Chapter 12
Zooey's PoV
Matapos magpunta ni Ethan sa kwarto niya ay naiwan na lang ako dito. Kumain na lang ang ng nachos.
Maya-maya...
"Hi Zoe." napalingon ako at nakita ko sa bandang kusina si Alicia. Naghuhugas siya ng plato.
"Hi." tugon ko.
"May problema ba?" tanong niya pero umiling lang ako.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at pinuntahan ang direksyon ni Alicia.
Tinanong ko siya. "May problema po ba kay Kyle?" ewan ko kung ano ang pumasok sa isipan ko at naitanong ko ang mga iyon. Dala na siguro ng curiosity ko. Para kasing bad trip siya eh.
Napatingin si Alicia sa bintana kung saan, natanaw niya si Kyle na sumasaksak pa rin ng zombies hanggang ngayon.
"Relationship problems." sagot niya habang nakatingin pa rin kay Kyle. Nag-away ba sila ni Lucy? Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin ni Alicia. Parang ang awkward kasing mag-open ng topic eh.
"Kamusta kayo ni Ethan?" nagulat na lang ako ng magtanong si Alicia sa akin. Tiningnan ko siya at nakita ko sa mukha niya ang curiosity na may halong pang-aasar sa mga mata niya.
Napayuko ako dahil ramdam kong namumula ako. "Wala." sabi ko habang nakayuko pa rin.
"Amininnnn!" inasar ulit ako ni Alicia.
"Ehhh, konti lang." sabi ko. Sana na-gets niya yung sinabi kong konti lang dahil ang ibig sabihin non ay may gusto ako kay Ethan. Pero kaunti lang.
"Kitams!! Hahahaha!" tumawa siya nang tumawa noong napaamin niya ako.
"Ano Alicia? Nababaliw ka na naman! Uminom ka na nga ng gamot mo!" isang pamilyar na boses ang narinig ko. Nakita ko si Margo na lumalapit sa amin.
"Tse! Margo tigil-tigilan mo nga ako! Hindi ako baliw! Hahaha!" sabi ni Alicia.
"What's so funny Mrs. Greene?" sabi ni Margo na seryoso na ang mukha.
"S-si Zooey, may gusto sa bagong bata!" sabi ni Alicia na medyo natatawa pa.
"You mean-- That Ethan boy?" sabi ni Margo habang nakaturo pa sa kwarto ni Ethan.
"Oo!" -Alicia
"Uiii-- Konti la--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.
"Pfffft---Hahahahaha!!" nagtawanan silang dalawa.
"O yea. Tawanan niyo lang ako." parang loko-loko itong magkapatid na ito. Feeling ko tuloy mga kabarkada ko lang sila.
Maglalakad na sana ako palayo sa dalawang babaeng ito nang tawagin ako ni Alicia.
"O siya! Zoe! Ibigay mo na lang ito sa Ethan MO!" Ay talagang pinagdiinan pa yung word na 'MO'. Lumapit na lang ako kay Alicia upang kuhain yung susi ng kwarto ni Ethan.
"Very funny, Mrs. Greene. -_-" sabi ko.
"Yea! It's funny, Mrs. Mendler!" pabalik na asar sa akin ni Alicia. Tapos tumawa ulit sila ng tumawa. Tawagin ba naman ako sa apelido ni Ethan? Medyo nakakainis, pero aaminin ko, kinilig ako.
Umakyat na lang ako sa itaas para hindi ko na gaanong marinig yung tawanan nung dalawa.
Pagdaan ko sa kwarto ni Ethan ay naka-bukas yung pintuan niya nang kaunti. Kinatok ko ang pinto.
"Ethan?" sabi ko.
"Come in." narinig ko ang boses niya mula sa loob ng kwarto.
Pagpasok ko. Bumulaga sa akin ang isang topless na Ethan. God he's so hot! (stop it, Zoe!)
Agad na umakyat ang init sa mukha ko .Pakiramdam ko, namumula ako.
"Why?" sabi niya habang pinapatong ang towel niya sa balikat niya.
"Ahh-susi mo, p-pinabibigay ni Alicia." lumapit siya sa akin at inilalahad ang kanyang kamay upang kuhain ang susi.
"Hahahahaha!!" narinig ko ang mga tawa at hakbang nila Dorothy at Sophie. Napatakbo sila sa direksyon ko at aksidenteng naitulak ako ni Dorothy dahilan para ma-out of balance ako at matumba.
Natumba ako pero hindi sahig ang sumalo sa akin. Kundi ang matipunong katawan ni Ethan Mendler. Nagkatitigan kami. Ramdam ko ang awkwardness at kahihiyan na namamagitan sa aming dalawa ni Ethan. Pero parang hindi ko ito alintana dahil masyado akong naka-focus kay Ethan ngayon. Nakalapat pa rin ang katawan namin sa isa't-isa na para bang ayaw na naming mag-hiwalay.
Natauhan na lang ako nang may bigla akong narinig na yabag. Pagkalingon ko ay nakita ko si Kyle na masamang nakatitig sa amin ni Ethan. Napansin ko, magkayakap pala kami. Bigla na lang umalis si Kyle. Mabilis siyang naglakad na para bang ayaw niyang masundan siya. May problema nga siguro sila ni Lucy.
Napabaling muli ang atensyon ko kay Ethan na noo'y nakatingin sa akin.
"Ah. Susi mo, ito na." sabi ko sabay bigay ng susi. "A-Alis na ko." sabi ko sabay lakad palayo sa kwarto niya.
"Salamat!" narinig kong sigaw niya..
Patuloy na lang ako sa paglalakad.
••
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
ActionSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...