Chapter 30: Thank you

1.2K 36 5
                                    

Chapter 30

Zooey's PoV

Lumabas ako suot ang skyblue dress flat floral light blue doll shoes, make-up, light blue nail polish. I think, I look so cute!

Bumulaga sa akin si Kyle suot ang kanyang tuxedo with a red bow tie at itim din ang slacks at sapatos niya. Maganda rin ang ayos ng buhok niya.

Sinalubong niya ako. Kinuha ang kamay ko at hinalikan ito.

"You look so pretty tonight." sabi niya in a low and husky voice.

Kinilig naman ako at napangiti. "Thanks."

Hinila niya ang upuan at pinaupo ako nang dahan-dahan.

Napaka-romantic naman ng gabing ito.

Napaka-ganda ng pagkaka-set up ng table.

Isang round table na may nakapatong na puting tela at may isa pang pahabang tela na kulay red. May mga table napkin din. Sa gitna naman ay nangingibabaw ang kulay white na kandila. Marami ring pagkain na nakahain. Iba't-ibang gulay at karne.

Habang kumakain kami ay napangiti ako sa kanya. Ang sweet niya naman.

Kyle's PoV

Nagulat ako kanina nang makita ang itsura niya.

Napakaamo ng mukha niya, ayos na ayos ang look niya. Parang kaharap ko ang isang anghel na pinababa sa lupa galing langit.

Zooey's PoV

Matapos naming kumain ay hinawakan ni Kyle ang kamay ko upang patayuin ako.

Dinala niya ako sa isang lugar na kung saan ay makikita mo ang magandang langit. May naka-set up doong tela sa sahig. Parang pang-pik nik.

Umupo kami doon.

"Close your eyes." sabi niya sa akin. Napangiti lang ako ang sinunod ang sinabi niya.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng isang malamig na metal sa dibdib ko. Naramdan kong inayos ni Kyle ang buhok ko. Iminulat ko ang mga mata ko at agad na tiningnan kung ano iyon. Bumungad sa akin ang isan silver heart locket necklace.

Napangiti ako sa kanya. "Thank you!" masaya kong sabi.

"Don't open it until we're 20."

"Ha? Bakit?" nagtataka kong sabi.

"Basta. You'll find out." tumango na lang ako sa sinabi niya.

I slowly kissed his cheek. Humiga kami sa lapag at minasdan ang kalangitan.

"As long as you have that necklace, you'll be protected."

Napangiti ako sa sinabi ni Kyle.
Napakaganda ng mga bituin sa langit. Nakikita mong kumikinang-kinang sila.

Ang saya ng gabi kong ito. Kasama ko ang taong mahal ko.

Ang sarap sa pakiramdam.

••

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon