Chapter 18
Kyle's PoV
Bumangon ako sa kinahihigaan ko. Nakita ko si Zooey na mahimbing pa rin ang tulog. Kinuha ko ang kumot at inilagay sa katawan niya. Tiningnan ko ang bag ko. Kinuha ko ang cellphone ko.
Shit, ayaw na gumana. Nabasa kasi kagabi eh!
Bumangon na lang ako at nagmasid sa labas.
Zooey's PoV
Nagising ako sa kinahihigaan ko. Napansin kong wala si Kyle sa tabi ko. Agad akong napabangon.
Lumabas ako ng bahay at nakita ko siyang nasa terrace at tulala lang.
"Sup?" sabi ko. Tiningnan niya naman ako kaagad at sinabing "Good morning!"
Napatingin ako sa kanya mulo ulo hanggang paa. Suot niya ang isang maluwag na red t-shirt at kulay black na basketball shorts. Suot ko naman ang isa blue na sando at naka ordinary shorts lang na hanggang hita ko.
Pumasok ulit ako sa loob ng bahay at kinuha ang mga canned goods sa bag ko. Tiningnan ko rin ang cellphone ko. Hindi na ito gumagana.
Dinala ko sa terrace ang mga pagkain at pinagsaluhan namin ito ni Kyle.
"Maya-maya aalis na rin tayo dito." sabi niya. Tumango naman ako.
Pumasok ulit ako sa loob ng bahay. Naghanap ako ng mga maaayos na mga damit bago kami lumabas ni Kyle ng bahay.
Nakakita ako ng isang white na sando, isang long sleeve shirt na kulay brown at isang black na pantalon. Naghanap din ako ng mga damit para kay Kyle at nakakita naman ako ng isang black t-shirt, isang jacket na kulay black at isang kulay brown na pantalon.
Nagpalit na rin ako ng damit ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at tinirintas ang buhok ko ng side braid at tinalian ng goma na nakita ko sa banyo.
Bumalik ako sa terrace upang tawagin si Kyle.
"Mag-bihis ka na rin. Babalik na tayo sa bahay natin." sabi ko sa kanya at agad naman siyang tumayo.
Habang nagbibihis siya ay gumala muna ako sa loob ng bahay.
Pumasok ako sa isang kwarto. Doon ay nakita kong may mga nakahigang mga bangkay. Naaagnas na ang mga katawan nito at maayos din itong nakahiga sa higaan.
Kinuha ko ang kumot na ginamit namin ni Kyle kagabi at itinalukbong ang mga kumot sa mga bangkay.
"Psst." pag-lingon ko ay si Kyle pala. Ngintian niya ako at nginitian ko rin siya.
"Ready ka na?" sabi niya. Tumango ako at lumabas na kami ng bahay.
Habang kami ay naglalakad ay napadaan kami sa isang shop kung saan may mga pagkain at mga kung anu-anong mga gamit. Pumasok kami ni Kyle doon. May nakita akong Hershey chocolate syrup doon. Napangiti ako at kinuha ang isang bottle nito. May nakita rin akong mga gauze rolls at kinuha ang mga ito in case na may masugatan sa amin. Kumuha rin ako ng mga lubid at ilan pang mga essentials at personal hygiens. Pero isang bagay lang talaga ang sadyang nagpangiti sa akin. Isang solar powered cellphone. Kinuha ko ito kaagad. Kumuha rin ako ng isa para kay Kyle.
"Hey, catch." hinagis ko sa kanya yung phone at agad niya naman itong nasalo. Natuwa rin siya. Nabasa kasi ng ulan ang mga phones namin kaya kumuha kami ng bago.
May mga phone cases din doon na sadyang pumukaw ng atensyon ko. May isa doong phone case na may nakasulat na I'm yours at may heart, yung isa naman nakalagay You're mine at may heart din. Kinuha ko ang mga ito at binigay kay Kyle yung case na may nakalagay na You're mine. Agad namin itong inilagay sa mga cellphone namin at saka umalis na kami ng shop.
Bumalik kami sa forest kung saan kami nanggaling kagabi.
Hinanap namin ang butas kung saan kami nalaglag ni Kyle.
Natuwa ako sa nakita ko dahil nandoon sila Margo. May hawak silang tali at parang may bumababa doon sa butas.
"Margo!" sigaw ko. Agad na napabaling ang atensyon nila sa amin. Hinila nila ang tali at lumabas doon si Christian.
"Buti ligtas kayo!" Niyakap ako ni Margo.
"Zooey." tinawag ako ni Ethan kaya naman niyakap niya rin ako.
"Christian!" sigaw ko at binigyan din siya ng isang mahigpit na yakap.
"Kyle!" sigaw ni Christian at Margo at agad silang lumapit kay Kyle. Si Kyle naman ay walang reaksyon. Hindi niya manlang niyakap pabalik sina Margo at Christian.
"Sabi niyo saglit lang kayo. Sabi niyo babalikan niyo kami kaagad!" napansin ko naka-clench yung fist ni Kyle habang nakayukong nagsasalita.
"Eh kasi--."
"Muntik na kaming mamatay kagabi!" sumigaw siya.
"Kyle--"
"Nasaan kayo kagabi! Haa!! Bakit ngayon lang kayo nag-hahanap!?" sigaw niya habang unti-unting tumutulo ang luha niya.
Nilapitan ko si Kyle at niyakap ito.
"It's okay babe, ayos na. 'Wag ka na magalit." bulong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha niya.
Umalis na si Kyle at sinundan siya. Pauwi na kami ngayon. Kino-comfort ko si Kyle na noo'y nagagalit pa rin.
"Ayos na, babe." sabi ko, hawak ang balikat niya.
Hinawakan niya ang kamay ko.
-----
PAGBALIK namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Alicia.
"Buti ligtas kayo! Paano kayo nakaalis sa butas?" sabi niya.
"Mahabang storya po." sabi ko sa kanya.
Pagpasok ko sa salas ay may napansin akong taong nakaupo sa sofa. Pamilyar ang figure nito.
Lumapit ako sa sofa at nagulat ako sa nakita ko.
SI TREVOR GISING NA!
••
How old are you, guys? Please lemme know. :)
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔
ActionSa kabila ng pagkalat ng virus na dala ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, may mabubuong pag-ibig. Ang malungkot at magulong buhay ni Zoey ay biglang nagbago nang makilala niya si Kyle. Manaig kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng hindi pangkaran...