Chapter 28
Zooey's PoV
"Guys? Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" dahan-dahan kong sabi habang tinititigan yung nagalaw doon sa lupa.
"May gumagalaw dun!" sabi ko sabay turo sa may nagalaw.
Hinugot ko ang dagger ko mula sa knife holster ko na naka-attach sa waist ko.
Dahan-dahan kaming tumayo at nilapitan yung nagalaw dun sa lupa. Nagulat na lang kami nang biglang may lumabas na kamay doon. Medyo napaatras kami. Maya-maya pa ay biglang may bumangon mula sa lupa. Guess what? Si Madison. But she's not the Madison anymore. She's now a walker.
Agad na nakabango ang walker na Madison at agad na naglakad papunta sa direksyon namin.
I ran and quickky stabbed her in her forehead.
"Kapag namatay ka, maaari kang maging walker." sabi ni Trevor.
Ano kayang eksplanasyon doon? Nagiging walker ang isang taong patay na kahit hindi naman nakakagat/na-s-scratch/na-iinfect manlang?
Ibinalik naming muli ang bangkay na Madison sa ilalim ng lupa. Kahit naging walker na siya, ginagalang pa rin namin siya. Inilibing siya ng maayos ng ate niya kaya ibabalik din namin kung ano at saan ang pwesto niya kanina.
"You can sleep with me tonight!" sabi sa akin ni Rin.
"May extra pa namang higaan sa room ko eh!" dagdag pa niya.
Tumango ako kaagad at saka pumasok na kami sa loob ng bahay.
Matapos ang gabing iyon ay pumasok na kami sa kanya-kanya naming kwarto.
Magkasama kami ni Rin sa kwarto niya. Pinagtabi namin ang dalawang kama para magkatabi kami. Nag-usap kami tungkol sa kung anu-anong mga bagay.
"So, ilang taon ka na?" minsang tanong ko sa kanya habang nakahiga kami sa kama.
"17. Ikaw? Wait, let me guess. 16?"
"Nailed it!" sabi ko at nagtawanan kami.
"Nagka-boyfriend ka na?" tanong ko.
"Nah." she rolled her eyes.
"Ayoko pang mag-boyfriend." dagdag pa nito.
Tumango-tango ako.
Kyle's PoV
Nakaupo kaming dalawa ni Trev sa sahig at nakasandal sa gilid ng higaan namin.
Magkumpare na kami ni Trev dati pa. Close kami. Minsan nga lang siya magsalita pero makakausap mo naman. Hindi rin siya masungit. Nakikiramdam lang siya kaya siya tahimik. Pero para sabihin ko sa inyo, hindi sya suplado.
"Kamusta love life naten?" biglang tanong ko kay Trev.
"Huh?"
"What a dumb question." natatawa niyang sabi.
"Bakit naman? Porke't nakipag-break sayo si Sam, bigla kang nag-emo-emo dyan."
Oo. Noong nakipag-break sa kanya ang gf niya ay parang nagbago siya. Mahal na mahal niya talaga si Sam. Pero nakipag-break sa kanya ito dahil ayaw na daw ni Sam sa kanya. Wala namang nagawang masama si Trev sa kanya pero bigla na lamang siyang iniwan nito. Ang labo 'no?
"Ang sakit kaya. Imaginin mo iniwanan ka ni Zooey. Anong mararamdaman mo?" naaasar niyang sabi.
"Malulungkot, pero hindi ako mag-eemo gaya mo."
"Weh?"
"Hayy, oo na!"
Natawa naman siya.
Napaka-matured talaga nito ni Trev kumpara sa akin na may pagka-makulit. Parang kuya ko na rin siya Kahit mas matanda ako sa kanya, feeling ko mas matanda siya sa akin.
••
Nakapag-update na ren. Haha! Pasukan na..
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
AksiSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...