Chapter 46
Zooey's PoV
Nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa bintana nang ibukas ko ang mga mata ko. Another day passed. Umupo ako sa higaan, kinuha ang hairbush ko at binrush ang wavy brown hair ko. Napatingin ako sa kabilang higaan, tulog na tulog pa rin si Rin.
Bumaba na ako upang kumuha ng pagkain. Kumuha ako ng cereals at nilagay ito sa bowl. Expired na ang mga gatas sa grocery kaya no choice, kakainin ko ito ng cereal lang. Kumakain ako sa kusina nang may naramdaman akong may bumaba mula sa itaas. Pagtingin ko si Violet pala. May band aid na yung sugat sa leeg niya na hiniwa ko kagabi. Tumingin siya sa akin. I gave her a death stare as I eat my cereal. Umiwas siya ng tingin. I laughed secretly. Nagiging mean na ako. Ayoko mamang maging masama, siguro matindi lang ang naging epekto ng breakup. Siguro babalik din ako sa dati.
Maya-maya pa ay naramdaman kong may paparating ulit. Tumambad sa aking harapan si Brayden. I remembered him, siya walangyang biglang humalik sa akin. What is he doing here?
"What do you want?" I gave him a death stare. "Z-Zooey" dahan-dahan siyang lumapit sa akin. May napansin akong dugo sa braso niya. Parang--parang---kagat?
Napaatras ako sa nakita ko. Nakagat si Brayden. "What the hell?!" sabi ko habang nalayo.
"It-it was an accident." sabi niya.
"Halika, puntahan natin si Bob. Bob! Bob!" sigaw ko.
"No, Zooey. 'Wag na." pagpigil niya sa akin. "Anong 'wag, mamamatay ka!" sabi ko.
"It's no use. Baka kumalat na ang lason sa katawan ko at baka mamaya maging halimaw na ako." sabi niya.
"Hindi,kailangan mong madala kay Bob!" hinila ko siya. Patuloy ko pa ring sinisigaw ang pangalan ni Bob pero pinigilan na ko ni Brayden.
"You have to kill me!" umiwas siya sa paghila ko sa kanya.
"Zooey. Gusto ko lang sana mag-sorry, sa nagawa ko sayo. Sana patawarin mo ako. Ingatan mo ang sarili mo." iyon na lang ang mga huli niyang sinabi bago maging kulay gray ang mga mata niya at maging pale ang skin niya.
Agad kong hinugot ang dagger ko mula sa holster ko at saka sinaksak ang walker na si Brayden sa noo. Tumalsik ang dugo niya sa mukha ko. I watched Brayden as his body starts to lie on the floor, blood gushing around. He's gone.
Nakarinig ako ng nga hakbang papalapit sa akin. Nakita ko si Tyler na halata ang pagkagulat sa mukha.
"He turned." sabi ko. Tumango naman siya. Nagsidatingan na rin ang ibang mga tao, nilinis namin ang bangkay at mga dugo ni Brayden sa sahig.
Umakyat na ulit ako sa kwarto upang maligo.
••
![](https://img.wattpad.com/cover/13144847-288-k157655.jpg)
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
ActionSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...