Heartbeat: Chapter 6
~Say what you need to say...
***
Zooey's PoV
Nanonood kami ni Lucy ng t.v. Nasaan ang iba? Si Margo at Christian ay lumabas upang tingnan kung may kung sino ba sa labas. Kanina pa kasi kami kinukutuban dyan eh. May kakaiba talaga. Si Kyle, ewan ko dun, nasa kwarto niya yata.
Ang awkward nga lang ng sitwasyon namin dito ni Lucy. Hindi siya nagsasalita at hindi kumikilos. Parang hindi pa siya makatayo?
Naglakas ako ng loob na kausapin siya.
"Ayos na ba ang binti mo?" hindi siya nasagot.
Nagsalita ulit ako.
"Sorry nung nakaraang gabi ha? Hindi ko kasi alam na ayaw mong lumapit ako kay Kyle. Alam mo, bagay kayo." sabi ko at nginitian ko siya.
Hindi pa rin siya nagsasalita.
"Dinalhan nga pala kita ng mga damit. Nandoon sa kwarto niyo." nakangiti kong sabi. Parang excited pa nga akong makita siya na suot ang mga damit eh.
"Kinuha kita ng magagandang damit para lagi kang maganda sa harap ni--"
"Pwede ba! Huwag ka nang magsalita!" sumigaw siya at napayuko ako.
"Huwag ka ring makipag-plastikan!" Nakayuko ako pero ramdam kong nakatingin siya sa akin.
"And stop acting like you're damn concerned."
Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad palayo sa akin kahit paika-ika siya maglakad.
Ginagawa ko naman ang lahat ng makakakaya ko para lang maging magkasundo kami. Bakit ba sobrang ayaw niya sa akin? Pumunta siya sa kwarto niya at siyempre, as usual, ibinalibag niya na naman ng malakas an pinto niya.
Hindi ko na lang ito pinansin. Alam ko namang magiging maayos rin kami pagdating ng panahon.
Pumunta ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang bag ko at kumuha ng mga chocolates. Kinuha ko ang ilang mga chocolates sa bag ko at bumaba na upang ilagay ang mga ito sa refrigerator. Baka kasi matunaw na lang sa bag ko. Habang nilalagay ko ang mga chocolates sa ref ay napansin kong may tao sa salas.
Hanggang sa nakilala ko ito. Si Kyle. Nakita kong nakayuko siya. Napansin kong nagbabasa pala siya.
"Hey! Anong binabasa mo?" tinabihan ko siya.
Halatang nagulat siya dahil bigla na lang akong umupo sa tabi niya without sign of coming. Hindi niya siguro ako narinig na dumating.
"Ah, Harry Potter and the Sorcerer's Stone." Tumango na lang ako at nginitian siya.
"Narinig mo na ba ang tungkol sa Harry Potter noon?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa libro.
"Hmm. Hindi gaano. Pero binabasa yan ng kapatid ko noong nabubuhay pa siya. Saan ka nakakuha ng libro?" tanong ko.
"Nakita ko lang to kung saan-saan doon sa mall kanina."
Tumango-tango ako.
"Ano bang storya ng Harry Potter na yan?" inosenteng tanong ko. Hindi ko kasi talaga alam yan. Tinanong ko na rin baka sakaling mapag - interesan ko pa.
"Kwento ng isang ordinaryong bata na napunta sa isang magical school. At nalaman niya na isa pala siyang wizard."
Ahh. yun pala yun.
Boring. Boring sa lugar na ito. Hindi gaanong nagsasalita si Kyle kasi may binabasa.
Tumayo na lang ako.
"Saan ka pupunta." Nakatingala siya sa akin.
"Lalabas." sabi ko habang tinatanaw ang labas.
"Alam mo namang nabaril si Lucy diba?" tumango ako sa sinabi niya.
"Eh bakit lalabas ka pa? Baka mapahamak ka lang."
Baka mapahamak ka lang.
Concern ba siya sa akin? Gusto ko lang sana lumabas at tulungan sila Margo sa paghahanap sa taong bumaril kay Lucy.
Umiling ako.
"Sasama ako." tumayo siya at saka sinara ang librong hawak niya.
"Bakit pa?" sabi ko.
"Kailangan may kasama ka."
Sabay kaming lumabas ni Kyle. Nakita naming wala naman doon sila Margo. Nasaan na kaya sila?
Nilibot namin ang lugar. Wala talaga.
"Tara!" hinawakan ni Kyle ang kamay ko at hinila ako. Saan naman ako dadalhin ng lalaking ito?
"Saan tayo pupunta?"
"Doon." tinuro niya yung puno.
Umakyat si Kyle sa puno. Inilahad niya ang kamay niya sa akin para makaakyat ako. Tinanggap ko naman ito. Ngayon ay nakaupo kami ni Kyle dito sa makapal na sanga ng puno.
Dumukot ako sa bag ko ng chocolate. As usual, Hershey.
"Oh." alok ko. Nakita ko ang tuwa sa mga mata niya nang tanggapin niya ang chocolate na binibigay ko sa kanya.
"Thanks." sabi niya at ngumiti naman ako.
"Ah, Kyle."
"Hmm?"
"Anong pakiramdam?" tanong ko. Sana maintindihan niya yung tanong ko. Ang awkward kasi mag-open ng topic.
"Ng alin?" kita ang pagtataka sa mukha niya.
"Nung--ginawa sayo ni Lucy." Halata namang naintindihan niya.
"Wala lang. Nagulat lang ako." sabi niya habang hindi ako nililingon.
"Yun lang? Hindi ka manlang kinilig?"
Umiling siya.
"Nakita kaya kita! Namula yung mukha mo." sabi ko habang sinisiko siya.
"Ehhh, sige na nga! Kinilig ako. Konti lang." yun naman pala eh.
Nagsalita ulit siya.
"Kaso parang ayoko yata sa kanya." Halatang naiinis siya.
"Huh? Ang ganda kaya niya, nainis ka pa?"
"Hmp!" inis na nga.
"Hays oo na! 'Wag ka na mainis! Sino ba kasi gusto ma-kiss?"
Napatingin siya sa akin. Ako naman ay nagtataka lang. Ang hirap naman basahin ng lalaking ito. Hindi ko manlang mahalata kung kinikilig ba siya o hindi.
Umiling lang siya. Di pa sumagot.
Napatahimik kami bigla. Hanggang sa napayuko ako. Napansin kong nakapatong yung kamay niya sa isa kong kamay.
Ang awkward nito.
"Zooey." tinawag niya ako kaya naman napalingon ako sa kanya.
"A-alam mo... May gusto sana akong sabihin sayo." tinitingnan niya ako straight to the eyes.
"Ano yun?"
Habang iniintay ang sasabihin niya ay bigla kong napansin na may lumabas ng pinto mula sa bahay. Nakita ko si Lucy. Paika-ikang maglakad.
Naalarma agad ako. Ayaw nga palang nakikita ni Lucy na magkasama kami ni Kyle.
"Ano kasi eh--- shit. Saan ka na naman pupunta?!"
SONG: Whatcha Say by Jason Derulo
"Ahh, Kyle. Wait lang." hindi na natuloy ni Kyle ang sasabihin niya nang bigla akong tumalon pababa mula sa puno.
"Mamaya mo na lang sabihin!" sigaw ko.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa likod-bahay upang hindi ko makasalubong si Lucy.
Nakita kong agad na pinuntahan ni Lucy si Kyle. Hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila. Pumasok na lang ako sa loob ng bahay.
Ano kaya yung sasabihin ni Kyle?
••
![](https://img.wattpad.com/cover/13144847-288-k157655.jpg)
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
ActionSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...