Chapter 14: Gone

2.1K 79 15
                                    

Chapter 14

Zooey's PoV

Kung hindi pala mahal ni Kyle si Lucy, bakit pa siya nagtanong sa akin kung pwede pwede ko siyang tulungang manligaw? Ughh! Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Basta ko na lang malalaman na nag-break sila ni Lucy

"Guys! HAHANAPIN NATIN SI LUCY." agad kong narinig ang sinabi ni Christian kaya naman naglakad na ako sa direksyon nila. Hinanda ang mga armas at bag ko at sinuot ang combat boots ko. May tiwala akong mahahanap namin si Lucy. Sana ligtas siya.

Nandito na kami sa labas. Si Christian nasa unahan. Kasunod niya si Margo at Kyle. Kasunod ay ako at si Ethan.

Naiwan sa bahay sina Alicia, Dorothy, Sophie at Trevor.

Malamig ang simoy ng hangin ngayon. Medyo natatakot din ako sa kalagayan ni Lucy. Nasaan na kaya siya?

Habang naglalakad kami ay napahinto kami sa isang kalsada. Doon ay nakakita kami ng tatlong walkers na kumakain ng mga laman. Sinaksak namin ang mga ito sa ulo.

Napabaling ang atensyon ko kay Christian na noo'y nakayuko. Parang naiyak. Napatingin naman ako kay Kyle. Napansin kong may pinulot siya. Parang naiiyak na rin siya. Tiningnan ko ang pinulot ni Kyle at nagulat ako sa nakita ko.

Isang kwintas na may nakasulat na 'LUCY'... Hindi kaya---kinain na ng zombie si Lucy? Hindi kaya--ang mga lamang loob na ito ay kay Lucy?

"Tahan na, Christian." sabi ni Margo habang hinihimas ang likod ni Christian.

"Wala na si Lucy!" sigaw ni Christian.

"Naalala mo ba kung paano tayo murahin non sa letter kanina?! sabi ni Margo.

"Kahit na! Napamahal na rin sa akin si Lucy. Kahit ganoon ang ugali niya, alam kong may mabuti siyang side." umiiyak pa rin si Christian.

Hinimas-himas ko ang likod ni Christian. Sobrang lungkot talaga niya. Kung hindi lang sana naglayas si Lucy, hindi mangyayari sa kanya ito.

Then, we encounter some few walkers and we shot them all. Halata ang galit at kalungkutan kay Christian habang pinapatay niya ang mga zombies.

Tinanong ko si Margo. "Margo, kailan pa nakatira si Lucy kasama niyo?"

"Ever since she was a child. Magkasabay silang lumaki ni Kyle. Parang itinuring na rin siyang anak ni Christian." tumango-tango ako.

Wala na si Lucy. Bumalik na kami sa bahay...

"Did you guys found her?" nag-aalalang tanong ni Alicia habang hawak ang kamay nina Dorothy at Sophie.

Nakayukong umiling si Christian..

"It's okay, honey." Sabi ni Alicia habang niyayakap ang asawa niya.

Nagpunta na kami sa kanya-kanya naming kwarto.

Umakyat na ako upang pumasok sa kwarto ko.

Bago pa man ako pumasok ay narinig kong parang may mga ungol na nagmumula sa kwarto ni Kyle. Lumapit ako sa pintuan ng kwarto niya at nalaman kong naiyak siya. Oo, umiiyak si Kyle. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya.

---

Kyle's PoV

Ang sama ko! Feeling ko killer ako! Hindi ko sinasadya! Feeling ko tuloy pinatay ko na rin si Lucy! Ako din naman ang puno't-dulo ng lahat ng ito diba?

Napasabunot ako sa buhok ko at nag-simulang umiyak. Mali talaga ito.

Maya-maya pa ay narinig kong nagbukas ang pintuan ko. Pag-angat ko ng ulo ko ay nakita ko si Zooey na concerned ang mukha.

Shit! Ayokong makita niya akong umiiyak! Hindi ito pwede! Agad kong pinunasan ang luha ko with the use of my bare hands.

Dahan-dahang lumapit sa akin si Zooey at saka umupo siya sa tabi ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya ako.

Naramdaman ko na lang ang biglaang pag-himas ni Zooey sa likod ko. Napalingon ako sa kanya.

"Ayos lang 'yan." malungkot niyang sabi. Nalulungkot ako. Nalulungkot ako lalo dahil nakikita ko siyang malungkot. Itinaas ko ang kamay ko at pinunasan ang luha niya. Malungkot din siya dahil nawala si Lucy. Ayoko siyang makitang umiyak dahil nasasaktan din ako.

Niyakap niya ako. Nagulat ako sa ginawa niya. Lalo ako nalungkot. Niyayakap ko ang isang babaeng malabo maging akin. Niyakap ko rin siya pabalik.

Sa tingin ko, kailangan ko na sabihin ang nararamdaman ko sa kanya. Parang halata na kasi eh. Nagtanong ako sa kanya kung pwede niya akong tulungang manligaw pero sinaktan ko naman ang puso ni Lucy. Marahil ngayon ay nagtataka na siya. Sa tingin ko. Ngayon na talaga ang tamang panahon.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.

"Zooey." binanggit ko ang pangalan niya sapat na para makapag-focus siya sa akin. I saw her brown eyes focusing my blue ones. Dahan-dahan kong hinawi ang buhok niya upang makita ko ng maayos ang napakaganda niyang mukha.

"I think I love you."

••

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon