Chapter 7: Okay?

2.6K 105 21
                                    

Heartbeat: Chapter 7

~Sometimes, thing are possible...

***

Zooey's PoV

Hindi ko pa rin talaga alam kung ano talaga yung sasabihin niya. Ni wala nga akong ideya eh. Pero naku-curious ako. Nagsisimula na naman akong mag-imagine ng mga bagay-bagay na hindi ko alam kung mangyayari. Ano kaya yun? Nagtataka pa rin talaga kasi ako hanggang ngayon eh.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko.Dito muna ako mag-iistay dahil alam kong magkasama ngayon si Lucy at Kyle. Baka batuhin na naman ako ni Lucy ng kutsilyo kapag nakita o nalaman niyang magkasama kami ni Kyle. Kaya, mabuting dito muna ako.

Tumayo ako at tumapat sa bintana. Hinawi ko ang kurtina at nagsimula nang mag-sight seeing. Mula dito ay natatanaw ko ang puno na inuupuan namin ni Kyle kanina. Natanaw ko rin na nandoon sina Kyle, sa ilalim ng puno. Nag-uusap sila doon.

Nakita kong nagtinginan silang dalawa. Ang tagal nilang nagtititigan. Kanina iniisip ko na baka sabihin ni Kyle sa akin na gusto niya akong maging girlfriend. Pero malabo, may partner na nga siya oh.

Tiningnan ko sila at unti-unting naglapit ang mga mukha nila. Mukhang alam ko na ang gagawin nila.

Ughh, shit. Ayokong makita.

Hinarang ko ang kurtina sa bintana. I don't want to see those things! I'm not ready for that. And besides, 16 years old pa lang ako.

Humiga ulit ako sa higaan ko at tiningnan ang ceiling.

Tumayo ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Wala naman siguro sila Kyle at Lucy sa loob ng bahay na ito hindi ba? Nasa labas sila eh.

Balak ko lang sanang kumuha muna ng chocolates. Chocolates ang solution kapag bored ako. Pumunta ako sa kusina,binuksan ang refrigerator at kumuha ng Hershey. Umakyat muli ako sa itaas.

Umupo ako sa higaan ko. Kinakain ko ang Hershey chocolate habang may nilalaro ang phone ko. (Q: Bakit hindi nalolowbat ang phone? A: Because it's solar powered)

Wala rin akong magawa kaya phone muna.

Pahiga na ako nang pahiga sa higaan ko habang nilalaro pa rin ang cellphone ko at kumakain ng chocolate. Ang boring talaga.

Muli akong tumingin sa kisame kumagat sa chocolate ko at biglang napaisip. Sila ba talaga ni Kyle at Lucy?

After 2 hours...

Maya-maya pa ay narinig kong may kumakatok sa pinto ko. Inubos ko ang chocolate ko saka tumayo sa higaan ko at binuksan ang pinto at nakita si Kyle.

Nakangiti siya sa akin. Anyare dito?

"Hi, kamusta kayo ni Lucy?" tanong ko.

"Ah wala lang." tipid niyang sagot. Hindi naman siguro siya pupunta dito nang walang dahilan diba? Nagsisinungaling siya.

Dahan-dahan siyang humakbang papunta sa kwarto ko. Nakatitig lang siya sa akin at hindi inaalintana ang kahit ano. Basta nakatingin lang siya sa akin.

Nakikita ko ang paa niya na palapit nang palapit sa akin. Ako naman paatras nang paatras. Ano ba kasing gagawin nito?

Napatingin ako sa kanya. Parang may gusto siyang sabihin sa akin.

"Ah, Kyle?" sabi ko pero nakatingin pa rin siya sa akin at patuloy sa paglapit sa akin. Mukhang iba na nararamdaman ko ngayon ah.

Naramdaman ko ang pader sa likuran ko. Wala na akong maaatrasan, nandito na ako sa pader nakasandal. At si Kyle ay nakatingin pa rin sa akin.

Ang awkward na naman nito.

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon