Chapter 59: Plan

827 25 5
                                    

Margo's PoV

Nakaupo pa rin ako dito sa makapal na sanga, iniisip kung paano ako bababa dito nang hindi nakakain ng mga halimaw. Gaya nga ng sinabi ko, ayaw ko silang barilin dahil makakalikha ako ng ingay.

Hinalungkat kong sandali ang bag ko at kinuha ang bote ng tubig na naroroon. Saglit akong uminom at napawi ang uhaw ko. Sa takot na naramdaman ko, pagpapawisan ako nang malubha.

Nang ibabalik ko na ang bote ng tubig sa loob ng bag ko ay may naramdaman akong tumusok sa braso ko. Shit ano ba 'to.

AHAS! Nakita ko ang matinding pagkaka-kagat ng mahabang ahas na ito sa braso ko. Ang mga ngipin niya, nakabaon na sa braso ko!

Walang alinlangan kong kinuha ang ulo ng ahas at mabilis ko itong hinili upang mawala ang pagkaka-kagat nito sa braso ko. Agad naman akong nagtagumpay. Hinagis ko ang ahas sa kawalan. Napadako ang atensyon ko sa braso ko na noo'y may lumalabas nang dugo mula sa dalawang tuldok na paniguradong mga ngipin ng ahas.

Hindi ko alam kung tama o epektibo ito pero sinubukan kong sipsipin ang sugat upang makuha ko ang kamandak. Pagkalaon ay agad ko rin naman itong idinura. Sana ay epektibo ito. Hindi nga ako mamamatay sa tao o sa walkers pero sa isang ahas naman. Patuloy ko iyong ginawa. Marami-rami na ring dugo ang nasipsip ko kaya siguro naman ay naalis na ang kamandag.

Isinawalang bahala ko na ito at idinerektang muli ang atensyon ko sa mga halimaw.

Kailangan ko nang kumilos at gumawa ng paraan. Delikado ang buhay ko at ang buhay ng mga taong nasa military base.

Dahil sa gubat nga ito ay nakatanaw ako ng maraming puno. Di kalayuan sa puno kung nasaan ako ngayon ay isang mga puno ulit. Tumayo ako sa matibay na sanga na kanina ay inuupuan ko. Bumwelo akong sandali upang tumalon. Pagkatalon ko ay inabot kong maigi ang isang sanga at matagumpay naman akong nakakapit doon. Gaya ng inaasahan ay sinusundan pa rin ako ng mga walkers na parang si Juan Tamad kung mag-intay ng pagkain. Ang pinagkaiba lang ay hindi ako mansanas kundi isang tao.

Pinagpatuloy ko ang paglipat-lipat ng mga puno hanggang sa makalayo na ako sa kanila. Napangiti ako.

Ngayon malayo na ako sa kanila ay bumaba na akong puno at tumakbo papunta sa paroroonan ko.

Sa gitna ng aking pagtakbo ay may naramdaman akong malalamig na patak ng tubig sa katawan ko. Umuulan...

Zoe's PoV

"Kailangan natin ng plano.." maawtoridad na sabi ni Alicia.

"Matagal ko na talagang gustong unalis dito sa lugar na ito. Pero hindi ko ginawa dahil once na mawala ako sa kanya, pagpapapatayin niya kayo." sunod na sabi ni Alicia

"Binubura na dapat ang mga ganyang tao sa mundo." galit na sabi ni Trev na sinang-ayunan naman namin.

Mula sa warehouse ay lumabas na kami patungo sa kung saan. Nasabi na rin sa amin ni Alicia ang plano. Isa-isahin daw naming papatayin ang mga tauhan ni Howard.

"Eh paano si Carver?" pagtatanong ko.

"Alam kong mahihirapan tayo kay Carver dahil siya ang kanang kamay ni Howard. Pero susubukan natin." Tumango kaming lahat sa sinabi ni Alicia. Natatakot man ay pilit namin tinatagan ang loob namin para makaligtas kami.

Pumasok na kami sa loob dahil ang lakas ng ulan. Alam kong hindi ligtas dito dahil naiipon dito ang nga tauhan ni Howard. Pero ang pagkakaalam ko naman, karamihan sa kanila ay dinala ni Howard upang hanapin si Dorothy.

Pumasok kami sa isang kwarto at nagulat ako nang makita si Christian doon! Nakatali siya sa upuan, sugatan at walang malay... Nako...

"DAD!" hindi na napigilan ni Kyle na tumakbo at yakapin ang kanyang ama. Hindi man siya magantihan ng yakap ng kanyang ama dahil nakagapos ang mga ito at walang malay pero hindi siya humintong yakapin si Christian. Sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko na namang naluha si Kyle.

Nilapitan na rin namin silang dalawa. Natotouch ako sa eksena. Medyo nalulungkot ako na natatakot dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising si Christian.

"Dad, gumising ka!" umiiyak na sabi ni Kyke habang niyuyugyog ang ama. Nako... Sana buhay pa si Christian sa kabila ng mga sugat na natamo niya.

Nahawakan ko ang balikat ni Kyle nang hindi inaasahan. Gusto ko kasing kalmado siya.

Napatingin siya sakin kaya binitawan ko siya. Inalis niya na rin ang atensyon niya sa akin.

"K-kyle...." napa-gaso ako nang marinig ko ang boses niya. Si Christian!

"Dad!" napawi ang lungkot na nadarama namin nang magising siya.

"Dad... Mom's with us..." sambit ni Kyle.

Kalaunan ay naipaliwanag na rin ang lahat-lahat kay Christian. We can't leave without him kaya kahit hirap siyang kumilos ay he still went with us.

"Here's the plan. Magii-stealth tayo. Gentle kill. 'Yung pagpatay na tayo lang ang nakakaalam." Tumango kami at sumunod sa kanya.

Dahan-dahan kaming naglakad. Pagliko namin sa isang kanto ay may nakita kaming dalawang lalaki na pagala-gala.

Sinenyasan kami ni Alicia na 'wag munang lalaban. Siya daw ang mauuna.

Kaya naman naglakad siya papunta sa dalawang lalaki. Nginitian niya nang matamus ang dalawabg lalaki. Sunod niyang ginawa ay sinipa niya isang lalaki sa ano nito at agad na kinuha ang baril ng lalaki. Kaagad niya namang tinutukan ng baril ang isang lalaki.

Pinukpok niya ng baril 'yung lalaki kaya naman nasaktan ito. Sinenyasan kami ni Alicia kaya sumugod kami. Nakita ko si Trev na sinaksak ng katana niya ang dalawang lalaki. Matapos iyon ay nagtulungan kaming buhatin ang dalawang lalaki upang itago ang mga bangkay nito.

Howard's PoV

Bumuhos ang malakas na ulan pero nagpatuloy pa rin kami sa paghahanap. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita ang anak ko. Handa akong pumatay ng kahit na sino para lang maging kumpleto ang aming pamilya.

Sakay sa aming truck ay nadaanan namin ang forest sa gilid. At ano itong nakikita ko? May nagkukumpulang mga halimaw? At... Ang patibong ko. Nagamit na?

"Sandali..." pinatigil ko ang nagmamaneho ng sasakyan at bumaba ako.

Tiningnan kong maigi kung totoo nga ang aking nakita.

Kahit malakas ang ulan ay tiningnan ko pa rin. Tama nga, ang patibong ko, nagamit.

Pinagbababaril ko ang mga halimaw hanggang sa maubos sila.

Sa putikan ay nakakita ako ng nga yapak. Alam kong siya ang nahulog sa patibong ko. Sino kaya ito?

Kung nakatakas ka man sa patibong ko, hinding-hindi ka naman makakatakas sa akin...

***

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon