Chapter 21 - Corner

1.5K 55 6
                                    

Chapter 21

Zooey's PoV

"Oh my God!"

"No!!"

"Nako hinde!!!"

"Sinong may gawa niyan?!"

Lahat kami nagulat nang makita naming nasusunog na ang bahay natinutuluyan namin.

Sinong gumawa nito?

Agad na tumakbo si Christian papasok ng lumalagablab na bahay nang bigla siyang pigilan ni Margo.

"It's no use." sabi ni Margo at hinawakan ang balikat na Christian.

"Hinde. Nandoon sila! Si Dothy nandoon! Ang asawa ko! ALICIAAAA!" pagpupumiglas ni Christian pero pinigilan pa rin siya ni Margo. Napatingin ako kay Kyle na noo'y naka-clench ang fists at umiiyak.

Hinimas ko ang likod niya trying my best to comfort him.

"Si mama, si Dothy." nanginginig niyang sabi. Niyakap ko siya.

Iyak pa rin siya ng iyak. Napatingin naman ako kay Margo na naiyak na rin. Hindi ko na rin napigilang tumulo ang luha ko galing sa mga mata ko.

"GAAAHHHHHHH!!!!" naramdaman ko ang galit na nararamdaman ni Kyle noong siya ay sumigaw. Tuluy-tuloy ang pagtulo ng luha sa kanyang mata. Nararamdaman ko ang awa sa kanya. Lumuhod siyang bigla at sinuntok ang sahig nang malakas.

"Kyle." lumuhod din ako upang mapantayan ang height niya at pinigilan siya sa pagsuntok ngunit hindi kaya ng katawan ko na pigilan ang galit na galit na Kyle.

Niyakap ko siya.

"Hinde! Hinde!! Dothyyyy!! *sobs* Maaaa!! Hinde!!! Gaaahh!!! *sobs*"

Hindi namin inaakala ito. Ang bahay namin. Wala na. Sinong gumawa nito? Bakit hindi niya manlang iniisip ang kapakanan namin?

Makalipas ang ilang mga oras ay naririto pa rin kami sa labas ng nasunog na bahay. Iniintay ang pagtigil ng apoy.

Si Christian, hindi pa rin matanggap ang nangyari at ngayon ay nakayuko at naka-rest ang ulo sa mga kamay. Si Margo, sa sobrang iyak ay natulog na rin. Ganoon din si Kyle na kasalukuyang naka-rest ang ulo sa balikat ko. Ako naman ay gising at minamasdan ang bahay amin na nilamon ng apoy. Ganoon din si Trevor.

Naramdaman kong gunalaw si Kyle mula sa pagkakahiga. Napatingin ako sa kanya na noo'y kinukusot ang mga mata.

Wala along masabi. Natatahimik lang ako. Sa ngayon ay parang ayokong magsalita bungad ng nangyari kanina.

Biglang tumayo si Kyle without saying a single word. Napatayo din ako upang sundan siya. Katabi ko siyang naglalakad papuntang bahay.

Sinalubong kami ng isang sunog at sirang kahoy na pinto ng bahay namin. Pumasok kami sa loob. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Ang pader, nangitim na dulot ng apoy. Ang sofa namin, sira na rin.

Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong umakyat sa aming kwarto dahil nasira na rin ang hagdan papuntang itaas.

Nakarinig ako ng mahinang pag-iyak sa loob ng bahay. Paglingon ko ang nakita ko si Kyle na may hawak. Nilapitan ko siya. Napansin ko na lang na hawak niya ang isang manika. Manika ni Dorothy.

Niyakap ko si Kyle upang kahit papaano ay maibsan ang nararamdaman niyang lungkot.

Lumabas kami ng bahay. Sa tingin ko ay hindi ko na kayang pumasok pa doon dahil feeling ko, nasisira ang mga masasayang alaala noong naroroon pa kami sa bahay na iyon.

Nalulungkot din ako dahil hindi na namin naabutan sina Dorothy, Alicia, Sophie at Ethan sa loob ng bahay.

Paglabas namin ni Kyle ay naroroon pa rin ang mga kasamahan namin. Nakatulala sila doon at walang ginagawa.

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon