3RD PERSON'S POV
Ang bawat isa ay nagkanya-kanyang handa para sa kanilang pagsalakay bukas. Gabi na noon at matapos nilang kumain ay nagpahinga na ang iba.
Tahimik na nakaupo si Zooey sa kanyang higaan. Iniisip ang mangyayari bukas. Paano kung marami silang makalaban bukas? Paano kung hindi siya makaligtas? 'Bahala na' Iyan na lamang ang nasabi niya sa kanyang isipan. Hindi rin siya makatulog dahil sa tantiya niya ay masyado pang maaga. Hindi naman siya masyadong pagod kaya wala siyang dahilan para bumagsak sa pagkatulog.
Napatanaw siya sa kanyang bintana. Tumayo siya at tuluyang dumungaw sa bintana. Nakita niya si Ethan na nasa labas at nakatambay sa ilalim ng puno.
Napangiti siya na lumabas ng kanyang kwarto at pinuntahan si Ethan. Gumagaan lagi ang loob niya kapag nakakasama niya ito. Dahil sa tingin niya, kahit na may problema ay handa itong puntahan at damayan siya. Isa rin si Ethan sa dahilan para makalimutan niya ang masamang nakaraan. Tinutulungan siya nito na kalimutan ang dating pagsasama nila ni Kyle. At isa pa, ano pa nga bang pag-asa niya kay Kyle gayong may nobya na ito at si Violet iyon, wala nang iba pa. Naiisip ni Zooey na sana ay hindi pa rin sila magkalimutan ni Kyle dahil kahit papaano ay mayroon pa rin naman silang pinagsamahan. Sana ay magkaibigan pa rin sila.
Bumaba siya at nadaanan niya si Rin at si Kyle na naguusap. Napahinto si Zooey at saglit na nagtama ang mga mata nila ni Kyle. Marahan niya itong nginitian at saka nagdiretso sa paglalakad. Hindi na niya nakita pa ang reaksyon ng dating nobyo sa ginawa niyang pag-ngiti.
Lumabas siya at tumakbo sa pinaroroonan ni Ethan. Tinabihan niya ito mula sa pagkakaupo. Isinandal ni Zooey ang kanyang ulo sa balikat ni Ethan at saka nagsalita.
"Kung ano man ang mangyayari sa atin bukas sa ating paglusob, sana ay makaligtas tayo." sabi niya.
"Makakaligtas tayo, Zooey." siguradong sabi nito.
***
Samantala..."So, kamusta na kayo ni pareng Trev?" tanong ni Kyle kay Rin habang nakasandal sa lababo.
"Anong ibig mong sabihin?" pabalik na tanong ni Rin habang binabanlawan ang plato dahil sa bula nito.
"Sus! Nililigawan ka ba ni Trev?" nakangising tanong ni Kyle habang tinataas-baba pa nito ang kilay nito.
"Hindi no!" deny ni Rin.
"Weh? Bakit namumula ka?" pang-aasar ni Kyle.
"Ulol!" sigaw ni rin sabay wisik ng tubig sa mukha ni Kyle.
"Hahaha! Sorry na! Bagay naman kayo eh!"
"Hindi kami bagay, tao kami." pamimilosopo ni Rin.
"Haha!"
"Tawa." Walang ganang sambit ni Rin.
Saglit na napasulyap si Kyle sa bintana kung saan naroroon sina Ethan at Zooey. Kinausap niyang muli si Rin.
"Talagang si Zooey at si Ethan ay laging magkasama, ano? Mukhang matalik talaga silang magkaibigan." sabi ni Kyle nang nakatingin sa bintana.
Saglit na napahinto si Rin sa paghuhugas ng plato. "Hindi mo pa alam?"
Napatingin si Kyle kay Rin nang may pagtataka sa mukha. "Hindi alam ang ano?" pabalik na tanong nito.
"Hindi lang sila basta "magkaibigan"." pambibitin ni Rin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"3 days ago, sinagot na ni Zooey si Ethan."
---
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
AkcjaSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...