Chapter 23
Zooey's PoV
Naramdaman ko ang impact ng pagsandal ng likod ko sa matigas na pader.
Naaninag ko ang kung sinong humila sa akin at nakilala ko ito.
Si Rin.
"Bakit mo k--" tinakpan niya ang bibig ko.
"San mo ko dadalhin?" sabi ko habang hinihila niya ako pababa ng hagdan.
"Upo ka." nakarating kami sa kusina. Pinaupo niya naman ako sa upuan ng dining table.
"Bakit mo ako hinila?" sabi ko.
"Huwag kang lalapit sa kwartong iyon." sabi niya.
"Why not?"
"Kwarto iyon ng dalawang malditang magkapatid. Ayaw nila sa babae lalo na kung mas maganda ito sa kanila, kaya lumayo ka." huh? Maganda ako?
"Ayaw nilang nalalamangan sila." sabi niya. Tumayo siya at may kinuha sa hanging cabinet ng kusina. Kumuha siya ng isang box ng cereal.
"Bantayan mo ang lalaki mo." sabi niya sabay kain ng cereals.
"Ha?"
"Baka mamaya syota na ni Violet yan." nagulat ako sa sinabi niya.
"Alam ko naman na hindi magpapaapekto si Kyle sa kanila." sabi ko.
"Kung ano ang gusto nila, makukuha nila. Kaya ka nilang patumbahin makuha lang ang Kyle mo." seryoso niyang sabi. Grabe naman sila.
Habang kumakain kami ng cereals ay lumabas yung magkapatid na babae sa kwarto nila.
"Parating na sila, manahimik ka lang." sabi niya.
Lumapit si Madison kay Rin at kinuha ang cereal nito.
"Ow, the morons. Finally, Rin, may kasama ka na rin." mataray na sabi ni Madison.
"Maddy stop it. Don't talk to them, kadiri sila." sabi ni Violet at umalis na silang dalawa.
"Ganyan sila kasama." bulong ni Rin sakin.
Kyle's PoV
Lumabas si Trevor ng kwarto at ako na lang ang naiwan dito sa kwarto.
Nagpunta ako ng banyo upang mag-hilamos at mag-ayos ng sarili.
Paglabas ko ay nagulat ako sa nadatnan ko.
Si Violet habang nakaupo sa higaan ko.
"V-Violet?" nauutal kong sabi. Nagulat kasi ako nang may biglang babae sa kwarto namin.
"Bakit ka nan--" agad siyang tumakbo papunta sa direksyon ko. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at isinandal sa pader.
"Ahh, Viol--"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko as she starts kissing me torridly.
Agad kong nilayo ang sarili ko sa kanya.
"Why, Kyle? Didn't you like it?" malandi niyang sabi with lust in her eyes.
Umiling-iling ako habang nakayuko senyales na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. Bakit niya kailangang gawin iyon?
"Pwede umalis ka muna ng kwarto?" sabi habang nakayuko pa rin.
Tumakbo na lang siya palabas ng kwarto.
Zooey's PoV
Narito pa rin ako sa kusina at kasama si Rin. Kung titingnan mo siya, napakaganda niya. Halatang matapang siya at parang hindi nagpapaapekto sa kung anu-ano.
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
ActionSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...