Chapter 64: Acceptance

854 25 6
                                    

Kyle's PoV

*beng!*

Napapikit ako nang marinig ko ang putok ng baril. Nagulat ako nang makita ko nalang na unti-unti nang tumutumba ang katawan ni Ethan sa harap ko!

"Ethan!" napasigaw ako. Nakita ko ang tama ng baril sa tyan niya. Fuck!

Pagkahiga ni Ethan ay tumambad muli sa akin si Howard habang nakatutok pa rin ang baril. Ipuputok na niya sana ito ulit ngunit nakita ko si Dad na bigla siya dinambahan at pinaulanan ng suntok!

Ibinaling kong muli ang atensyon ko kay Ethan na noo'y nakahiga na sa sahig. Napaluhod ako sa tabi ng katawan niya.

"Ethan... Ethan!" pagtawag ko.

Iniligtas niya ang buhay ko...

Nakita kong nagsidatingan sila Zoe at iba pa namung mga kasamahan pwera lang kay Dad.

"Ethan, apo!" umiiyak na sambit ni lolo Bob sa apo niyang nabaril...

"Ethan, lumaban ka!" narinig kong sambit ni Zoe habang umiiyak sa naghihingalong si Ethan...

"Z-Zoe... Mahal na mahal kita...." nanghihinang sambit ni Ethan.

"I'm g-glad you're alive... Alam kong kakayanin mo..Mag-iingat ka palagi.. Maging masaya ka ha..." mahina niyang dagdag. Hindi na nakapag-salita si Zoey. Tanging iyak lang ang tangi niyang nagawa.

"Lolo..." sambit niya sa kanyang lolo.

"P-Paki-alagaan na lang po si
Sophie para sa akin....at... K-Kyle... Ingatan mo si Zoey...." hinawakan niya ang braso ko.

"Ethan, pare ano ba!" sabi ko sa kanya. Hindi ko na rin napigilan na umiyak. Kahit alam kong naging karibal ko si Ethan kay Zoey ay hindi pa rin ako magtatanim ng galit. Siya ang nagligtas kila Dorothy noong nasunog ang bahay... Utang ko ang buhay ko sa kanya at ang buhay ng kapatid ko... Kung wala siya, patay na sana ako ngayon...

Ngumiti nang tipid si Ethan at unti-unting pumikit ang mga mata...

"ETHAAAAN!!!" umiiyak na sigaw ni Zoey. Ang lahat sa amin ay hindi na rin napigilan na mapaiyak.

Christian's PoV

Hindi na ako pumayag na mabaril ni Howard ang anak ko. Agad ko siyang dinambahan at sinuntok sa mukha. Daan nakadagan ako sa kanya, hindi na niya nagawa pa na makalaban.

Nang sa tingin ko ay bugbog sarado na nang lubusan ang mukha ni Howard ay tinutukan ko ang ulo niya ng baril.

"Sige, Christian. Iputok mo. At nang malaman nila kung sino talaga ang demonyo satin." nakangising sambit ni Howard.

"Hindi mo ako madadala sa ganyan!" sigaw ko.

"Hangal ka talaga, kapatid." sambit ni Howard habang tumatawa nang malakas.

"Wala akong kapatid na demonyo!" sigaw ko at walang alinlangan na ipinutok ang baril sa mukha niya.

Napatulala akong saglit sa bangkay ni Howard. Kapatid ko siya pero hindi kapatid ang turing niya sa akin.

Napadako ang atensyon ko sa mga kasamahan ko. Si Ethan, nakahiga sa sahig at wala nang buhay. Nakikita ko rin na ang mga kasamahan ko ay umiiyak na. Hindi ko na rin napigilan na maging malungkot dahil naging isang mabuting kaibigan si Ethan sa amin.

Lumapit ako sa kanila at nagsalita.

"Wala na tayong magagawa
.. Bob, pasensya na ho..." mahina kong sabi. Kinuha ko ang maliit na kutsilyo sa bulsa ko at iniabot sa kanila.

"Don't let him turn." sabi ko. Ngunit walang tumatanggap ng kutsilyong inaalok ko.

"We have to do it..." sabi ko at saka lumuhod. Unti-unti naglalayuan sila Zoe kaya naman nilubos ko na ang pagkakataon na saksakin ang gilid ng ulo ni Ethan. We have nothing to do but to accept his faith.

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon