Chapter 66: Locked

878 27 6
                                    

Zoe's PoV

Nasa kusina ako ngayon at nakatungtong sa upuan habang inaabot ang sako na nakatambak sa loob ng aparador. Kailangan ko ng sako para maharvest ko na 'yung mga kamatis sa labas.

Hinihila ko ang sakong nakasiksik doon sa dulo. Inabot ko iyon kahit maiiksi ang mga braso ko. Nang mahawakan ko na ang sako ay hinila ko naman iyon ngunit hindi ko ito tuluyang mahila sa kadahilanang nakasiksik nga ito sa bandang dulo ng aparador. Kaya ko 'to.

Ibinuhos ko ang buo kong lakas upang makuha ang sako at sa kabutihang palad ay nahila ko naman ito. Pagkahila ko ay kumalabog ang dibdib ko nang agad kong maramdaman na parang masisira na ang upuan na tinutungtungan ko!

Nawalan ako ng balanse kaya naman hindi ko na nacontrol ang katawan ko na ngayo'y mahuhulog na mula sa upuan papunta sa sementadong sahig!

Sa pagkahulog ko ay hindi ako nakaramdam ng kahit anong sakit. Hindi ako bumagsak sa matigas!

Napakabilis ng pangyayari. Nagulat na lang ako nang makita ang katawan ko na hawak ni Kyle. Oo, si Kyle! Afad na unakyat ang init sa mukha ko. Alam kong namumula na ako!

Tiningnan ko si Kyle na noo'y nakatingin rin sa akin habang buhat buhat ang katawan ko na para bang bagong kasal kami. Shit!

Agad akong natauhan kaya naman kumilos na ako upang mawala na aki sa pagkakabuhat ni Kyle. Damn. Ang awkward nito.

"S-salamat..." nakayuko kong sabi at saka umalis na. Nakita ko namang tumango lang sya. Lumuhod siya upang kuhain ang nasirang upuan.

Lumabas ako kaagad ng base. Nandito na ako sa may field kung saan nakatanim ang mga crops namin. Grabe hindi ko makalimutan 'yung nangyari kanina.

Christian's PoV

Matapos kaming mag-loot ng supplies sa convenience store na iyon ay gumala pa kaming muli, umaasang may mahahanap pa kaming supplies.

Napadako kami sa woods. Napansin ko kasi na sa bandang dulo ng woods na ito ay may siyudad. May mga malalaking buildings. Alam kong hindi pa namin iyon napupuntahan. Maaaring may makuha kami doon.

Hele-helera kaming naglalakad sa woods at habang nag-lalakad kami sa pangunguna ko ay may natapakan akong parang metal. Huminto ako at napukaw nito ang atensyon ko dahil sa totoo lang ay muntik na ako matalisod dito.

"Hon, may problema ba? Bakit ka huminto?" sabi ni Alicia sa akin. Nanatili akong nakahinto at nakayuko habang sinusuri ang bakal na ito. Parang kadena siya na mahaba. Sinundan ko ang patutunguhan ng kadena na iyon at laking gulat ko na lang ng malaman kung ano ang nasa dulo nito.

Isang trap. 'Yung trap na gawa sa bakal na kapag natapakan mo ay maglolock ito sa paa mo at hindi mo na ito matatanggal.

Nakita ko sa bandang gilid ko kung saan malapit ang trap ay si Violet na malapit nang matapakan ang trap!

"Violet!" sabi ko. Napalingon siya sa akin pero hindi pa rin siya tumigil sa paglalakad. Sa isang hakbang na kanyang ginawa ay nakarinig ako ng pagclick ng bakal kasabay ang malakas na tili na nagmumula sa bibig ni Violet.

"AAHHH!!!" sigaw niya. Dali-dali siyang napaupo sa sahig habang hawak hawak ang binti niya. Agad naman namin siyang nilapitan habang natataranta. Nakita namin ang ngipin ng bakal na nakabaon na sa binti ni Violet.

"Violet, 'wag kang gagalaw!" sabi ko. Lumuhod na ako upang maasikaso ang binti ni Violet na ngayon ay dugong-dugo na.

Napansin kong umiiyak na siya.. "Araaay..." she said in pain.

"Shhh... We can fix this." sabi ko. Agad kong hinawakan ang magkabilang bakal. Kailangan naming matanggal 'to!

Dahan-dahan kong pilit na tinanggal ang trap na nakakapit sa binti ni Violet.

"AAAHHHH!!!" sigaw niya. Alam kong nasaktan siya.

"Violet, 'wag kang sisigaw..." sabi ko. Kinuha ko ang towel ko sa bag at binigay sa kanya.

"Eto, kagatin mo." sabi ko. Tinanggap niya naman ang towel at kinagat. Kailangan niya iyon para doon niya mailabas ang sakit niya.

At my second attempt ay pilit kong muli na tinanggal ang bakal sa paa niya ngunit grabe ang pagkakakapit nito. Minasdan ko si Violet na noo'y pawis na pwis na. Pinipigilan niya na lang na sumigaw.

"Christian, nasasaktan siya." sabi ni Alicia sa akin. Oo alam kong masakit 'to.

"Hindi mo matatanggal 'yan." sabi naman ni Bob.

"Eh anong kailangan nating gawin?!" sabi ko.

"We have to cut her leg."

Zoe's PoV

Sinimulan ko nang iharvest ang mga kamatis na pwede nang iharvest. Isa-isa ko silang nilagay sa sako na kinuha ko kanina.

"Ikaw naman ang mukhang kamatis ngayon.." napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Rin na matindi ang ngisi sa akin.

"Che.." sabi ko at pilit na itinago ang pagkapahiya ko. Nakita ko si Rin na umupo rin at tinulungan akong mag-harvest ng mga kamatis. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mukha niya.

"Mukha ka nang tanga, Rin." sabi ko habang natatawa.

"Suuuus!" sabi niya nang may mapang-asar na tono.

Nang matapos na kaming magharvest binuhat na namin ang sako ng mga kamatis mula sa labas patungo sa loob. Medyo may kalayuan ang kusina dahil dadaanan mo pa ang salas at ibang parte ng bahay.

Nang makarating kami sa kusina ay napansin ko na parang gumagaan 'yung bitbit naming sako. Nagulat ako nang mapansin kong butas ang ibabang parte ng sako at ang mga kamatis ay naglaglagan na. Hala ano ba 'yan!

Agad akong lumuhod at kinuha ang mga kamatis na naglaglagan. Kainis parabg kanina pa 'to butas ah. San kaya nagsimula ang pagkalaglag ng mga kamatis? Nakakainis ah, kailangan ko pang sundan ang nga kamatis at oulutin ang mga ito.

"Rin, tulungan mo naman ako dito..." sabi ko habang patuloy pa rin sa pagpulot ng mga kamatis.

"Oy, Rin." sabi ko pero naoansin ko na lang na wala na si Rin sa tabi ko. Teka, saan na nagpunta ang babaeng 'yon?

Nakakainis naman, bigla na lang akong iniwan. 'Di ko na lamang iyon pinansin at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkuha sa mga kamatis.

Nakarating ako sa sala habang nakaluhod pa rin at pumupulot. Mula saan kaya nabutas ang sako? Or baka in the first place pa lang butas na? Ang tanga ko talaga, 'di ko manlang napansin...

Pupulutin ko na sana ang isang kamatis nang mapansing may nakahawak na dito. Sa kadahilanang hindi ako handa ay nahawakan ko ang kamay ng taong humawak sa kamatis. Pagkatingin ko..... Si Kyle...

Napayuko akong muli at tiningnang maigi ang nangyari. Nakahawak pa rin ako sa kamay niya.

Agad ko namang inalis ang kamay ko. Bad trip bakit kasi hindi ako aware sa mga nangyayari sa paligid.

Dinampot niya ang kamatis na kanina ay kukuhain ko sana.

"May mga kamatis na sa terrace kanina. Nahulog ata..." sabi niya. Napatango na lang ako. Bumalik na ako sa kusina at inilagay sa panibagong sako ang mga kamatis na nahulog kanina. Ganoon rin ang ginawa ni Kyle sa mga nakuha niyang kamatis. Ano ba 'yan ang awkward na naman...

"Salamat..." nahihiya kong sambit. Tumango siya at umalis na.

***

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon