Chapter 62: Pain

814 22 4
                                    

Zoe's PoV

Pagkalabas na pagkalabas namin sa base nila ay agad naming sinara ang gate upang matrap ang mga walkers sa loob. Sana pagpiyestahan na si Carver ng mga halimaw na iyon.

Alam ko kung saan kami pupunta. Uuwi na kami. At uunahan namin si Howard.

Howard's PoV

"'Yung mga bihag!" napasabunot ako sa buhok ko nang marinig ang balitang iyon. Maaari silang maging hadlang sa plano ko!

"Kapag nakita niyo sila, 'wag na kayong mag-atubiling barilin sila!" galit kong sigaw.

Binilisan ng tauhan ko ang pagmamaneho. Ang iba ko namang mga tauhan ay nakaabang na sa pagbaril.

"Wala kang kwenta, Carver." mapoot kong sambit.

"Boss, paano natin malalaman kung nasaan si Dorothy, kung papatayin natin silang lahat?" sabi ng isa kong tauhan.

"Hangal, sino bang may sabing lalahatin niyo sila?! Kung nakasama man sa pagtakas si Alicia, 'wag niyo siyang babarilin! At isa pa, nandyan man sila o wala, kaya kong hanapin ang anak ko!" galit na galit kong sabi.

Maya-maya... Habang nasa daan kami ay nagsalita ang isa kong tauhan.

"Boss!" sabi niya habang nakatingin sa bintana at hawak ang kanyang baril. Nakatutok ito sa woods sa gilid.

"Ano?" tugon ko.

"Ang nga bihag po! Nandoon!" sabi niya sabay nagpaputok ng baril.

Agad naman akong dumungaw sa bintana.

"May natamaan po akong isa!" sigaw niya ulit.

Nakita kong nagpaputok na sila ng mga baril nila.

Nakita ko ang mga bihag na ngayon ay nakalaya na at nagtatakbuhan sa woods. Kaya naman kinuha ko rin ang baril ko at pinagbababaril rin sila. Pero dahil sa mga punong nakaharang ay hindi ako nakakakasiguro kung natamaan ko nga sila.

Nakita ko namang isa-isa na silang nagtumbahan kasabay ng pagputok ng mga baril. Hindi na sila gumagalaw. I think they're dead. Pero nasaan si Alicia?

"Nasaan si Alicia?! Kapag nalaman kong binaril niyo siya, uubusin ko kayo!" sabi ko sa mga tauhan ko. Halata namang natakot sila.

"Hindi po namin siya nakita..." sabi ng isa kong tauhan. Hindi ko na lamang siya pinansin dahil abalang-abala rin naman ako sa paghahanap sa kanya.

"Bilisan niyo.." iritado kong sabi. Hindi ko alam kung saan na nanunuluyan sila Dorothy pero alam kong hindi na doon sa dating bahay dahil pinasabog ko ito at kinuha si Alicia. Pero hahanapin ko sila.

Alicia's PoV

Nagtatakbuhan kami sa kakahuyan nang makarinig kami ng sunod-sunod na pagputok ng baril. Pagkakita namin sa may daan ay may sasakyan doon lulan ang mga lalaking may hawak na mga baril. Kaya naman sumigaw ako...

"DAPA!" isa-isa kaming nagtumbahan at nagdapaan upang hindi kami mabaril. Sa ganitong paraan ay maaari nilang isipin na patay na kami at natamaan ng baril. Nanatili kami sa ganoong posisyon nang hindi gumagalaw habang hiniintay ang paglayo nila Howard.

Maya-maya pa ay nakalayo na rin ang sasakyan.. Nang sa tingin ko ay safe na kami ay bumangon ako at tiningnan ang bawat isa kung ligtas nga ba. Pero laking gulat ko nang nakita kong lumalapit na ang kumpulan ng walkers sa amin!

"KYLE?!" pagtawag ko. Nakita ko naman na bumabangon na siya. Walang galos. Salamat naman.

"Kailangan na nating magmadali!" sigaw ko dahil malapit na talaga ang mga halimaw.

"Aah.." teka, sino 'yon?!

Napalingon ako kung saan at 'di kalayuan ay nakita ko si...

"ZOE!" pagsigaw ko saka siya nilapitan.

Nakita kong nakahiga siya, hawak niya ang dibdib niya na noo'y dumudugo, at nahihirapan na siyang huminga! Shit! Nabaril si Zoe!

Nakita kong nagulantang ang mga kasama namin. Nakita ko si Kyle na lalapit na kay Zoe. Pero napigilan ko siya.

"Mom, hindi natin pwedeng iwanan si Zoe dito!" nag-aalalang sabi niya.

Napasulyap akong muli kay Zoe at nadurog ang puso ko nang makitang hindi na siya gumagalaw.

"Ako na ang bahala kay Zoe! Mauna na kayo!" narinig kong sigaw ng asawa kong si Christian.

"Pero--" habol ko.

"Dad--" si Kyle.

"Just go!" maawtoridad na sambit ni Christian na nagpaalerto sa amin.

Nakita kong inabot ni Trevor ang katana niya kay Christian.

"Hindi, Trev. Sayo ito!" sabi ni Christian nang hindi tinatanggap ang katana.

"More efficient po 'yan. Kayo na pong bahala kay Zoe..." sabi ni Trevor.

Wala nang nagawa si Christian kundi tanggapin nalang ang katana. Tumango si Christian bilang pasasalamat.

Naguguluhan na ako. Pakiramdam ko ay iiyak na ako. I can't lose both of them..

If this is the last, wag naman sana pero... Nilapitan ko si Christian at hinalikan sa labi.

"I love you, Christian... Always..." sabi ko sabay tumakbo na kami palayo. Hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagdaloy ng luha ko mula sa aking mga mata.

Margo's PoV

Ang lahat ay inutusan ko nang mag-impake. Nasabi ko na sa kanila ang maaaring mangyari kung matrack man kami ni Howard. Sinabihan ko ang bawat isa na maging handa at alerto dahil hindi kami nakakasigurado kung ano ang maaaring kahinatnan mamaya.

Nasabi ko na rin kila Tyler ang nangyari sa bawat isa. Nabihag sila Christian at iba pa naming mga kasamahan at wala akong kung ligtas sila o pinatay na. Ayokong humantong sa puntong ang mga taong naririto na lamang sa base ang matitira. That could have been bad.

Sana maging ligtas kami sa anumang mangyayari...

Pasulyap-sulyap ako sa labas, kinakabahan na baka sila Howard ang ang paparating. Sa labas ay nakita ko ang isang kasamahan nila Tyler. I think he's Lucas.

Gumagala lang siya sa field habang tumatanaw-tanaw kung saan.

Binuksan ko ang pinto at tiningnan siya. Lumingon rin naman siya sa akin. Nagkaroon ako ng pagkakataon na sabihin ang nasa loob ko.

"Lucas, pumasok ka dito!" maawtoridad kong sabi.

"Ayos lang ako dito." sabi niya habang patuloy pa rin abg paglingon kung saan.

"Sabi ko sayo, hindi lig--" napahinto ako sa pagsasalita nang makarinig ako ng isang malakas na putok.

Pumintig nang napakabilis ang puso ko nang makita ko na lamang na napadapa si Lucas sa sahig at may dugo sa likod! What the!

Kasabay ng pagbagsak ng katawan niya ay natanaw ko naman 'di kalayuan ang sasakyan na lulan ang pamilyar na lalaki na may hawak na baril. Si Howard!

Napahawak ako sa bibig ko. Mabilisan kong sinara ang pinto at sinandalan ito.

"Anong ingay 'yon?" nakita kong dumating na si Tyler kasama ang iba. Hindi man ako nagpagod pero naramdaman ko nalang na hinihingal na ako at nahihirapang huminga. Natatakot na ako! Hinihingal akong nagsalita...

"T-they found us!"

***

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon