Chapter 29
Kyle's PoV
After 1 month...
Monthsary na namin ni Zooey bukas. Nakakatuwa dahil tumagal kami ng 1 month.
Balak ko sanang yayain siya bukas ng gabi. Mag-de-date kami.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sina Zooey at Rin sa salas.
"Hi." bati ko sa kanilang dalawa. Nilapitan ko si Zooey at hinalikan ang pisngi niya.
Maya-maya ay may narinig kaming sumigaw mula sa labas. Si Trevor!
"Hoy! Rin pare! Halika dito! May ipapakita ako sayo! Haha! Dali!" Sigaw na Trevor. Napatingin kami kay Rin na noo'y nakatanaw sa labas.
"Pano guys, iwanan ko muna kayo." sabi ni Rin at lumabas na.
Kami na lang ni Zooey ang naririto. Inakbayan ko siya at tumingin naman siya sa akin.
"Finally, Trevor's moving on." mahina ko sabi.
"What?" nagtatakang tanong ni Zooey pero umiling lang ako. Hindi yon ang dapat naming pag-usapan kundi ang date namin ni Zooey bukas ng gabi.
"Bukas na ang monthsary natin." sabi ko.
"Yes. I know."
"Shall we go out?"
Nginitian niya ako in sign of "yes."
Zooey's PoV
Tomorrow is the day! Of course I will never forget that! Our first monthsary.
Sabi sa akin ni Kyle na maghanda na daw ako bukas dahil we are having a nice date.
Matapos naming mag-usap ni Kyle ay dumiretso na ako sa kwarto namin ni Rin. Dito na ako natutulog lagi mula noong naging close kami ni Rin.
Napahiga ako sa kama ko.
My first date is going to happen...Tomorrow.
Pumasok si Rin sa kwarto ko ng tawa nang tawa.
"What the heck?" sabi ko dahil parang mamamatay na sa kakatawa 'tong si Rin.
"Anong nangyari?" sabi ko. Ako nakatingin lang pero siya tawa lang ng tawa. Ano bang mayroon?
"W-wala haha! Wala."
"Tsss." napailing na lang ako.
"Kalokohan kasi ni Trevor eh." sabi niya at tumabi sa akin.
Magsasalita na sana ako nang bigla ulit siyang nagsalita.
"Anong pinag-usapan niyo ni, Kyle huh?" sabi niya habang nakapatong ang braso sa pinagpatong-patong niyang unan.
"Niyaya niya ako sa isang date." sabi ko, nagpipigil ng kilig.
"Woah!" nagulat siya.
"First time ko." bulong ko.
"Easy! 'Wag mong madaliin! Date lang yan pero gagawin niyo na ag--" tinakpan ko ang bibig niya. Alam ko kasi ang ibig niyang sabihin.
"Hindi yun, Rin! I mean, first time ko makipag-date." sabi ko removing my hand from her mouth.
"Pffftt---tahaha!"
"What's so funneh?" poker face kong sabi.
"Nothin'. Kailangan natin si Margo dito." sabi niya.
"Good idea!" sumang-ayon naman ako.
Bumaba kami at pinuntahan ang kwarto ni Margo. Natagpuan namin siya doon na nagtitiklop ng mga damit.
"Margo!" sigaw ko.
"Whhhyy?" nakangiti niyang tanong habang pinapahaba ang word na 'why'...
"She's having a date with his prince." sabi ni Rin na nakasandal sa pinto.
"Kailan?" tanong ni Margo na noo'y napapatayo na dahil sa excitement.
"Tomorrow in the evening!" masigla kong sabi.
"I'm gonna handle this!" sabi ni Margo nang may ngiti abot hanggang tenga.
Kinabukasan...
6:00 p.m
Mayroon na lang akong isang oras para mag-handa. Pumunta ako sa cabinet at tiningnan ang mga damit. Kumuha ako ng mga dress doon. Dalawa ang nagustuhan ko, pero alin dito ang pipiliin ko? Itong kulay light pink, or itong kulay black na dress?
Pinakita ko kila Rin at Margo ang mga damit. Pinapili ko sila kung alin ang mas babagay sa akin ngayong gabi. At pinili nila yung kulay light pink.
Sinuot ko ito. Kinulot ko nga pala ang buhok ko kanina kaya ngayong gabi ay maganda na ito kapag tinanggal ko ang mga pampakulot.
Nagsuot na rin ako ng napakagandang flat shoes na ka-terno rin ng damit ko.
Rin painted my nails pink. Nagustuhan ko ito.
Minake-up-an din ako ni Margo pero light lang. Tumingin ako sa salamin. First time kong maging maganda gaya nito. Hindi ako makapaniwalang makakapag-make over pa ako ngayong ganito na ang mundo. Ang sarap sa pakiramdam.
"You look so beautiful." nakangiting sabi ni Margo, scanning me from head to toe.
I took a spin para makita nila ang kabuuan kong look.
"Woah!" manghang sabi ni Rin habang iniiscan din ako.
Kyle's PoV
"Black or red?" hawak ko ang dalawang bow ties at pinapakita kila dad at Trev. Sila ang naging katulong ko sa pag-aayos sa akin.
"Red." sabi ni dad.
Tinuro din ni Trev ang red bow tie.
"It looks more romantic." ngumiti si dad sa akin at inayos ang bow tie ko.
Pagtingin ko sa orasan ay 6:51 na. 7:00 ang date namin ni Zooey kaya kailangan mauna ako.
"Everything's alright?" tanong sa akin ni dad.
"Yes."
••
![](https://img.wattpad.com/cover/13144847-288-k157655.jpg)
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
ActionSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...