Chapter 11
Zooey's PoV
"KUYAAA!!" Agad na sumigaw si Sophie at niyakap ang kuya niya na noo'y nasa bungad na ng pintuan kasama si Alicia.
"SOPHIE! SOPHIE SALAMAT BUHAY KA!" nakita kong paiyak na si Ethan. Nakakatuwa naman sila. Paran ganyan din kami ng kapatid ko dati.
"SALAMAT! SALAMAT NAKITA NIYO SIYA!" umiiyak na sabi ni Ethan.
Yung dozen of walkers kanina, Huwag niyo na alalahanin yun. Pinatay lang namin sila.
Pumasok na kaming lahat sa loob ng bahay. Nasa dining table na kami at iniintay ang pagkain.
Habang nag-iintay ay kinausap ko muna si Ethan na noo'y katabi ko.
"Hi, ako si Zooey." nginitian ko siya habang inaalok ang kamay ko.
"Ahh, Ethan. Ethan Mendler." nag-shake hands kami.
"Kailan ka pa nagising?" tanong ko.
"Ahh, sabi ni Alicia, nung umalis kayo saka daw ako nagising." tumango-tango ako.
"Ilang taon ka na?" sabi ko.
"16, ikaw?"
"Same."
"Oo! May barbies ako! Gusto mo laruin natin pagkatapos kumain?" napalingon ako sa kanan ko. Nakita kong masayang nag-uusap sina Dorothy at Sophie. Mukhang nagkasundo na sila.
"Kilala mo na ba kaming lahat?" sabi ko.
"Yung mga nag-stay lang dito sa bahay ang kilala ko. Si Alicia, si Dorothy at si Trevor." sabi niya.
Teka? Nasaan na nga pala si Trevor? Hindi ko siya nakita kanina sa salas eh?
"Nakita mo ba si Trevor?" tanong ko.
"Nilipat namin siya kanina sa kwarto niya at saka nilabas namin yung sofa kasi puro dugo na." sagot niya.
Nga pala. Nabanggit niya kanina na yung mga nag-stay lang dito sa bahay ang kilala niya. Ibig sabihin hindi pa kilala ni Ethan yung mga iba naming kasamahan.
"Siya si Margo(turo kay Margo), kapatid ni Alicia. Siya si Christian, ang tumatayong leader/tatay naming lahat. Asawa rin siya ni Alicia. Siya si Kyle, kaibigan ko, anak ni Christian at Alicia at kapatid ni Dorothy. At ito naman si Lucy. (hinihaan ko ang boses ko) balita ko sila na daw. " binulong ko yung bandang huli.
Tumango-tango naman siya. Gusto ko pa siyang makausap. Bihira ko na kasi makausap si Kyle kasi lagi na silang magkasama ni Lucy. Eh sa tuwing lalapit naman ako kay Kyle ay laging nakabantay si Lucy. Paano ba naman kami makakapag-usap niyan?
Hinain na ni Alicia ang pagkain. As usual. Ganoon parin ang mga nakahain. Pinagdasal namin ang mga pagkain at saka sabay-sabay na pinagsaluhan.
---
PAGKATAPOS naming kumain ay nagpunta ka kami sa kanya-kanyang kwarto upang maligo. Nga pala. Nawalan na rin kami ng supply ng tubig kaya kumukuha na lang kami dun sa ilog. Malinaw ang tubig doon sa ilog kaya alam naming malinis ito at pwedeng pagliguan.
Pagkaligo ko ay binalot ko ng towel ang buhok ko upang matuyo. Nag-stay muna ako sa loob ng kwarto ko. Binuksan ko ang bintana upang may hangin naman na pumasok sa kwarto ko. Kumuha ako ng chocolate at kinain ito.
-----
Maya-maya pa ay natuyo na ang buhok ko kaya naman sinuklay ko ito at tinirintas ng side braid.
Lumabas ako ng kwarto ko upang magpahangin sa labas. Paglabas ko ay napansin kong bukas ng kaunti ang pintuan ng kwarto ni Trevor. Naiintriga ako kung ano ang itsura ng kwarto ni Trevor. Hindi pa ako nakakapasok dito kahit kailan. Gusto ko ring makita kung ano na ang lagay ni Trevor ngayon.
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
ActionSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...