Chapter 32: Story telling

1K 30 1
                                    

Chapter 32

Kyle's PoV

No! No! No! Ano 'to? Bakit? Ano itong litratong ito.

"I was walking around when I saw them talking. Ngiting-ngiti pa si Zooey nung nakita niya si Brayden. Zooey let Brayden grab her waist. Then they kissed. You know what, Zooey even liked it!" sabi ni Violet.

Hindi! Hindi ito totoo!

"And she even told me that she doesn't love you anymore."

Hindi magagawa ni Zooey iyon! Ka-di-date pa lang namin kagabi! Hindi maaaring magawa niya ang mga bagay na iyon!

"Hindi 'yan totoo!" sigaw ko.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok.

"Nasa harapan mo na. We have an evidence, Kyle. Nasa iyo na lang 'yan kung maniniwala ka o hindi." sabi niya at saka umalis na.

No! This is not happening! My Zooey!

Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si Zooey sa kanyang kwarto. Nakayuko siya at halatang naiyak.

Napa-angat siya ng ulo. Na-sense niya sigurong dumating ako.

"K-Kyle." sabi niya habang nagpupunas ng luha.

Niyakap niya ako.

"Violet told me." sabi ko.

"Believe me, Kyle! H-hindi ko ginusto iyon! Bigla na lang akong hinalikan ni Brayden!" sabi niya.

"Believe me!" pagmakaawa niya.

Alam kong hindi magagawa ni Zooey na pagtaksilan ako. Alam kong mahal na mahal niya ako at ganoon din ang pagmamahal ko sa kanya. I let her explain at sapat na ang mga narinig ko para paniwalaan siya. Gawa-gawa lang ni Violet ang lahat.

Pinuntahan ko si Violet at agad ni hinawakan ang dalawa niyang balikat.

"Kyle!" napasigaw siya sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa kanya.

"What do you think you're doing?! How dare you to make a story!" sigaw ko habang mariing niyuyugyog ang mga balikat niya.

"Kyle! Masakit!" sigaw niya. "Stop it!" pagmamakaawa niya.

"Wala akong kinalaman! Nakita ko lang si Brayden na biglang hinalikan si Zooey, that's all I know, I swear! Stop it! You're hurting me!" napahinto ako. Si Brayden! That asshole!

Alam kong gumawa rin ng kwento si Violet. Sinabi niyang nagustuhan ni Zooey ang ginawa ni Brayden sa kanya pero Zooey even told me na she tried to push Brayden away.

Napatakbo ako at hinanap kung nasaan ang hinayupak na Brayden na iyon! Natagpuan ko siya sa labas.

Agad ko siyang sinuntok sa mukha. Lahat ng galit ko binuhos ko sa kanya hanggang sa dumugo ang mukha niya. Napakasama niya. Ang kapal ng mukha niyang gawin sa Zooey ko iyon! Ang kapal!

"Ahh! Stop!" nakapangibabaw ako sa kanya at pilit ko pa rin siyang sinusuntok.

"What the heck was your problem?!" sabi niya.

Aba ang kapal pa ng mukha magtanong. Does he really know kung bakit ako galit? O nagpapakainosente lang siya?

"Ikaw ang problema!" sigaw ko at nagpakawala ulit ng isang malakas na suntok.

Naramdaman kong may humila sa likuran ko. Si dad.

"What's going on here?" tanong ni dad.

Si Brayden naman namimilipit sa sakit. Halatang hindi niya ako kinaya.

"We're not done yet, asshole!" sigaw ko sa kanya at umalis na ako.

He doesn't even deserve to live! Pervert!

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng ingay ng mga walkers. Napatingin kami sa gate at doon ay natagpuan namin ang pagkarami-raming walkers na pilit binubuksan ang gate. Tinutulak nila ito dahilan para mabuksan ito at masira.

Hinanda namin ang baril namin pero bago pa man namin sila maubos ay agad na nabuksan ang gate namin at agad silang nakapasok.

Pinagbabaril namin sila.

Zooey's PoV

Agad akong napalabas ng kwarto nang may narinig akong mga putok ng baril.

Kasabayan kong lumabas sila Margo, Rin, Trevor at Bob. Humahangos kaming lumabas at natagpuan namin ang pagkarami-raming walkers na pumapasok sa kuta namin.

Kinuha ko ang baril ko at pinagbabaril silang lahat.

Nagtatakbuhan pa rin ang mga walkers sa amin.

Yung ibang walkers ay nagpupunta sa gilid upang palibutan kami.

Sa kasamaang palad ay napapalibutan na kami ng mga walkers.

"Hindi ka na dapat lumabas!" sigaw sa akin ni Kyle habang nabaril.

"Kailangan!" sigaw ko.

Baril ako ng baril hanggang sa nawalan na ako ng bala.

Kinuha ko ang dagger ko at pinagsasaksak ang mga walkers na lumalapit sa akin.

Hanggang sa naramdaman kong may kumuha ng braso ko.

I felt a sudden painful bite on my delicate arm causing me to scream.

"Ahhhh!" I blurted out.

And then everything went black...

••

Almost 10K! ♥♥♥

Thank you po sa inyo dahil inaabangan nyo pa rin to kahit mabagal ang UD. Pero ngayong tapos na ang exams at projects ko, I think magiging mabilis ang pag-a-update ko. Stay focused muna ko sa Heartbeat para madali ko na magawa ung UZA 2..

Again, thanks po sa suporta love love love you guys! ♥ ت

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon