Chapter 63: Hindrance

801 23 6
                                    

Christian's PoV

Kahit na hirap na hirap ay pinilit kong patayin ang bawat walkers na makakalapit sa amin. Nasa likuran ko ang nakahiga at walang malay na Zoe habang mabilisan kong hinihiwa at sinasaksak ang ulo ng mga halimaw na ito.

Imposible mang isipin pero sa kabutihang palad ay kumaunti kahit papaano ang mga halimaw na pumapalibot sa amin. Kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon na buhatin ang katawan ni Zoe at umalis na sa lugar na ito.

Margo's PoV

Patuloy pa rin ang pag-kalabog ng dibdib ko sa kadahilanang alam ko ang oanganib na nakaabang sa amin sa labas ng base na ito. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang masamang pagmumukha ni Howard! At walang duda na nakita niya rin ako.

"Act casually. 'Wag kayong gagawa nang hindi kaaya-aya." kalmado kong sabi. Pilit kong kinakalma ang aking sarili kahit na walang tigil sa pagpintig nang mabilis ang puso ko. Damn, I can't calm myself.

Sumang-ayon ang mga kasamahan ko. Sila Bob at Tyler ay hindi ko alam kung nasaan. Pero sinabihan ko sila na if anything went wrong, saluhin nila kami at iligtas. Binuksan ko ang pintuan at dahan-dahang nagpakita sa kanila. Nakita ko ring papalapit na sila. Tinututukan nila kami ng baril kaya naman itinaas namin ang mga kamay namin.

"So, how'd you escaped?" kaswal na sabi sa akin ni Howard. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Nasaan ang anak ko?" sabi niya. Hindi pa rin ako sumagot.

"Hindi mo siya anak." tugon ko sa kanya. Nagsilapitan mga tauhan niya at binantayan kami. Hindi panahon ng panlalaban ngayon..

"Anak ko siya. Anak namin siya ni Alicia!" ang kaninang kalmado niyang mukha ay naging galit na ngayon.

"Wala kang mapapala dito, Howard. Umalis ka na." sabi ko.

"Ako? Aalis? Sa pagtakas mong 'yan sa tingin mo, aalis pa ko dito?" nagagalit niyang sambit. Natatakot na ako.

"Wala sa amin si Dorothy..." pagmamakaawa ko. Napatawa siya. Baliw na siya.

"Bakit kaya hindi na lang rin natin tapusin ang buhay mo?" sambit niya sa akin sabay tinutukan ako ng baril. Ramdam kong kakalbitin na niya ang trigger ng baril nang biglang..

"Boss!" napasulyap ako sa likod ni Howard at laking gulat ko na lamang nang dumating ang mga tauhan ni Howard kasama sila.... Ate Alicia?

Kitang-kita ko sila. Oo, nakuha sila ng mga tauhan ni Howard. Kyle, Ethan, Ate Alicia, Rin at Trev.. Pero... Nasaan sila Christian at Zoey?

"Storbo kang hayup ka." iritadong sambit ni Howard sa tauhan niyang nahuli sila Ate Alicia. Nakahinga ako nang maluwag nang alisin na niya ang atensyon niya sa akin. Pero hindi pa ako lubos na nakakampante dahil ang atensyon nila ay nakila ate na ngayon. 'Wag niya sanang saktan sila ate...

"Buhay pa pala kayo?!" sigaw ni Howard sa harapan ng mga walang laban kong mga kakampi. Ibinaling ni Howatd ang atensyon niya sa kanyang nga tauhan.

"Mga hampas lupa! Akala ko napatay niyo na ang mga ito?! Mga hayop kayo!" sobrang galit na sabi ni Howard.

"Alicia... How could you do this to me...? Sumama ka sa kanila?" kung kanina ay galit siya, ngayon ay kalmado na at naging malumanay ang boses.

"HA?!" muling nagbago ang tono ng boses at ekspresyon ng mukha niya.

Hindi na lamang sumagot ang bawat isa.

"PATAYIN NIYO NA NGA ANG MGA 'YAN!" utos niya kaya naman kinabahan kaming lahat. Mamamatay na nga lang kami, sa kamay pa nila Howard!

"Boss!" napalingon kami sa isang tauhan ni Howard na nagsalita.

"Hangal ka talagang hayop ka! Hanggang kailan ka pa eepal saken?!" bwisit na bwisit na tanong ni Howard.

"Si Dorothy po..." sagot ng tauhan. Sabay-sabay kaming napalingon kung nasaan ang lalaki. Nakatayo siya sa harap ng lupang pinaglibingan namin kay Dorothy. Pero diba nga, peke lang 'yun.

Agad namang napatakbo si Howard sa paroroonan niya at ganoon na lamang ang galit at lungkot na nadama niya nang makita niya ang pekeng libingan ni Dorothy. Nakalagay sa improvised lapida nya ay "Here lies Dorothy".

Narinig naming napasigaw nang napakalakas si Howard sa sobrang galit.

"Kasalanan niyo 'to!!!" saad niya. Lalo kaming kinabahan.

"PATAYIN SILAAAAA!!!!"

Agad akong napayuko sa takot na baka mabaril ako pero ang walang hiyang lalaking nakahawal sakin ay hindi ako pinapakawalan!

Nakita ko si Howard na tinututukan ng baril sila ate Alicia at Kyle! NOOOO!!!

Sunod na lamang naming narinig ay ang sunod-sunod na pagputok ng baril...

Kyle's PoV

Grabe ang takot na naramdaman ko nang nagputukan na ang mga baril.

Pero pagkakita ko ay wala akong naramdaman na kahit na anong tumama sa katawan ko. Napatingin ako sa paligid at laking gulat ko nang makita ang nga tauhan ni Howard na nakahiga sa sahig at walang buhay! Si Howard naman ay nakahiga sa sahig ngunit buhay pa.

Teka?! Sinong--?

Napalingon ako kung saan at nakita ko nalang si Dad at si Zoey na may hawak na baril na para bang sila ang bumaril sa mga tauhan ni Howard!

"GAAAAH!!!" napalingon ako kay Howard at laking gulat ko nang makita ko si Howard na nakatutok na ang baril sa akin!


*beng!*

***

We just reached 25k reads! Thank you so much! Lots of love😊😍😚💕💖
-RNE

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon