3 days later...
Zoe's PoV
Nakalipas na ang ilang araw medyo nakakaget over na rin kami sa nangyari 3 days ago. Nawalan man kami ng miyembro ay naging masaya pa rin kami at tinanggap na lang ang nangyari. Wala naman na kaming magagawa. Pero hindi rin naman naming maiwasan na mamiss sila minsan.
Nandito kami ngayon ni Trev sa field at nagtatanim ng mga gulay at prutas. Nakakatuwa dahil sa paghuhunt nila Christian, nakahanap sila ng store at nakakita sila ng mga seeds na maaaring itanim at paramihin. At nakakatuwa rin dahil nandito si Trev at tinutulungan ako.
"Ang hilig mo magtanim, ano?" sabi sakin ni Trev. Napatawa ako saka sumagot.
"Hmm. Medyo lang." sabi ko.
"Ahh.. Teka paano ba 'to?" sabi ni Trev habang hawak ang mga buto na itatanim.
"Ilagay mo dito. Kaunti lang. Tapos 'wag mong ibabaon masyado sa lupa kung gusto mo pa silang mabuhay. Para naman makahinga sila." sabi ko habang ipinapakita sa kanya kung paano magtanim.
"Galing mo ano? May lahi ka bang magsasaka?" natatawang tanong ni Trev sa akin.
"Seriously, dude?" sabi ko sabay natawa na rin.
"Haha sige... Maiba naman..." sabi niya. Tumango ako habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin.
"You and Kyle." halos masamid ako sa sunod kong narinig. Seryoso, Trev?
"W-what?" sabi ko naman, trying my best to be casual. Ewan ko ba bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko.
"You guys, broke up, right?" he said.
"Yah.." sagot ko naman.
"And... You miss him, right.." ano ba namang tanong 'to.
"Yes..." kaswal kong sagot. Hot seat ba 'to?
"You still love him. Yes?" tanong niyang muli.
"Yes. Oh.. W-wait.." napatulala ako. Did I just said 'yes' ?
"Ooh.. I see.." nabuo ang mapagbirong ngisi ni Trev sa mukha niya. Maya-maya pa ay pasadya siyang lumingon sa likuran o let's say sa may pintuan...
"Oh, Kyle. Nandyan ka pala!" natatawang sabi ni Trev. Wait. Don't tell me na kanina pa siya nandyan. Nakita kong tahimik lang si Kyle at tinanguan si Trev habang nakangiti. Napasulyap siya sa akin kaya naman umiwas ako kaagad ng tingin.
"Kanina ka pa ba nandyan?" sigaw ni Trev kay Kyle. Ngumiti naman si Kyle at umiling. Really? Grabe nakakahiya! Parang hindi ako naniniwala na hindi pa siya nandyan kanina!
Sa sobrang kahihiyan ay tumayo ako at tumakbo palayo. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta pero dinadala ako ng paa ko sa likod ng base kung saan malayo kila Kyle. Grabe nakakahiya!
Napalingon ako sa likod ko at napansin ko si Trev na nakasunod sa akin.
"Zoe wait! Bakit ka umalis?" natatawang sambit ni Trev habang hinahabol ako. Hindi ko lamang siya pinansin.
Nakarating ako sa likod ng base at napahinto ako nang madatnan ko kung anong mayroon dito. What the fuck!
"Zoe naman ang KJ mo. Para kang-- HOLY SHIT!" nakita ko si Trev na nabigla rin sa kanyang nasaksihan.
"TYLER! SI HENRY!" sigaw ko. Si Henry! Nakahiga sa sahig at walang buhay, hawak ang kutsilyo, at may laslas sa wrist!
Nagsidatingan na ang iba at nagulat din sa kanilang nakita. Anong nasa isip ni Henry at ginawa niya ang bagay na ito?!
"What do you think what made him do this?" sabi ko kila Tyler dahil alam kong mas matagal nilang nakasama si Henry kaysa sa amin.
"He loved Violet so much..." mahinang sambit ni Rin habang nakatulala sa bangkay ni Henry. That explains it all.
After what happened, we did what we had to do to prevent him from turning. Then, we burried him.
Kinagabihan...
Sabay-sabay kaming kumakain gaya ng nakagawian. Nadagdagan na rin kami ng mga pagkain dahil nagkaroon na rin kami ng supply ng patatas at carrots. Masaya ako dahil nagiging masagana na ulit kami.
Sa sobrang gutom ko ay hindi ko na napansin na dire-diretso na ang pagkain ko, dahilan upang mapuno ang bibig ko. Hays ang takaw mo, Zoe.
Maya-maya pa ay napalingon ako sa front of my left at nakita ko si Kyle na nakatingin sa akin habang nakangiti. Pero the moment na napansin ko siyang nakatingin sa akin ay umiwas siya agad ng tingin at inalis ang ngiti sa mukha niya. Napahinto ako sa pag-nguya. Was he staring at me the whole time?
"Beh, tubig oh." sabi ni Rin sa akin habang inaalok ako ng tubig. Tinanggap ko naman iyon at ininom. Nang malunok ko na ang lahat ng pagkain ay nagpasalamat ako kay Rin.
Matapos naming kumain ay nagprisinta na akong magligpit ng pinag-kainan. Nasa lababo ako ngayon at hinuhugasan na ang mga pinggan.
"Sige, Zoe. Una na kami ha. Pagkatapos mo diyan, matulog ka na..." sabi ni Alicia sa akin. Tumango naman ako.
Maya-maya pa ay nakita kong nagpasukan na sa kanya-kanyang kwarto ang bawat isa. Sige, iwanan niyo ako. Sanay naman na ako. Hahaha.
Mga ilang minuto pa ay sa wakas ay patapos na rin akong maghugas ng pinggan.
"Psst.." napahinto ako sa paghuhugas nang makarinig ako ng sitsit. Hindi ko na lang iyon pinansin. Baka guni-guni ko lamang iyon.. Ipinagpatuloy ko na lamang muli ang paghuhugas.
"Psst.." narinig ko itong muli. Dahan-dahan kong kinuha ang kutsilyo na noo'y malapit sa akin.
"Sino 'yan?" sabi ko. Lumingon ako at hinanda ang kutsilyo ko. Shet natatakot ako.
"BWAAAH!!" napatalon ako sa gulat nang makita ko si Rin na biglang lumitaw sa kung saan at ginulat ako.
"Walanghiya kang babae ka!" sa sobrang takot at pagkagulat ay hinabol ko siya. Lintek si Rin lang pala!
"WAHAHAHA! The face! Priceless! WAHAHAHA!" mapangasar na sabi ni Rin habang tumatakbo at nagpapahabol sa akin.
"Bumalik ka dito! Kukurutin ko singit mo!!" sabi ko sa kanya. Takbo lamang siya nang takbo habang parang baliw na tumatawa.
Nang mapagod ako ay huminto na lamang ako at bumalik sa lababo upang tapusin ang paghuhugas ng pinggan.
Maya-maya ay sumunod na si Rin.
"Oy sorry na." sabi ni Rin sa akin.
"Che!" sabi ko habang pinupunasan ang lababo.
"Hahaha tampururut siya. Bilisan mo dyan. Matulog na tayo." sabi ni Rin sabay hikab. Medyo inaantok na nga rin ako. Tumango ako.
Nang matapos ko na ang paghuhugas ay umakyat na kami ni Rin. Bago ako matulog ay naisipan ko munang maghilamos upang presko ako sa pagtulog. Paglabas ko ng banyo ay wala si Rin sa kwarto namin. Nasan na 'yun? Sabi niya inaantok na siya, bakit wala sita dito, aber?
Humiga na ako sa higaan ko. Unti-unting pumikit ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako...
Maya-maya pa ay naalimpungatan ako dahil nakakarinig ako ng ingay sa baba. Ano ba 'yon... Maya-maya pa ay naalarma ako nang marinig ko ang sigaw ni Christian.
"KYLE! HINDEEE!!! FUUUCK!!! TULONG!"
***
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
ActionSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...