Chapter 22 - I smell something FLIRTY!

1.6K 56 16
                                    

Chapter 22

Zooey's PoV

Agad kaming bumaba mula sa itaas para puntahan ang grupo ng mga kabataang nagligtas sa amin.

Pito sila. 4 ang lalaki at 3 ang babae. Kung titingnan sila, siguro mga nasa 20 years old pababa ang mga edad nila. Yung iba ga mukhang ka-edad ko lang.

"A-salamat sa--" napahinto sa paglapit si Christian nang bigla siyang tutukan ng baril ng isang lalaki. Siguro ito ang tumatayong leader nila.

Napaatras kami at itinaas namin ang magkabilang kamay.

"Sino kayo?" maangas na sabi noong lalaki.

"Ako si Christian, ito si Margo, si Trevor, si Bob, si Zooey at ito si Kyle, anak ko." sagot niya.

Tumango yung lalaki at nagsalita.

"I'm Tyler, ito si Rin kapatid ko, Violet, Madison, Lucas, Brayden, Henry." isa-isa niyang pag-i-introduce sa mga kasamahan niya.

"Pwede tayong magsama-sama." sabi ni Tyler. Tinuro niya rin ang isang malaking truck. Ito siguro ang dala nila.

Pinasakay kami ni Tyler sa sasakyan nila.

Christian's PoV

Sumakay ako sa unahan ng truck at katabi ko si Tyler na noo'y nag-da-drive.

"Ilang taon ka na?" tanong ko sa kanya.

"21." he answered not even looking at me.

"May shelter kayo?" tanong ko.

Tumango siya. "Kayo?"

"W-wala na." napayuko ako.

"Why?"

"Nasunog. Naroroon ang asawa't anak ko, hindi namin sila nakita." napapaiyak na naman ako.

"Sorry." tumango na lang ako sa sinabi niya.

Kyle's PoV

Narito kaming lahat sa likod ng truck pwera lang kay dad at kay Tyler. Nasa harapan kasi sila.

Habang bored ang lahat ay tiningnan ko isa-isa ang mga kasamahan namin. May magaganda, may mga gwapo. Hindi na rin maipagkakaila na mukha silang matapang. Natutuwa nga ako dahil pinasama nila kami sa grupo nila. Sa panahon kasi ngayon, marami nang mga taksil, pero hindi ganoon ang tingin ko sa kanila.

Maya-maya pa ay may narinig akong nagsalita sa tabi ko.

"Hi." paglingon ko ay nakita ko si Violet na nakangiti sa akin. Nginitian ko rin siya at sinabing "Hello."

"Tahimik mo naman." sabi niya.

"Siyempre, alam mo na, bago lang kami dito."

"Huwag ka na mahiya, ituring mo na rin kaming pamilya."

Tumango ako at ngumiti. Tumingin naman siya sa akin n kakaiba. Titig na parang nakakatunaw na parang seryoso na ewan. Diretso siyang nakatigin sa mata ko at ako rin naman.

Natauhan ako bigla nang hawakan ni Zooey ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya.

"Why, babe? Any problem?" umiling lang siya.

I put my arm around her. Then she smiled at me.

Nakalimutan ko na tuloy ang pag-uusap namin ni Violet.

Zooey's PoV

Nakarating na kami sa kuta nila. Isang military base. Nag-expect agad ako ng mga baril at kung anu-ano pang weapons na naririto.

Pinapasok kami sa loob at natanaw ko kaagad ang maraming mga pinto. Malamang ay kwarto ang mga ito.

"Heto ang mga kwarto niyo. Marami namang kwarto dito. Each room ay may 2 beds, so pwedeng may magkasama." sabi ni Tyler.

Nakita kong bumulong si Violet kay Tyler, bulong na narinig ko naman.

"Send him to my room." bulong niya while looking to my Kyle.

"Violet, may kwarto na kayo ni Madison 'diba? At isa pa, bawal ang babae at lalaki sa isang kwarto. Pabayaan mong sumama siya sa mga ka-grupo niya." sabi ni Tyler. Umalis na lang si Violet nang padabog.

Hindi ko pababayaang makitulog kasama ang ibang babae ang Kyle ko. Hinding-hindi!

Pumasok na si Christian at Bob sa isang kwarto, si Margo at ako sa isang room at si Kyle at Trevor naman ang magkasama.

---

MATAPOS naming puntahan at ayusin ang mga gamit namin sa kwarto namin ay lumabas muna ako upang gumalasa buong base.

Umakyat ako ng hagdan at nakita kong marami pang mga kwarto doon.

Naglakad ako sa isle at parang may narinig akong nagsasalita mula sa kabilang room. Boses babae.

"I don't care of he already had a girlfriend. I can get whatever I want, I can get Kyle from that girl." parang boses ni Violet yun ah.

"Yes ate, take him! Akin naman yung Trevor." may isa pa akong narinig na boses.

Papakinggan ko pa sana lalo nang biglang may humila sa akin at isinandal ako sa pader.

••

Hello babes! Thanks for 3K reads! I love you guys!

Violet Hiddle was portrayed by AnnaSophia Robb.

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon