Chapter 1: Alpha

6.7K 171 34
                                    

ZOEY

"Kasalukuyan na pong alas diyes ng gabi. Ang lahat ay pinakikiusapang magstay na lamang sa kanilang mga bahay. Ang curfew ang magsisimula na..."

Pagkatapos kong makinig ng radyo ay tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagpunta sa kwarto ko.

Kinuha ko ang bag ko sa cabinet at naghanda ng mga materyales para sa apocalypse.

De latang pagkain, damit, flashlight, malinis na tubig, kutsilyo,first aid kit, posporo.

Tinitigan ko ang cellphone ko. Kahit na sa tingin ko ay wala na itong saysay ay inilagay ko pa rin ito sa bag ko.

Kailangan ko nang maging handa. May hahanapin pa ako. Hahanapin ko pa ang kapatid ko.

Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko.

10:06 na. Matutulog na ako.

Isinandal ko ang bag ko sa pader at humiga na ako sa kama ko.

***

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko. Sumilip ako sa bintana at nag-umpisa nang dumampi ang sinag ng araw sa mukha ko. Tumingin ako sa wall clock ko. 7:37 A.M. Tumayo ako at nag-umpisa nang pumunta sa banyo. Naligo na ako at nag-ayos ng sarili.

Naghahanda na ako sa pag-alis ko sinuot ang combat boots ko, ibinulsa ang pistol ko at hinanda ang kutsilyo ko. Ngayon ay lalabas akong muli upang humanap ng makakain.

Oo, ako na lang mag-isa. Wala na ako mga magulang ko. Naging halimaw na silang lahat. Halimaw ang tawag ko sa kanila dahil kumakain sila ng mga laman loob ng tao. Hindi sila tao kung umakto, nasisira na rin ang mga katawan nila. Para sa akin isa silang halimaw. Ngunit hindi ako nawawalan ng pag-asa. Dahil alam kong may natitira pa sa akin. May mga kamag-anak pa akong hindi nahahanap. Hahanapin ko pa ang kapatid ko.

Ako si Zoey at ito ang buhay ko. Lalabas tuwing umaga at maghahanap pagkain at hahanapin ang kapatid at uuwi sa gabi nang hindi nawawalan ng pag-asa.

Nag-lalakad na ako ngayon sa isang high way. Nakakalat ang mga sasakyan. Halos wala nang madaanan. Umaasa pa rin ako na makakahanap ako ng pag-asa.

Nakakita ako ng tatlong halimaw na kumakain ng laman loob ng tao. Agad ko silang nilapitan at sinaksak sa ulo. Normal na sa akin ang ganito. Halos mag-dadalawang linggo na akong patay ng patay ng mga halimaw. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon nito. Basta pagkagising ko ay kami na lang ng kapatid ko ang magkasama. Ngunit makalipas ang ilang araw ay nawalay siya sa akin. Ngayon, umaasa ako na buhay pa siya. At hahanapin ko siya.

Pumunta ako ng grocery upang kumuha ng mga de-latang pagkain. Dumampot ako ng isang pack ng biscuit at inilagay iyon sa bag ko. Naghanap na rin ako ng malinis na tubig at mga baril kung saan-saan.

Umupo ako sa isang malaking bato upang magpahinga. Binuksan ko ang isang lata ng mushrooms gamit ang kutsilyo ko at kinain ito.

Maya-maya pa'y bigla akong nakarinig ng kaluskos. Inilapag ko ang latang hawak ko at hinanda ang kutsilyo ko.

Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang mga kaluskos na naririnig ko. Hanggang sa may nakita akong isang halimaw.
Ngunit nagulat ako sa nakita ko.Hindi lang siya ordinaryong halimaw.

Siya ang kapatid ko.

Nagulat ako at di naglaon ay napaiyak na rin ako. Hindi ko akalain na dadating sa puntong magiging halimaw ang kapatid ko. Hindi ito ang bilin ko sa kanya. Bilin ko sa kanya na kahit wala ako sa tabi niya, dapat ay protektahan niya pa rin ang sarili niya. Pero sino ba naman ang dapat sisihin? Diba ako rin naman? Kasalanan ko 'to! Kung hindi ko lang sana siya pinabayaan, kung hindi lang sana nawala ang paningin ko sa kanya, kung hindi ko lang sana hinayaang mapalayo siya sa akin, hindi sana siya darating sa puntong ito. Ito pagkakataon na iniiwasan talaga naming dalawa. Ang maging halimaw ang isa sa amin. Sana ako na lang! Wala ring saysay kung masisira ang pangako naming dalawa sa isa't-isa! Patuloy na tumutulo ang luha ko habang papalapit ang buhay na patay kong kapatid.

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon