Chapter 15
Zooey's PoV
"I think I love you."
Nagulat ako sa sinabi ni Kyle. Kulang na lang ay mapanganga ako sa sinabi niya. Bakit? Bakit ngayon niya lang sinabi, kung kailan may gusto na akong iba?
"Zooey." hinawakan niya ang kamay ko. Parang hindi ako makagalaw. Ninenerbyos ako at ang lakas pa ng tibok ng puso ko. Akala ko kaibigan lang ang turing niya sa akin. But.....more than that.
"May pag-asa ba ako sayo?" hindi ako makasagot. Parang natatakot din kasi akong mawala ang friendship namin. Ano ba 'tong nangyayari?! Pinagpapawisan ako sa mga titig niya.
Kasalukuyan nang nakatingin sa akin ang blue niyang mga mata. Halata sa kanya ang kalungkutan dahil hindi ko pa nasasagot ang tanong niya.
Dahan-dahan akong tumayo. Nalulungkot ako dahil iba pala ang tingin niya sa akin. Higit pa pala sa isang kaibigan. Dapat noon pa niya sinabi ang lahat ng ito!
"Zooey." hinila niya ang kamay ko. Napatingala ako sa kanya habang siya naman ay nakayuko sa akin. Dahan-dahan kaming napaatras sa pader. Nakasandal na ako sa pader habang siya naman ay hawak ang mga braso ko. Dahan-dahan siyang pumikit at nilapit ang mukha niya sa akin. Hindi siya nagsasalita at nakapikit lang. Palapit siya ng palapit sa akin..
Walang alinlangan ay tinulak ko siya at sinampal.
Napahawak siya sa pisngi niya. Hindi ko sinasadyang gawin iyon. Nabigla lang ako! Hindi pa ako handa. Bakit niya kailangang gawin sa akin iyon?
"Zo-Zooey I-I'm sorry!" sigaw niya habang ako naman ay palabas ng pinto. Hindi niya ako kailangang madaliin!
Pumasok ako sa kwarto ko at binalibag ang pinto. Humiga ako sa kama ko habang naiyak. Bakit? Bakit, Kyle?
Kyle's PoV
Shit! Bwisit ka Kyle! Ano ba yung ginawa mo?! Sira ulo ka talaga! Bakit mo siya hahalikan, bwisit ka!
Now, she's mad at me!
Napahawak ako sa ulo ko. Stupid me! Hindi ko na-control ang sarili ko!
Sinuntok ko ang pader. Naramdaman ko ang sakit ng kamao ko habang tumutulo ang dugo nito.
YOU SHOULDN'T HAVE DO THAT, KYLE!
Zooey's PoV
NARINIG kong may kumatok sa pintuan ko. Nilapitan ko ang pinto.
"Who's that?" tanong ko. Kung si Kyle ang kumakatok, hindi ko bubuksan.
"Ethan." isang boses lalaki ang sumagot.
Binuksan ko ang pinto. "Why?" sabi ko habang nakasimangot.
"Galit ka?" tanong niya.
"Isn't that obvious?" sabi ko. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko.
"Saan mo ko dadalhin?!" sabi ko habang nag-pupumiglas makawala sa pagkakahawak niya pero masyado siyang malakas.
Nakarating kami sa labas.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko habang hindi niya pa rin binibitawan yung kamay ko.
"Magpapahangin lang." napatahimik ako.
Kyle's PoV
Ilang oras na rin ang nakalipas noong lumabas ai Zooey dito sa kwarto ko. Namamaga pa rin ang kamao ko buhat noong suntukin ko ang pinto.
Lumabas ako ng kwarto ko upang pumunta sa kwarto nila mama para kumuha ng band aid. Manggagamot si mama kaya lagi siyang may mga first aid kit.
Nilagyan ko ng band aid ang kamao ko. Paglabas ko ng kwarto nila mama ay may natanaw ako sa bintana. Lumapit ako sa bintana para matanaw nang maayos kung ano yung nasa labas. Para kasing may tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/13144847-288-k157655.jpg)
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
ActionSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...