Chapter 17: Hope

1.9K 73 18
                                    

Chapter 17

Kyle's PoV

Nako umuulan. Sana naman ay huwag itong lumakas. Ang tagal dumating nila Dad. Where on earth are they? Nilalamig na kami ni Zooey dito!

Dahan-dahan akong tumayo at hinawakan ang lupang pader. Kailangan kong umakyat. Susubukan ko.

Hinawakan ko ang lupa at dahan-dahang umakyat.

"Huwag mong pahirapan ang sarili mo, Kyle." nagsalita si Zooey.

"Kailangan." sabi ko.

"Pero dadating naman sila Margo diba? Ililigtas nila tayo." sabi niya.

"What if not?" sabi ko at natahimik naman siya. Sinubukan kong umakyat. Mahirap man ay kinaya ko pa rin.

"Huwag mo akong iwanan dito!" sigaw niya. Nandito na ako sa itaas at puro sugat na ang mga tuhod at kamay ko dahil kakaakyat.

Napansin kong lumalakas na ang ulan at hanggang tuhod na agad ni Zooey ang baha.

"Umaakyat na ang tubig, Kyle." nakatingalang sabi niya sa akin.

"Huwag kang mag-alala, iaakyat kita dito!" sabi ko sa kanya.

"Hold on!" sabi ko.

"Pangako, babalikan kita, babe!" sigaw ko.

"I love you!" sabi ko.

"I love you too!"

Hinanda ko ang baril ko at naglakad palayo. Hinding-hindi ko iiwanan si Zooey doon. Maghahanap ako ng lubid na pwede kong gamitin upang makaakyat si Zooey bago siya abutan ng baha doon sa butas.

Habang natakbo ako ay nakakita ako ng dalawang walker. Sinipa ko kaagad sila at tinapakan ang ulo. Iniwanan ko na siya at tumakbo na ulit. Palakas na ng palakas ang ulan.

Huminto ako at kinuha ang flashlight ko. Inilawan ko ang madadaanan ko. Kailangan ko ng lubid.

Habang naghahanap ako ng lubid ay nakarinig ako ng mga yabag.

Nakakita ako ng maraming zombies. Tinadyakan ko ang iba ngunit hindi sila nauubos. Nako! Kinuha ko ang pistol ko at pinagbababaril sila. Hindi pa rin sila nauubos. Corner na ako.

Hanggang sa nakarinig ako ng gun shots. Isa-isang natumba ang mga zombies na pumalibot sa akin.

Lumingon-lingon ako. Sino ang bumaril sa mga walkers?

Maya-maya pa ay naramdaman kong may lumapit sa akin at sinunggaban ako sa likod. Nakaramdam ako ng malamig na metal sa leeg ko na parang kutsilyo.

Kinutuban ako kaya naman siniko ko ang tiyan ng taong nasa likuran ko dahilan para makawala ako sa kanya. Paglingon ko sa kanya ay bigla niya akong sinunggaban at napahiga ako sa sahig. Tinutok niya sa akin ang kutsilyo niya. Hindi ko maaninag ang mukha niya pero alam ko lalaki siya dahil sa hugis ng katawan niya.

"What the fuck is your problem?!" sigaw ko sa kanya habang pinipigilan siya sa paglapit ng kutsilyo niya sa akin.

"Sino ka?!" hindi ko na inantay ang sagot niya. Agad akong kumawala sa kanya. Pinalad akong makatayo. Hinugot ko ang pistol ko at binaril sa kanya.

"Ahh!" napasigaw ako sa sakit nang bigla niyang mahiwa ng kutsilyo ang braso ko. Nahawakan ko ang braso ko at natumba ako sa sahig, iniintay ang sunod niyang pag-atake. Ngunit nakahiga na lang siya sa sahig at wala nang malay. Naiputok ko ang baril. Napatay ko siya! Nasugatan nga lang ako.

SI ZOOEY!

Nag-sink in agad sa utak ko si Zooey! Wala pa rin akong nakikitang lubid!

Nakaisip ako ng ideya at kinuha ang bag nung lalaking pinatay ko kanina. Hinalungkat ko ito at nakakuha ako ng lubid. Salamat naman!

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon