***
Zooey's PoV
"Lucy?"
Labis ang pagkagulat ko nang makita ko si Lucy na napakagulo ng buhok, napakarumi ng damit at may tama ng may hiwa sa kanyang binti. Kitang-kita ko ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang binti. Halata sa kanya na marami na syang pinagdaanan. Ngunit bakit nagkaganyan sya? Ang buong akala namin ay patay na siya!
"Zooey!" dahil ako ang nasa likuran, agad nya akong nalapitan. Sinalubong ko siya at niyakap. Alam kong hindi maganda ang pakikitungo nya sa akin noon pero ngayon, parang gusto ko syang yakapin sa kabila ng mga ginawa nya sa akin noon. Naramdaman ko ang mahigpit nyang yakap sa akin. Naririnig ko rin ang marahang pagiyak nya mula sa likuran ko habang binabanggit nya ang pangalan ko.
"Lucy! A-akala namin--patay ka na?" concerned kong sabi.
"T-tulungan niyo ko!" hysterical na sabi ni Lucy.
"Bakit?" agad kong tanong.
"Hindi ligtas sa lugar na ito! Nandito siya! Malapit na siya!"
Gusto ko pang itanong ang mga bagay na iyon sa kanya pero naisip ko na parang kailangan na talaga namin unalis sa lugar na ito. Hinawakan ko ang kamay nya at inakay sya papunta kila Tyler.
"Tyler! Bumalik na tayo sa kuta natin, please?!" Agad na tumango si Tyler at binuhat si Lucy.
Hanggang ngayon ay malaking bagabag pa rin sa isipan ko kung saan nanggaling si Lucy at kung bakit siya nagkaganyan.
Napansin ko kaagad ang takot na mukha ni Lucy kanina bago niya ako yakapin.
***
NANG makarating na kami sa taguan namin ay agad na niyakap ni Christian, Margo at Trev si Lucy.
Napansin kong lumabas si Kyle mula sa kanyang kwarto kasama si Violet. Halata sa mukha nya ang pagkagulat. Agad syang tumakbo sa direksyon ni Lucy. Matagal nya itong tinitigan na para bang inaalam nya muna kung totoo ba ang kanyang nakikita. Kung hindi ba sya namamalik-mata na naririto sa kanyang harapan si Lucy, na matagal na naming hindi nakikita.
"K-Kyle." mangiyak-ngiyak na sambit ni Lucy nang makita nyang nakatayo sa kanyang harapan si Kyle na naging gusto nya rin dati.
"Lucy?"
Marahan na lumapit si Kyle kay Lucy at hinagkan ito. Nakita ko kung gaano kahigpit ang yakap nila sa isa't-isa. Hindi ako magkakamali na namiss talaga nila ang isa't-isa.
Napansin ko na parang medyo masama ang tingin ni Violet kay Lucy. Hindi nya pa ito kilala. Pero good luck na lang kung kakalabanin nya si Lucy dahil alam kong mas palaban so Lucy kesa kay Violet.
"Namiss ko kayong lahat." umiiyak na sabi ni Lucy.
"S-sorry sa mga *sobs* ginawa ko sa inyo dati. *sobs* L-lalo na sa iyo...... Z-zooey. *sobs* Pinagsisisihan ko na ang mga ginawa ko sa inyo dati. Patawarin niyo ko kung naging masama ako sa inyo. Pero ipinapangako ko na magiging mabait na ako sa inyo. Kung may dapat akong gawin sa inyo, sabihin niyo lang. Gagawin ko yon. Patawarin nyo lang ako." Nilapitan ko sya at niyakap.
"Shhh." sambit ko. Hinimas-himas ko ang likod nya para kahit papaano ay makaramdam siya ng relief. Pinapatawad ko na sya. Pinapatawad ko na si Lucy.
***
MATAPOS ng mahaba-habang yakapan ay nakipagkwentuhan kami kay Lucy. Marami kaming dapat itanong sa kanya.
"Saan ka galing? Bakit nagkaganyan ka?"
"Mahabang kwento."
Inintay namin ang susunod nyang sasabihin hanggang sa nagkwento sya ulit.
FLASHBACK
![](https://img.wattpad.com/cover/13144847-288-k157655.jpg)
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
ActionSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...