Chapter 60: Do as I Say

794 20 4
                                    

Margo's PoV

Binilisan ko na ang aking kilos dahil umuulan. Mangilang beses rin akong muntik madulas dahil sa mga putik dulot ng ulan pero hindi ko pinansin ang mga iyon. Kahit hingal na hingal na ako ay pinipilit ko pa rin na tumakbo. Kailangan ko nang magmadali at maipalam kila Tyler na nanganganib na ang buhay ni Dorothy!

Isang liko ko nalang ay malapit na ako sa military base namin. Konting-konti nalang!

Kalaunan ay narating ko na rin ang bakod-bakod naming military base. Nakita kong nakalock ang pinaka-gate kaya naman walang alinlangan kong inakyat ang harang. Wala ring ano-anong tinalon ko na rin ito upang mabilis.

Tumakbo ako papasok sa base.

"Tyler?" paghahanap ko.

"Dorothy? Nasaan kayo?"

Hingal na hingal kong hinanap sila sa loob ng base. Unang nagpakita sa akin si Tyler.

"Margo? Margo!" sigaw niya saka lumapit sa akin at niyakap ako.

"Si Dorothy nasaan?" pagtatanong ko.

"Tita Margo?" Napalingon ako sa gilid at nakita ko si Dorothy kasama si Sophie.

"Dorothy. Oh!" nilapitan ko siya at agad na niyakap nang mahigpit.

Itinuon kong muliang atensyon ko kay Tyler at pabulong na nagsalita..

"Tyler. Nakita na namin kung sino anh bumabaril... At... Hinahanap niya si Dorothy..."

"Ano?! Bakit? Nasaan na sila?" nagaalalang tanong ni Tyler.

Itinuon ko ang atensyon ko sa dalawang bata.

"Dorothy... Pumasok muna kayo sa kwarto. Lock the door. Don't let anyone come except us, okay?" sabi ko.

"Tita, bakit po?" pagtatanong ng bata.

"Basta... Just... Just do as I say..." sabi ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang nangyayari ngayon dahil bata pa siya para malaman ang ganitong mga problema. Tumango na lamang si Dorothy at pumasok na silang dalawa ni Sophie sa kwarto doon sa taas.

Kinausap kong muli si Tyler.

"Mahabang kwento, Tyler pero... Nabihag sila Christian. Ako lang ang nakatakas. At ngayon, huhuntingin ng mga killers si Dorothy." nagaalala kong sabi.

"Teka, bakit nila hinahanap si Dorothy?"

"Mahabang kwento talaga. Kailangan nating maitago si Dorothy as soon as possible!" natataranta ko nang sabi. Pinagkatiwalaan ako ni ate Alicia dito. Hindi ko siya bibiguin.

"So anong gagawin natin?"

"Malamang itatago si Dorothy!" napahawak ako sa ulo ko. Tinapik ni Tyler ang likod ko sabay sabing...

"Alam ko. Pero paano?"

Hindi ko rin alam ang gagawin...

"Let's pretend that she's dead." napalingon kami sa nagsalita at nakita ko si Violet na may aurang masungit. Kailan man ay hindi gumaan ang loob ka sa babaeng ito. Paanong napatulan ni Kyle 'to?

"Are you serious?" pabalik kong tanong.

"Yes. Tutal she's a bitch naman." kaswal niyang sabi.

I clenched my fist. How can she say bad things sa isang bata?

"Or kung gusto mo, patayin na natin siyang tunay." natatawang dagdag niya. Aba sumosobra na 'to ah.

"Pakyu ka, magiingat ka sa sa mga sinasabi mo..." pagbabanta ko. Natawa naman siya lalo.

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon