Chapter 38
~I miss him, everything.~
Zooey's PoV
Ngasalita ako habang tulog ako. Sinabi ko ang pangalang Zac at nag-i love you ako sa kanya. Nagselos siya at nag-hanap ng iba. Nakipag-hiwalay ako sa kanya.
Parang napakabilis ng mga pangyayari. Parang kahapon lang ay kami pa, parang kahapon lang nag-de-date kami at nagpapalitan ng mga salitang I love you.
Napatingin ako kay Rin na noo'y katabi ko at hinihimas ang likuran ko. Sa ganitong sitwasyon, parang siya lang ang gusto kong makasama ngayon, dahil kahit ilang sungit at pagtaboy ko sa kanya, hindi niya pa rin ako pinababayaang mag-isa.
"Oo, mag-isa ka. Pero nandito ako, kung wala ako magsesenti ka dito habang buhay."
Minsang sabi niya sa akin. Hindi pa ako nagkakaroon ng ganitong kaibigan dati, kaibigang laging naririto kapag may kailangan ka. Salamat Rin.
Binigyan ko siya ng isang mapait na ngiti. Hindi pa rin ako makangiti pero medyo nahihimasmasan na rin ako. Nagda-drama ako sa harap ng best friend ko. Nagda-drama ako dahil hiniwalayan ko si Kyle.
"Rin, pwede mo ba akong samahan sa labas?" sabi ko kay Rin. Tumango naman siya. Lumabas na kami at nagpahangin. Matagal-tagal na ring panahon mula noong nakalanghap ako ng sariwang hangin. Namimiss ko naring mag-haunt at pumatay ng mga walkers. Pero hindi ko na nagawa iyon dahil sa mga bitter days na dumaan. Ang saklap.
Kyle's PoV
Hindi nila ako kinakausap. Kahit si pareng Trev naiinis na rin sa akin. Ang kitid kasi ng utak ko! Masyado akong nagpapadala sa galit at emosyon ko! Wala akong malapitan ngayon. Sinusubukan ko pa ring lumayo kay Violet, oo siya lang ang nag-ta-tiyaga sa akin. Ayoko sa kanya, gusto ko kay Zooey. Kailangan ko siya dito sa tabi ko. Malungkot dahil wala siya.
"Ethan!" narinig ko ang boses ni Zooey. Ang boses na namimiss ko. Zooey.
Lumabas sa paningin ko si Zooey at si Ethan na magkasama. Napakasaya nila. Lalo na si Zooey. Masaya siya sa piling ni Ethan. Siguro ay hindi ko rin naibigay ang lahat kay Zooey. I ruined everything. Ako rin mismo ang sumira sa aming dalawa. Ngayon ay masaya si Zooey, hindi sa piling ko kundi sa piling ni Ethan.
Nakaupo silang dalawa sa ilalim ng puno. Dito rin sa punong ito lagi kaming tumatambay ni Zooey dati. Yung puno na nakatanim malapit sa luma naming bahay.
"I love you, Zooey." mga salitang nagpakilig kay Zooey. Mga salitang nanggaling sa bibig ni Ethan at hindi sa akin.
Ngumiti si Zooey. Halatang nagustuhan niya ang mga salitang hindi nanggaling sa bibig ko.
"I love you too!" masayang banggit ni Zooey kay Ethan.
Their lips connected...
No! Zooey! I love you! Zooey! Please!
I woke up in my bed with tears coming from my eyes. That dream looks so real. Naiimagine ko na baka sa isang iglap lang ay baka may magustuhan na ring iba si Zooey. Baka dumating ang panahon na iiwanan na niya ako, habangbuhay...
Zooey's PoV
"Did you miss him?" tanong sa akin ni Rin habang kami ay nakaupo sa grass.
Hindi ako nakasagot.
"Tell." pangungulit niya. Dahan-dahan akong tumango. Namimiss ko rin naman siya kahit paano. Matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nag-iimikan. Parang bang hindi kami magkakilala.
"Okay lang 'yan, lilipas din 'yan." Hinimas ni Rin ang likod ko, ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.
I miss him, everything.
"Rin." tawag ko sa kanya. Tumiingin siya sa akin.
"Pwede mo ba akong samahan?" she angled her head in confusion.
"I miss everything. Not only Kyle but also some stuff things." sabi ko.
"Yung pagpatay ng mga walkers at pag-hunt sa iba't-ibang lugar." sabi ko.
"Please? Samahan mo ako, kahit ngayon lang." I begged.
"Pero, baka hanapin--"
"Please, Rin." I cut her off.
Tumango siya. "Pero saglit lang ha?" I nodded. Sa ganitong sitwasyon, baka makalimutan ko ang mga hinanakit na nararamdaman ko magpahanggang sa ngayon. Baka mapawi ang kalungkutan ko kapag nagawa ko na ang mga bagay na ginawa ko noon na hindi ko na nagawa noong nag-hiwalay kami ni Kyle.
Naglakad kami sa kakahuyan.
"Wala akong weapons." sabi ni Rin sa akin. Hindi niya nga pala nadala ang crossbow niya dahil bigla ko iyang niyaya.
"Don't worry, hindi naman tayo magtatagal." sabi ko. Tumango na lang siya. Alam kong may tiwala siya sa akin. At saka, dala ko naman ang dagger at ang baril ko.
••

BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
ActionSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...