Chapter 33: We don't understand

1K 32 1
                                    

Chapter 33

Kyle's PoV

"NOOO!" sigaw ko nang naramdaman kong dahan-dahang natumba si Zooey sa likod ko.

Kinuha ko kaagad siya at binitbit.

Binaril ko ang mga walkers na nasa harapan ko. Nang makita kong may free na akong daraanan ay bigla akong tumakbo at pumasok sa loob ng kuta namin.

Christian's PoV

Maya-maya ay naubos na rin namin ang mga walkers. Napuno ng dugo ang mga katawan namin. Hingal na hingal din ang bawat isa.

Nang maubos namin sila ay pinaghihila na ng mga iba ang mga walkers palabas ng kuta namin sa pangunguna ni Tyler. Ayaw din naman naming mamaho ang kuta namin dahil sa napakadaming walkers na napatay namin kaya tumulong na rin ako.

"Zoe? Kyle?" narinig kong nagsalita si Margo mula sa tabi ko.

"DAAAAAADDD! DAAAAAADD!" narinig ko ang mangiyak-ngiyak na boses ni Kyle.

Agad-agad kaming pumasok sa loob at natagpuan namin si Zooey na nakahiga sa lap ni Kyle at si Kyle naman ay naiyak.

Kyle's PoV

"Zooey, gising! Lumaban ka!" sabi ko.

"Excuse me."

Lumapit si Bob sa amin. May kinuha siya sa bag niya na kung ano at nagsimulang lumapit kay Zooey.

"Anong gagawin mo sa kanya?" sabi ko kay Bob na lumalapit sa sugat ni Zooey sa arm niya.

"Susubukan kong alisin ang lason sa katawan niya."

At ginawa na nga niya ang dapat niyang gawin. Sana ay umepekto ang gagawin niya kundi baka maging walker si Zooey. At hindi ko kakayanin kapag nangyari iyon! Zooey's everything to me! A part of me will die if she turned. Natatakot akong mangyari iyon.

Naramdaman kong may humihimas ng likod ko at natagpuan ko si dad na nakatingin sa akin. Gaya ko, nakikita ko rin sa mga mata niya ang takot. Alam kong isang malaking kawalan kapag nawala si Zooey sa grupo namin. Ano na ang mangyayari sa akin 'pag nagkataon?

Dinala na namin si Zooey sa kwarto niya. Pinuntahan ko siya at binantayan.

Christian's PoV

3 Days Later

Tatlong araw na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin nagigising si Zooey. Sabi ni Bob, hindi daw siya sigurado kung kailan magigising si Zooey. Pero naginhawaan naman kami nang makumpirma niyang nawala na ang lason sa katawan ni Zooey. Laging nag-s-stay si Kyle sa kwarto niya. Binabantayan niya ito palagi. Hindi niya na rin kami kinakausap. Hindi rin siya sumasabay sa amin sa pagkain. Masyado lang siguro siyang naging affected sa nangyari kay Zooey. Hindi pa yata siya nakakarecover at sa tingin ko, hindi niya kami kakausapin kapag hindi pa nagising si Zooey.

Tuwing napapadaan ako sa kwarto ni Zooey ay laging naroon si Kyle at hinihawakan ang kamay ni Zooey, hinihintay ang muling paggising nito.

Isang araw.

Naalarma ako nang may narinig akong kung anong ingay na nanggagaling sa salas.

Napagpuan ko si Kyle na naghahahagis ng kung anu-ano habang naiyak.

"Kyle!" sigaw ko habang pinipigilan siya sa ginagawa niya. Nagsilabasan na rin ang iba naming kasamahan at nakita kong nagulat din sila.

Hindi mapigilan si Kyle. Patuloy siyang nagpupumiglas at naghahahagis ng mga gamit na mahawakan niya. Pinigilan naming tatlo nina Tyler at Bob ang hindi matigil na si Kyle.

"Bitawan niyo ko!" sigaw niya.

"What's wrong, Kyle?" sabi ko trying to calm him down.

"Get off!" sigaw niya. Halata sa kanya na parang galit siya. Namumula ang mukha niya, pawis na pawis at patuloy ang agos ng luha mula sa kanyang mga mata. Parang konting pagkakataon nalang ay magbu-burst out na siya.

"AHHHHH! ANONG NAGAWA KO!? SAAN AKO NAGKULANG?!" nagulat kami sa mga sinabi niya.

Agad kong napansin si Rin na nagpunta sa kwarto ni Zooey. Makalipas ang ilan segundo ay lumabas naman ulit siya.

"Anong problema? Humihinga pa naman si Zooey ah?" bulong ni Rin sa amin matapos i-check si Zooey sa kwarto.

Anong problema?

"I DON'T GET IT! I DON'T GET IT!" sigaw ni Kyle habang naiyak. Pinapakalma pa rin namin siya pero hindi talaga siya matigil. Kung sasabihin nya sa amin ang problema, maiintindihan namin sya. Pero hindi eh, pilit siyang sumisigaw at para bang wala kami dito dahil parang hindi niya nararamdaman ang aming presensya.

Sa sobrang galit niya ay sinimulan niyang isipa ang paa niya kaya naman nasipa niya kami. Habang sumisipa siya ay kumakawala siya sa amin.

"Get off!" sigaw niya kaya nabitawan na namin siya.

Tumakbo siya palabas.

"Kyle-" susundan ko pa sana si Kyle pero pinigilan na ako ni Margo.

Anong nangyari? Bakit bigla na lang siyang nagalit at nagwala?

••

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon