Chapter 68: What was that, again?

889 29 5
                                    

Zoe's PoV

Nasa kusina ako ngayon at nag-hihiwa ng kamatis. Gusto ko sanang mag-gisa ng kahit anong ulam para pagdating nila Christian, may makakain kami. Medyo nahihirapan na nga kami sa supply ng pagkain ngayon, kaunti na lamang ang pagkain namin. Pero gusto kong paghainan sila ng pagkain dahil sila ang naghuhunt para may makain kami.

Kinuha ko 'yung mga natirang palaka kanina. Natapos na rin namang kumain ang iba. Ito ang mga natira kaya naman pinutol ko ang mga kamay at paa nito, matapos iyon ay hinimay ko ito at tinanggalan ng mga laman loob. Ginamitan ko ng kutsilyo ang ibang mga parte upang madali itong matanggal.

Sa kalagitnaan ng paghiwa ko ay nagulat ako nang mahiwa ko ang sarili kong daliri. Agad na lumabas ang dugo mula sa nahiwa kong daliri! Aray ang sakit.

Balak ko sanang hugasan ang daliri ko pero parang sayang sa tubig dahil ito ang tubig na pinagiinuman namin.

Lumabas ako at inilublob ang kamay ko sa umaagos na ilog 'di kalayuan sa pinagtutuluyan namin. Matapos huminto ang dugo ay pinunasan ko na ang kamay ko at pumasok na muli sa loob upang ipagpatuloy ang aking ginagawa.

Pagdating ko sa kusina, nagulat ako nang may makita akong gamot, alcohol, mga bulak at band aids na nakapatong sa lababo. Teka, saan nanggaling ang mga 'yan?

Napalingon-lingon ako sa paligid. Wala namang tao. Sino kaya nagbigay nito?

"S-salamat ha.." sabi ko sa kawalan, umaasang narinig ito ng taong nagbigay sa akin ng mga gamot.

Binuhusan ko ng alcohol ang bulak at ipinahid ito sa sugat ko habang tinitiis ang hapdi. Nilagyan ko naman ng kaunting gamot ang maliit kong sugat matapos iyon. Sa pagtatapos ay binalutan ko ng band aid.

Ipinag-patuloy ko na ang nasimulan ko. Maingat ko nang hinimay ang palaka at pagkatapos niyon ay ginisa ko na rin ito kasama ang iba pang mga sangkap. Matapos nitong maluto ay nagpahinga na ako.

Umupo na ako sa sofa sa sala at nagbasa. Maya-maya pa ay narinig kong ang ingay ni Rin.

"Aray, Trev!" napalingon ako kung saan. Nasaan na 'yung babaitang 'yun? Kasama siguro si Trev.

"Ahh! Trev, dahan-dahan!" Sa ikalawang pagkakataon ay narinig kong muli ang boses ni Rin na animo'y nasasaktan. Okay, what was that, again?

"AHHH SHET!" sigaw niya ulit. Putek, ang ingay!

"Dinadahan-dahan ko naman ah?" sa ngayon ay boses naman ni Trev ang narinig ko. Okay, what the fuck?

Tumayo na ako upang hanapin 'yung dalawa. Nasaan na sila at anong ginagawa nila? Patuloy pa rin 'yung ingay na naririnig ko. Hanggang sa parang nalalaman ko na kung saan nanggagaling ang mga boses nila. Teka... Malapit sa banyo?!

Dahil sa kuryosidad ko ay sinundan ko pa rin ang mga boses nila. Hanggang sa makarating ako malapit sa banyo at nakita ko sila Rin at Trev na nasa sahig!

Nakadapa si Rin at nasa likod niya ang topless na si Trev! What the--

"What the heck, ano tohhh?!!" gulat kong sabi.

Bigla silang napatingin sa akin.

"Eh eto kasing si Rin, patanga-tanga. Nadulas, tumama ang likod sa sahig." sabi ni Trev habang minamasahe ang masakit na likod ni Rin. Nakita kong basa ng tubig 'yung sahig.

"Eh pano ba naman ikaw, magpatuyo ka muna sa banyo! Hindi 'yung kakatapos mo lang maligo, magtatapis ka na at lalabas na lang ng banyo!" galit na galit na sabi ni Rin. Ahh nadulas pala si Rin dahil basa pa si Trev nang lumabas ng banyo...

"Manahimik ka, ikaw na nga 'tong minamasahe ko..." naiinis na sabi ni Trev.

"Eh kasalanan mo naman--Aray! Sinabi nang dahan-dahan eh!" sigaw ni Rin. Napatawa naman si Trev.

"Kaya mo na bang tumayo, Rin?" sabi ko sa kanya habang natatawa din.

"I think so.." sabi niya at sinubukang tumayo. Inalalayan naman namin siya ni Trev.

"Ako nang bahala sa kanya, Trev. Magbihis ka na doon." sabi ko kay Trev. Nakakainis naman 'yan si Trev! Bakit kaya hindi na lang siya magbihis sa loob ng banyo? Hindi ko tuloy maiwasang mapasulyap sa abs niya. Ay shit, Zoe what the heck? Erase! Erase!

Tinulungan ko na si Rin tumayo. Maya-maya pa ay nakita kong nagsidatingan sila Tyler, Henry, at 'yung dalawang bata.

"Anong nangyari, bakit ang ingay dito sa baba? Bakit nagsisigawan kayo?" nag-aalalang tanong ni Tyler.

"Wala, nadulas lang ako." sabi ni Rin habang nakapoker face. Hindi ko tuloy maiwasang matawa.

"Bakit kailangang nagsisigawan?" sabi ulit ni Tyler.

"Eh si Trev kasi eh." sabi ko habang natatawa.

"Hay, kayo talaga." napailing na lamang si Tyler. "Akala ko kung ano na." dagdag pa niya.

Dumiretso na kami sa sala at inupo ko si Rin sa sofa. Nakita ko naman sila Tyler na pumuntang kusina.

"Sinong nagluto nito?" rinig kong sabi ni Tyler.

"Ako." masaya at proud kong sabi.

"Ang tabang!" sigaw niya. Agad naman akong napatakbo sa kusina.

"Hala, seryoso?" sabi ko habang kumukuha ng kutsara at naghahandang tikman ang niluto ko. Sumandok ako ng sabaw at hinigop iyon. Teka. Tama lang naman ang lasa ah?

"Tama lang naman ah?"sabi ko.

"Oo nga. Hahaha niloloko lang kita." sambit naman ni Tyler at humagalpak ng tawa.

"Tatawa na rin ba ako?" sarcastic ngunit pabiro kong sabi.

"Wag muna. Bukas nalang." sabi niya. Nagtawanan nalang kami.

Bumalik ako sa sala at nakita kong nandoon na sila Rin,Trevor, at 'yung dalawang bata.

"Sorry na kase..." pagmamakaawa ni Trev kay Rin. Hahahs ang cute nila.

Umupo ako sa tabi ni Rin. Maya-maya pa ay narinig kong nagsalita si Trev.

"Oh pare, nandyan ka pala. Halika umupo ka dito." nakita kong paparating si Kyle. Nahihiya itong lumapit sa sala. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko. Hindi ko siya tinitingnan ha at hindi ko rin alam kung tinitingnan niya ako pero nacoconcious ako. Ang haggard ko ata...

"Muliiing ibaliiiik ang tamiiiiis ng pag-ebeeeg!" narinig kong nagkakantahan sila Rin at Trev habang nakatingin sa amin ni Kyle. Okaaay? Anong kalokohan 'to? Hindi ko na lamang sila pinansin. Abg awkward nito. Sana matigil na silaaaa!

Maya-maya pa ay narinig kong tumunog ang gate namin. Napatingin ako sa bintana at natanaw ko sila Christian. Agad akong napatayo buhat ng excitement. Nakabalik na sila!

Binuksan namin ang pinto at winelcome back sila. Pero.. Bakit ganoon? Bakit tatlo na lang sila?

Ang excitement ko ay nawala na. Bakit ganoon?

Nakapasok na sila Chridtian, Alicia at Margo sa base.

"Bob? Violet?" sabi ko. Nakita ko namang napayuko aila at umiling. What?

"Wala na sila..." sabi ni Christian. Hala!

"What was that, again?" sabi naman ni Tyler.

"They didn't made it... Sinubukan namin.. Pero..." garalgal na boses na sambit ni Christian.

Napalingon ako kay Sophie. Nakikita kong paiyak na siya.

Agad naman namin siyang nilapitan at kinomfort. Nakakaawa na talaga ang batang ito... Nawalan siya ng kuya at ng lolo...

Habang pinapatahan nila si Sophie ay nilapitan ko si Tyler...

"I'm sorry for your loss..."sabi ko sa kanya referring to Violet. Tumango naman si Tyler nang malungkot.

Sunod kong natanaw ay si Henry na noo'y nasa lamesa ng kusina at umiiyak... Nilapitan ko naman siya at tinapik-tapik sa likod. I don't know why he's crying pero maybe because Violet has been really important to him.

***

I don't want to end this chapter nang malungkot pero... It is what it is. Alam kong malungkot ang huling bahagi ng chapter na ito pero hindi ko talaga maiwasang matawa sa eksena ng RiVor kanina. HAHA 😂😂😂

Last 2 chapters.

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon