Chapter 27: Past

1.3K 49 3
                                    

Chapter 27

Zooey's PoV

"Dinner's done, ako na magliligpit. Mas maigi nang matulog kayo ng maaga dahil we'll go hunting tomorrow." pag-a-announce ni Tyler at nag-sitayuan na kaming lahat.

"Goodnight everyone." iyon na ang huli niyang sinabi at umalis na kami.

"Ayoko pang matulog." sabi ko kila Kyle, Rin at Trevor. I think we're officially bff's.

"So do I! Hindi naman ganitong oras tulog ko lagi eh!" nakangiting sabi ni Rin.

"Well, kami rin!" sabi nila Trevor at Kyle na ikinatuwa naman namin.

Lumabas kami at tumambay sa harap ng tinutuluyan namin. Nakaupo kami sa grass.

"Pumapatay ka rin ba ng walkers?" tanong ko kay Rin. Hindi ko pa kasi siya nakikita na pumapatay ng walkers.

"Of course naman. I'm using my crossbow."

"Wow, astig! Crossbow, 'diba mabigat 'yun?" manghang sabi ni Trevor.

"Ahmm, slight. Pero 'pag nasanay ka na, hindi mo na rin mapapansin na mabigat."

"Can you teach me?" tanong ni Trevor.

"Ya, sure. Tomorrow." ngumiti naman si Trevor.

"Kayo, anong gamit niyong weapon?" tanong ni Rin.

"Gun." sagot ni Kyle.

"Ako rin, baril." sabi ko.

"Katana." tipid na sagot naman ni Trevor.

Namayani ang katahimikan sa aming apat na magkakaibigan. Parang wala na aming maisip gawin kundi titigan ang isa't-isa. Para sa akin, napaka-awkward ng ganitong sitwasyon. Maya-maya pa ay nagsalita na rin si Kyle.

"May nakapansin ba kung nasaan yung katawan ni Madison?" tanong ni Kyle na palinga-linga pa sa paligid.

"Kuya told me that Violet burried her na."

"Saan naman?"

"Right there." turo ni Rin sa isang lupa.

"Bakit parang hindi gaanong naapektuhan yung iba nating mga kasamahan? Si Brayden, Lucas at Henry ay parang hindi ko rin naman napansin na nag-react. Si Tyler naman bahagya lang din."

"Kasi hindi sila gaanong close kila Violet at Madison. Alam din nila na maldita yung magkapatid. Minsan nga lang nila pakisamahan eh." kaya pala.

"Grabe ka pala, Trevor?" sabi ko kay Trevor.

"Huh?" Trevor.

"Pinatay mo si Madison." sabat ni Kyle.

"Huwag na nga nating pag-usapan 'yun. Feeling ko killer ako kapag naaalala ko 'yun eh."

"Ako rin, feeling ko killer ako nung naglayas si Lucy at namatay." Kyle.

"Sinong Lucy?" nagtatakang tanong ni Rin. Hindi niya pa pala kilala si Lucy.

"Friend namin. At ex ko." sagot ni Kyle.

"Nagkaroon ka na pala ng gf bago si Zooey?" tanong ni Rin.

"Yeah. Una si Megan, sunod si Lucy then after naman non, si Zooey na."

"Megan? You didn't even tell me na nagka-gf ka bago si Lucy." sabi ko.

"Napag-isip-isip ko na rin kasing huwag na lang sabihin. Dahil alam ko namang hindi ka interesado." buti alam niya. Haha.

Masaya kaming nag-usap at nagtawanan. Hanggang sa mapansin namin na may kung anong gumagalaw sa ilalim ng lupa kung saan nakalibing si Madison.

••

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon