Chapter 54: Captured

898 22 5
                                    

Zoe's PoV

"Kayo nang bahala sa mga 'yan.."

"Opo, boss."

Mula dito ay narinig ko ang tugon ng lalaking nagbabantay sa akin sa labas sa walkie talkie na kanyang hawak. Alam kong si Howard ang kausap niya. At narinig ko ang sinabi niya mismo sa lalaking ito. Sa pagkakataong ito, naramdaman ko ang kaba na paulit-ulit na bumabagabag sakin.

Nakita ko ang pagdungaw ng lalaki sa bintana ng pintuan namin at tanaw na tanaw ko ang malaking ngisi sa bibig niya. Natatakot man ay sinamaan ko siya ng tingin.

Rinig ko rin ang susi na nagsisilbing pangbukas niya sa pintuan. Maya-maya pa ay pumasok ang lalaki sa kwarto namin. Nakatutok ang baril niya sa amin dahilan upang matakot kaming gumawa ng kahit na anong kilos.

"Dahil nakuha na ni boss ang gusto niya, kami na ang incharge sa inyo... Sino kaya ang uunahin ko...?" nakakakilabot na turan ng lalaking mukhang adik at criminal...

"Gusto ko babae..." ngumisi siya nang nakakaloko at isa-isa kaming tiningnan. Tinatagan ko ang loob ko.

Naglakad siya nang dahan-dahan habang sinusuri kaming mga babae. Lahat kami ay may bahid ng takot sa mga mata ngunit hindi namin ito ipinapakita at ipinaparamdam sa kanya.

Huminto sya sa harapan ko. Tinitigan niya ako at lumuhod sya sa harap ko upang mapantayan ang pagkakaupo ko.

Ngumisi siya sa akin at hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang madumi at malagkit niyang kamay. Agad akong napapikit at umiwas.

"HOY!"
"HOY!"

Nagulat ako nang may dalawang sumigaw. Napag-alaman kong sabay palang napasigaw si Ethan at Kyle. Agad namang napatingin ang lalaki sa kanila.

"Aba. May dalawa kang knight in shining armor." napatawa ang lalaki.

"Wag mo siyang sasaktan!" sumigaw si Kyle. Bigla na lamang akong nakaramdam ng kalabog ng dibdib. Ano ba 'to?

"Subukan mo lang siyang galawin, humanda ka sakin!" sumigaw din si Ethan.

Ngumising muli ang lalaki saka nilampasan ako. Nakahinga ako nang maluwag. Pero hindi lubusang relief ang naramdaman ko dahil ang mga kasamahan ko ay nasa panganib na baka sila ang kuhain ng lalaking ito.

Hinintuan niya si Rin. No, not my bestfriend.

Kasalukuyang namumula sa galit si Rin habang tinititigan niya ang lalaki.

"Pwede 'to." tumawa ang lalaki.

"SUBUKAN MO LANG!!!" nakita kong sumigaw at tumayo si Trevor at sinipa nang buong lakas ang lalaki. Napaaray ang lalaki at walang anu-ano'y ginantihan niya ng sapok sa mukha si Trev gamit ang baril niya. Matapos ay tinutukan niya rin ito ng baril.

"TREEEV!" sigaw ko.

"Wag mong hayaan na madaliin ko ang kamatayan mo, bata. Darating tayo dyan." mahinahong sabi ng lalaki ngunit hindi pa rin mawawala sa mukha nito ang sakit buhat ng pagkakasipa sa kanya ni Trev. Mabilis kumilos ang lalaking ito...

Lumakad muli ang lalaki at hinintuan si Lucy. Takot na takot ang mukha ni Lucy na kahit nakayuko ay kitang kita ko pa rin ang pinta ng mukha niya.

"Ikaw sana. Kaso ayoko ng sugatan." tumawa muli ng nakakaloko ang lalaki.

"Ah. Finally. A woman of my age." nakakakilabot na sambit ng lalaki habang nakatingin kay Margo. Shit 'wag si Margo!

Bigla nalang niyang hinablot ang braso ni Margo at marahas na pinatayo.

"Bitiwan mo ko!" pagpupumiglas ni Margo.

Hindi na nagsalita ang lalaki at hinila na lang si Margo.

"TITAAA!" narinig kong sumigaw si Kyle at ang sunod ko nalang na nakita ay hinahabol na nya sila Margo.

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon