Chapter 9: Second

2.5K 99 22
                                    

Chapter 9

Zooey's PoV

Kasalukuyan nang nag-de-date yung dalawa sa labas. Nakikita ko sila mula dito sa taas, sa kwarto ko. Ang sweet nila. Sana may lovelife din ako.

Lumabas ako ng kwarto ko at papunta na sa baba. Gusto ko sanang mangalap ng pagkain dahil bigla akong nakaramdam ng gutom.

Pagbaba ko ay wala akong ilaw na nakikita. Tanging ang ilaa lang ng kandila sa labas, sa date nila Kyle at Lucy.

Anupa't binuksan ko ang ilaw at nagpunta sa kusina. Bubuksan ko na sana ang refrigerator nang may kaluskos akong narinig.

"Kyle?" sambit ko. Napasilip ako sa bintana. Walang tao. Kinakabahan na ako dito ah. Nakakatakot na ah. Ang dilim-dilim pa sa labas.

Tumingin ako sa wall clock. 11:27 pm. Aba. Malamig na ang simoy ng hangin. Huhu, scared.

Biglang nawala ang gutom ko nang marinig kong muli ang mga kaluskos. May tao ba?

"May tao ba dyan?" sabi ko. Hinanda ko ang dagger ko.

Lumabas ako sa main exit ng bahay. Hindi ako lumabas sa back door dahil nandoon sina Kyle. Itinaas ko ang dagger ko habang papalabas ng pintuan. Muli akong nakarinig ng mga kaluskos.

Nagsisimula nang lumakas ang tibok ng puso ko.

"Christian? Alicia? Margo? May tao ba dito?" kinakabahan pa rin ako.

Maya-maya.

"Ahhhh--"

Kyle's PoV

Teka. Ano yun? Parang may narinig ako. Parang sigaw.

"What's wrong, babe?" napatingin ako kay Lucy. Curious ang mukha niya.

"Parang may narinig ako." sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya.

"Don't mind it babe. Just focus on me." hinawakan ni Lucy ang baba ko at iniharap sa kanya.

"Just focus on me." pag-uulit niya.

Unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa akin.

May mali talaga eh. Parang kinukutuban ako. Parang may nangyayari na hindi ko alam. Kanina pa ako nakakarinig ng kaluskos doon.

Zooey's PoV

Nagulat ako nang biglang may tumakip sa bibig ko.

Basa ang kamay ng tumakip sa bibig ko. Oh my God. Natatakot ako. Sa sobrang takot ay pinikit ko na lang ang mga mata ko.

Naramdaman kong parang dahan-dahan akong hinihila sa loob ng bahay. Hindi ako makapalag dahil nga natatakot ako. Nanginginig ako dahilan para hindi ko siya masaksak ng dagger ko.

Nakaaninag ako ng kaunting liwanag. Hindi pa rin naaalis ang basang kamay sa bibig ko.

Nakasandal ang likod ko sa taong humihila sa akin. Maya-maya pa ay bigla kaming natumba sa sahig.

Parang nawalan ng malay ang humihila sa akin? Inalis ko ang kamay sa bibig ko. Pinunasan ko ng kamay ko ang bibig ko at nagulat ako sa nakita ko. Dugo. Ang basang iyon ay dugo pala. Napalingon ako sa likuran ko at nakita si Trevor na nakahiga sa sahig at may tama ng baril sa tiyan.

"Trevor!" napasigaw ako. Si Trevor. Nakahiga sa sahig at walang malay! Anong gagawin ko?

"CHRISTIAN! ALICIA! MARGO!" sumigaw ako pero hindi sila lumalabas ng kwarto nila.

Hinawakan ko ang pisngi ni Trevor at sinabing "Trevor, huwag kang bibitiw, saglit lang!"

Tumayo ako at isa-isang kinatok ang mga pintuan ng kwarto nila Christian.

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon