang kinikilig eh! Nagbablush pa ang loka!
"Kanina pa ba kayo dito?" tanong ko.
"Oo, pero nauna si Trevor sunod si Rin."
Napatango nalang ako sa pagsagot ni Ethan.
After a few minutes.
"Guys, kain na daw." sumilip si Trev sa akin habang may tuwalya pa na nakasabit sa balikat nya. Hindi pa sya nagdadamit at basang-basa pa ang buhok nya.
"Dude, get some clothes!" iritang sabi ni Rin.
"Okay." kalmadong sabi ni Trev. Napatingin ako kay arin na noo'y nangangamatis na ang mukha sa sobrang pula!
"Hahahaha!!"
"Tawa kayo dyan?" iritang sabi ni Rin.
"Kasing pula na kasi ng kamatis na tinatanim mo 'yang mukha mo! Hahaha!" mapang-asar kong sabi.
"Aba!" sabi niya sabay tayo. Tumakbo naman ako.
"Bumalik ka dito, ZOOEY!" sigaw niya. Ako naman tawa lang ng tawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/13144847-288-k157655.jpg)
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
ActionSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...